(interlude pt. 1 - ako)
-
nagmahal, nasaktan, umasa.
hindi inaasahan ang pagdating nya sa buhay ko. para bang biglaan nalang nagkaroon nang siya at ako.hindi ko kasalanan na pinaasa nya ako sa mga pangako nyang parang pera lang, ang bilis maglaho.
sa isang kisapmata parang bigla nalang naglaho ang lahat nung may dumating na iba.
pero hindi ko nga naman siya masisi. dahil alam kong kahit nawala na ay babalik at babalik pa rin siya dun sa mas minahal niya.
alam ko namang may nauna sakin eh. hindi naman ako nagseselos pero putangina, pain reliever lang pala ako habang hinahabol niya ang happy pill niya.
tangina sasaluhin daw ako pero nung nahulog na ako, lumipat para saluhin ang iba.
ito ang storya ko, ang taong umasa at nagpakatanga para sakanya.
-
[lowercase intended. please support! ty, xoxo <3]
BINABASA MO ANG
me, you, and her in between. || ON-HOLD.
Poetryisang umasa, isang nagpaasa, at isang nakalimutan sa nakaraan. - may nagpakatanga, may nangako, at may nagbalik. me, you and her in between © dreamershey. est. 2018 [on hold]