I really hope you don't give a bad interpretation or "malisya" on this story, especially to those who know me personally. I write because I have dignity as myself: an author, a friend, a daughter and such and I don't do stories to show and do ruckus or misunderstandings. I write based on imaginations and personal experiences or what I see on some people's life. And I'm very much aware, playing with imagination is not bad. right? I'm not mad and all... but I only ask for a wide thinking or the so-called "open-mindedness" Please.
Thanks and no offense meant... I just want to clearly express myself as Pinkypick23 or as my true identity. Godspeed to everyone! =)
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
Nakakainis.
OO...nakakainis!
Peste! Sino ba kasi yang' Lia na yan..?? Ba't ba ang hiwaga ng dating saakin ng nilalang na yan? Totoo ba talaga na nag-eexist siya? Or purong pantasya lang niya!?
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Nagsimula ang lahat ng maging katabi ko si Ranier. Mabait siyang' tao, matalino...somewhat and atleast hindi bobo.
Akala ko nga nung una hindi kami magiging close. Pano' ba naman kasi at parang anlayo ng loob saakin tapos parang kung titignan mo siya...typical guy lang na naging katabi mo for a quarter tapos after that, change seatplans na. Yung parang taong pagtitiyagaan mo lang ng isang buwan?
Pero nawala ang so-called 'awkwardness' ng nagtulungan kami para mag-ayos ng bulletin board. Dulong corner kasi kami ng room kaya ayun, kami ang nautusan. Ayos nga at siya pala ang tipo ng lalake na maasahan at matulungin then after that lang, ayun..nagsimula na rin kami mag-usap.
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Mahina ang utak ko pagdating sa Math, yun nga ang pinaka-ayaw ko na subject na sumi-ibabaw sa balat ng lupa. Letters na may value?? It doesn't even make sense! Pero siya, lagi na lang niya ako tutulungan tapos i-coconvince na ma-sosolve ko din ang isang problem. At kahit mamikit-mikit na ang mata ko sa antok, tatapikin niya ako para gisingin at sabihing: "Uy, ayos ka lang ha, seatmeyt?"
Natural, sasabihin kong' hindi dahil sa puyat pa ako noong isang gabi dahil nalibang sa X-men:First Class. Tatawanan niya talaga ako ng malakas tapos sasawayin ko siya kasi mahuhuli kami ni maam', LALO NA AKO, na pasaway na estudyante sa klase niya. Pero after that, itatanong niya saakin kung ano yung di ko magets tapos magvovolunteer siya na turuan ako. Ayos na rin yun sakin dahil atleast, may free tutorial pa ako!
Pag meron naman activity na by partner, yayain niya ako bilang partner niya. One time nga, niyaya niya ako kaso naging partner ko na yung babaeng nasa harapan ko kaya ayun, nagtampo ang LOKO at papuppy-puppy face pa. Ika niya, ipinagpalit ko na daw ang seatmeyt ko~ :(
Ako naman itong si Mariang' nakonsensya at nagsorry. Hindi ko naman maiwan yung partner ko kasi mas nauna niya ako nayaya kaysa sakanya kaya ayun, sabi ko next time na lang. Pumayag na rin naman siya kaya noong next partner-activity, siya na ang kapartner ko. At TUWANG-TUWA siya.
Natawa na lang ako kasi nag-away pa kami kung sino magsasagot ng mga mahihirap na tanong pero syempre dahil sa maparaan ang lola niyo, SAAKIN ANG MGA NAUNANG TANONG NA SYEMPRE, UBOD NG DALI...tapos siya...ayun..naghihimutok dahil nasakanya lahat ng mahihirap na tanong. Naawa naman ako sakanya kaso sabi niya okay lang daw kasi alam niyang puyat na naman ako kaya itulog ko na lang daw yung remaining time na matitira after kong' magsolve habang nagsasagot siya.
YOU ARE READING
Sino si Lia? ♥A Oneshot Story♥
Conto[A Oneshot Story] Sino nga ba talaga si Lia? Matangkad ba siya? Maputi? Matalino? Maganda? Pero sabi niya, si Lia lang daw ang proprotektahan niya at wala ng iba .. Arghh! Peste at kinukunsume ako ng nilalang na to! Pero antanong...SINO NGA BA TALAG...