A Whole new World....
Nung bata pa ako, lagi akong kinukwento ni Kuya nang mga Bed time stories na hindi pang karaniwang stories na kinukwento sa mga ibang batang katulad ko.
Hindi sya tulad nang Cinderella, Snow White, Rapunzel and Sleeping beauty.
Pero kahit ganun, mas nagugustuhan ko ang mga stories na yun. Bakit? dahil katulad sa mga iba pang mga pangkaraniwang batang katulad ko, nagugustuhan nang mga ito ang mga istoryang may halong Fanstasy at Mahika.
Pero habang lumilpias ang panahon, at nag kakaisip na ako, madaming katanungan ang laging tumatakbo sa isipan ko, na minsa'y kapag tinatanong ko kay Kuya, hindi nya ako masagot. Kahit ang kanyang kasintahan, hindi nay rin ito masagot.
Nang dahil dun, hindi na ako muling naniwala sa mga Angels sa mga istorya ni Kuya, at sa mga iba pang mga katauhan na kabilan duon.
''Alfina!'' napatingin ako sa isang gawing direksyon kung saan may isang pamilyar na boses ang tumawag sa aking pangalan.
''Laylah!'' at ngumiti ako habang palapit sya sa kinakatayuan ko.
''Kanina ka pa ba dito? Sorry talaga..'' at nag hand signal sya nang sorry, yung parang nag pe-pray, pero ang sa ginagawa nya ngayon yung ibig sabihin ay na humihingi sya nang paumanhin.
Nginitian ko sya, at napailing lang ako ''Ano ka ba, ok lang. At saka medyo kakarating ko lang din noh!'' at ibinaba ko ang mga kamay nya at hinawakan ko yung left hand nya gamit ang righ hand ko.
''Talaga?'' at biglang umaliwalas ang muka nya
tumango ako at nginitian ko sya ''Hahahaha tara na?'' pag aya ko
tumango din sya at ngumiti pabalik sakin ''Tara!''
Natawa ako sa kanya, dahil napaka energetic nya kahit kaylan.
Katatapos lang nang Graduation namin sa High School, at ngayon Summer break na namin. Napag isipan namin ni Laylah na mag gala sa mga malls dito malapit samin, para na din mag palamid at mag aliw.
Total, kakaumpisa na din nang pag diriwang namin dahil tapos na kami sa High School, at malapit na kaming maging College Students, kaya susulitin na namin ang pagkakataong ito. Kasi for sure kapag nag College na kami, magiging busy na ang bawat isa saamin.
By the way, ako nga pala si Alfina. Alfina Greise. At ang kasama ko naman ang nag iisang bestfriend ko since kinder garten na si Laylah. Laylah Vitiello.
Simple lang ang buhay ko. Isa lang akong normal na ma-aaral, na pangarap nyang maging isang Nurse. Dahil pangarap ko noon pa man ang maka tulong sa ibang tao.
BINABASA MO ANG
THE GUARDIAN's ANGEL
FantasyThey say that Angels Exist, and some said that it didn't Exist at all. I was one of those who do not believe about them. But Everything has change. My perception, and belief.