Heartless na may twist.

1.6K 18 2
                                    


Sa lahat ng Jonaxx boys si Rozen ang favorite ko.

First year kami nagkakilala ng real life Rozen ko. May dalawang matalik na kaibigan si Rozen. At pare pareho silang matalino. Since day 1 na-crush-an ko agad ang isa niyang kaibigan. Na obviously hindi naman ako gusto. Unfortunately hindi ako kasing ganda ni Coreen. Para nga akong si Reina Elizalde. Hindi maganda, hindi din matalino. Alam na alam sa buong classroom na may crush ako sa kaibigan ni Rozen. One day, ni-shuffle ng class adviser namin ang upuan namin kasi sobrang ingay nina Rozen sa likuran. Napalipat ako sa hulihan sa second row. Tatlo bawat hilera. Sa likuran ko napalipat si Rozen. Sa likuran ng katabi ko ang kaibigan niyang crush na crush ko. You can only imagine how ecstatic it was for me. Pero hindi ko alam yon pala ang simula ng impyerno kong buhay. Ang bully ni Rozen sakin. Lahat nalang pinapansin. Ang maiksi kong buhok. Ang taba daw ng likod ko sabay pisil. Like what the fvck diba? Sa crush ko pa sinasabi. Pinapahiya niya ako. Gusto ko nalang mag disappear minsan sa kahihiya. I swear kung pwede ko lang siguro siya bugbugin ginawa ko na. Then one day, uso pa noon ang arnis (pa google nalang sa hindi familiar.lels.), sa sobrang inis ko na sa kanya sa mga pinaggagagawa niya sakin hinagip ko ang rattan stick na nasa harapan ng upuan ko at hinataw ko siya pa-likod. I swear, hanggang ngayon ramdam ko pa ang paglapat non sa ulo niya. I felt guilty pero hindi ako nag sorry. I thought titigil na siya na inisin ako. Pero parang lalo pa yata lumala. Days pass by. Second year na kami. Lumipat ng ibang school ang kaibigan niya na crush ko. Siyempre nalungkot ako pero nakalimutan ko siya kaagad kasi tuloy pa din ang pang iinis ni Rozen sakin. Every morning, tuwing makikita ko siya, binabati ako "good morning" na malawak na malawak ang ngisi. Iniirap ko lang siya at dinidedma. Merong habang nagkaklase ang teacher namin bigla niya nalang ako tatawagin. Nagtatawanan ang buong classroom kaya hiyang hiya ako. Nga pala, nasa likuran ulit siya sa second row nakaupo kasama ng maiingay nyang mga kaibigan tapos ako nasa bandang unahan na sa first row. Kaya ibang level naman ang pamamahiya niya sakin. Broadcast na this time. Ang sweet niya noh? Sarap hambalusin. Araw araw na ginawa ng diyos. Hindi lilipas ang isang araw na wala siya napapansin sakin. Until I fell. Yes. Hindi ko matandaan saan at kailan eksakto ako nagsimula magkagusto sa kanya. Basta ang alam ko lang yong dating kinaiinisan kong ginagawa niya kinakatuwa ko na. Yong dating dahilan ng anxiety ko papasok palang sa school namimiss ko na. Basta. Madly inlove na ako sa kanya. At lalo ko siya sinusungitan. Not sure kung para pagtakpan ang nararamdaman ko o para lalo niya ako kulitin. Papasok palang ako ng gate makikita ko na siya sa pintuan ng classroom na malaking malaki ang ngisi. Hindi siya aalis don hanggang hindi ako nakakapasok. Yong feeling na gusto ko nalang umuwi dahil parang hihimatayin ako pag nakikita siyang ganon. Kunwari walang nakikita maglalakad ako papasok. Ayan na naman ang good morning na kung dati kinaiinisan ko ngayon bumubuo na sa araw ko. Ang ngising dati nakakainis ngayong sobrang nakakamiss. Pag umabsent ako kinabukasan "hinahanap ka ni Rozen kahapon" ang agad isasalubong sakin ng bestfriend ko. Bes, enebe! 

