LMLY - 1

835 31 14
                                    

Dali dali bumangun si Hein dahil malapit na siyang malalate sa klase niya. Dumiretso siya pumasok sa banyo at nagligo ng ilang segundo pagkatapos lumabas at nagbihis na. Pagkalabas niya agad siya dumiretso sa kusina dali dali at ininom ng diretso ang fresh milk na kagagaling lang sa ref na kinuha niya tinungga niya ito.

"Nako naman Hein sayo' sinabi ko gumamit ka ng baso kung iinom ka diyan sa fresh milk"   nakita kasi siya ng inay niya tinungga agad ang fresh milk pagkatapos ininom binalik niya sa ref.

"Okay ma sa ssusunod nalang" 

Sabay naghilamos at nagmumug ng colgate plus pagkatapos nagbanlaw at nagpunas.

"Teka lang, papasok ka ngayun sa paaralan? Sigurado ka ba? Anak naman."  Alam ng inay niya kung gaano siya nasasaktan sa pangyayari sa kanila nung isang araw. Hinarap niya ang inay niya at binigyan ng isang matamis na ngiti.

"Oo naman Inay okay lang ako, tsaka makakaya ko yun.. at kahit magmukmuk ako dito sa bahay ng buong buhay hindi na yun magbabago."   Ang tinutukoy niya ang kasal niya na hindi natuloy dahil iniwan siya ng lalaking dapat makasama niya habang buhay sa harap ng maraming tao. Nahihiya siya at nasasaktan pero anu ang magagawa niya. Wala na yung taong minahal niya na buong buhay niya. Ang akala niya magiging masaya na siya pero hindi parin pala.

Tumingin sa mata ng inay niya at ngumiti. "Promise Inay"   niyakap niya ito ng mahigpit at kumuha lang siya ng isang slice ng bread.

"Anu dito ka mamaya kakain?" 

Habul ng inay niya sa sala.

"Subukan ko Nay, nakakahiya na kasi kay Tita Ly hindi pa ako nakabalik doon."  -  tumango naman ang inay niya at ngumiti.

"Si Wilbert Inay?"

Tanung niya sa kapatid niya.

"Umalis na kanina pa"  tumango at ngumiti si Hein sa Inay niya.

"Alis na po Inay. Bye mag iingat kayo dito"  sabi ni Hein sa inay niya at tuluyan ng umalis.

Napaupo si Carolina sa sofa nila na hindi gaano kalakihan. At pinikit ang mata niya at sinandal ang likod sa sofa nila. Naawa siya sa anak niya dahil sa nangyayari nito nung nakaraang isang araw. Nasasaktan ito at napahiya sa maraming tao, kaya naiintindihan niya kung bakit pumasok ngayun sa paaralan si Hein.

Pagkapasok ni Hein sa paaralan tinakbo niya ang building nila galing sa gate dahil late na siya. Maaga naman siya nagising pero matagal siya nakasakay ng jeep. Ng may nakabangga siya.

"Anu ba pwede ba tumingin ka sa dinaan mo" 

Hindi na tiningnan ni Hein ang nakabangga niya agad niya pinulot ang nahulog nitong gamit at binalik sa may ari na nakatayo sa harapan niya.

"Sorry hindi ko ho sinasadya"  sabay bow niya at tumakbo ulit. Hindi na niya hinintay ang sagut ng nakabangga niya. Ng makarating siya sa room nila mabuti bukas pa ito kaya huminto siya sa may pinto na hiningal hingal pa. Pati prof nila at classmate niya nakatingin sa kanya. Tatlong araw din siya nawala at ngayun late pa.

"You're late Miss Acosta!" 

Mahina ngunit mariin ang pagkasabi ng prof nila. Terror pa naman ito.

"I'm sorry Miss" 

Yun lang ang sinabi niya at pumasok na at dumiretso sa upuan nasa gilid.

Nagpatuloy sa pagtuturo ang Prof nila. Ng matapos na ang period nila parang nakawala sila sa hawla. Kaya nag ingay naman ang ibang classmate niya.

"Bakit ngayun ka lang Hein? Saan ka ba galing?"

Curious na tanung ng isang classmate niya na nasa tabi. Binigyan niya ng matamis na ngiti ang mga chismosa.

Let Me Love You [ Zain♡Hein ]Where stories live. Discover now