And then one day, third year kami, ang isang mahadera kong kaklase sinabi sa lahat na crush niya si Rozen. Matalino yon kahit hindi naman ganon kagandahan.chos. Kaya ayon, palagi na sila kinakantyawan. Inis na inis ako. Sa lahat ng tao sa classroom ako lang ang hindi ngumingiti. Kahit bestfriend ko nakikitawa. Ano, change ship ka na, ha? Traydor ka bes ha. Habang kinakantyawan silang dalawa, ngising ngisi si babae na pulang pula ang mukha. Kilig ka na niyan? Lande mo te. Sarap niya ingudngod sa upuan niya nanggigigil ako. Tapos lilipat ang tingin ko kay Rozen, row 2 siya ako row 3 pero iisa ang isle namin kaya isle lang ang nasa pagitan namin, makikita ko nakangisi nakatingin sakin tapos sabay bawi at yumuko pero yong ngiti niya simple lang na parang kinikilig? What the fuck. Mas madali itago sakin na kinikilig ako kesa nagseselos. Leche talagang buhay 'to. Simula non kung dati nagtataray lang ako, ngayon umaakto akong hindi siya nakikita. Hindi ako nagrereact ng kahit ano sa mga pang iinis niya. Naiinis na uli ako sa kanya. Paasa ang leche. Na-fall na ako. Umasa na ako. Hindi pa man, broken na ako kaagad. Saklap.

Then one day, pumunta kaming canteen ng mga kaibigan ko. Naabutan namin siya don at iba niya kaibigan. Sabi nong isa niya kausap "ang gaganda pala mga babae dito". Hindi ko naman yon kilala hindi ako nagkainteres tingnan kung sino tinitingnan niya. Pero kay Rozen tinitingnan ko siya sa tabi ng mata ko. Nakangisi na naman ang ugok na yon. Tapos sumagot sa kausap "ilalaban ko ng patayan ang isa diyan". Letse. Gustong gusto ko silipin kung sino tinitingnan niya pero nagpigil ako. Enough na ha. Baka mag assume na naman ako at ma doble asa doble heart broken ako nito. Nagkunwari din akong hindi interesado.

Minsan during lunch break, yong isa kong kaklase umakyat ng injan mango. Humingi ang mga kaklase ko. Wala naman talaga ako sa mood kumain noon non. At saka hindi nakakatakam kasi kita mong puro bubot pa isa lang yata ang pwede na kainin. Ewan ko kung bakit ko naisipan hingin yong nag iisang pwede na kainin. Gusto ko siguro ma-reject din. Kita ko naman hindi niya binigay kahit kanino. Surprisingly binigay sakin ng loko. Napa taas kilay ako. Anong meron bakit binigay sakin? Medyo na guilty ako dahil alam kong itatapon ko lang naman yon. Nagkantyawan mga kaklase namin dahil don. Hanggang pagpasok sa room kinakantyawan pa din kami. Wala naman sakin un. Nagpipigil ako ng pagkabadtrip kasi, ok hindi ako maganda, pero hindi siya ang type ko. Gosh. Napapa roll eyes ako sa utak ko. Pero hinayaan ko nalang. Nagtanong ang teacher namin kung anong kinakantyawan nila. Sinabi naman ng mga siraulo kong kaklase ang tungkol sa injan mango. Alam ko na yan, ayaw nyo lang magklase si Sir, mukha nyo. Nangyari naman. Nakikantyaw din si Sir. Naiinis ako talaga pero sa sulok ng mata ko tinitingnan ko si Rozen na nasa kabilang upuan lang. Nakangisi. Saka bumanat ng "magpinsan silang dalawa, Sir" kaya nagtawanan ang mga kaklase ko. Hindi kami magpinsan ng kaklae kong nagbigay ng injan mango, yong auntie ko napangasawa ang uncle niya, magpinsan ba yon? Siraulo talaga. Pero napangiti ako. Kala mo ba ikaw lang may ka love team?tseh. Kahit gusto ko kilabutan sa isiping ka-love team ko yong classmate ko na yon. Sige, push ko na 'to.

Intramurals pumunta kami manila para mag ayos ng ilang documents. 1 week ako nawala at siyempre pagbalik ko tampulan ng tukso si Rozen at ang mahadera kong kaklase na nagbroadcast na crush siya. Bwiset na bwiset ako. Pero kunwari wala akong pakialam, nakikinig lang ako sa kanilang lahat walang reaction. Then ng naglunch break as usual nasa manggahan kami ng mga friendship. Nagkwento ang isa kong kaibigan.

"Nong wala ka tinanong ni Rozen si bestfriend mo sinong gusto niya. Sagot ni bestfriend siyempre wala. Tapos binalik niya kay ROzen ang tanong. Tinanong nya si Rozen kung sino ba gusto niya. Ang sagot niya kasamahan nyo lang din. Ask ni bestfriend mo kung sino nga. Ako sumagot sabi ko siyempre si *insert my name*. Tumawa lang siya at tumalikod." kwento ng kaibigan ko. Lumukso ang puso ko sa tuwa pero poker face pa din ako. Grabe talaga pagka mapagkunwari ko. Syempre ayoko mahalatang naniwala at umasa. Pride nalang natitira sakin, bah. Ang sinabi ko nalang, "hindi niya naman kinonfirm pwedeng ikaw ang tinutukoy niya". Nagtawanan nalang sila.

Someone said, ang pinakamagandang uri ng pagibig ay iyong lahat ng tao nakakakita na mahal ninyo ang isa't isa maliban sa inyong dalawa.

Nag umpisa na naman ako umasa. This time madly inlove na talaga ako sa kanya. Yong tipong lahat igigive up ko para sa kanya. Ganon ko siya kamahal. It was a sure bet. Ramdam ko talaga he was into me. Reciprocated ang love ko para sa kanya. And soon magtatapat siya. I've been waiting for that moment siguro 2nd year palang kami. Araw araw nararamdaman ko ang ligaw tingin niya sakin. Kung may gusto din siya sa mahadera kong kaklase bakit hindi niya pa nililigawan e pinagkalat na ngang gusto siya? Kasi ako talaga diba? At sadya yatang kapag nasa rurok ka ng kaligayahan dadating at dadating ang aberya. Ilang bwan pagkagaling namin sa maynila nakatanggap ako ng balita na kung 3 years before ko natanggap ay magtatatalon ako sa tuwa. Naayos na ang petition sakin ng mother kong ofw sa europe at kailangan ko umalis as soon as possible. Gosh...umiyak ako non. Sobrang iyak talaga. Ayoko umalis. Not now please? HIndi pa man miss na miss ko na si Rozen. I was 14. Ano ba naman magiging say ko dito. To cut the long story short umalis ako. Nang hindi sinasabi kahit kanino. Kahit may balitang kumakalat na aalis na nga ako dinideny ko. Minsan nga during lunch nagsusulat ako sa upuan ko, dumating si Rozen kumakanta ng kung mawawala ka nakangisi nakatingin sakin. Nang tiningnan ko siya naglipat ng tingin. Umupo sa upuan niya sa tabi ko sa kabilang isle. "Aalis ka na pala? Paano ang maiiwan mo dito?" grabe, nadurog ako non. Fvck ayoko na umalis talaga. Parang awa niyo na dito nalang ako, mag aaral ako mabuti, wag niyo lang ako dalhin sa malayo. Hindi ako tumingin sa kanya sinabi ko lang "hindi naman na matutuloy yon.." parang balewala sa sarili kong sinabi yon. But then I left.

Real life ROZEN GAISER ELIZALDEWhere stories live. Discover now