Chapter 1

22 1 2
                                    

This is a story about an angel who was sent back down to earth to be a guardian angel. kailangan niyang tulungan magmahal ang isang tao upang mabuhay muli, hindi niya lang alam, na ang tutulungan niya, ay siya ring magtuturo sa kanya kung paano mabuhay ng masaya muli.

Bakit ganon? Ginawa ko naman lahat. Ayaw ko na...
...Suko na ako sa pagibig...
...dahil sakanya...

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

"Oy Alex! Nakamuneng ka nanaman. Hay nako, madidisgrasiya ka sa pagmumuneng mong ganyen eh. Ni hindi mo na nga ako marinig."
Sabi ni Abigail.

"Aby, alam mo namang kailangan ko ng time para mag isip ng concept para sa ending ng libro ko. Ang tagal ko nang hindi nakakasulat, baka hindi ko na mapublish ang libro ko in time. "
Sagot ko sakanya

"Eysus, sige. Basta kung naging famous kana, huwag mo akong kakalimutan ah?"
Sabi niya saakin ng paloko na may tawa sa dulo.

"Haha! Hindi panga naka 3 librong na-publish, famous na agad?"

"Aba malay mo. Magaling ka naman e."

Pauwi na kami ni aby mula school. Ako ay isang writing major at fresh novelist habang si Aby ay kumuha ng course about beverage para magkaron raw siya ng café.
Mahilig akong bolahin ni Aby sa mga ginagawa ko. Very supportive siya sa akin. Napaka swerte ko sakanya.

"Sige alex, Mauuna na ako ha. Mag-ingat ka sa paguwi mo beshie!"
Paalam sa akin ni aby habang siya'y tumatakbo ng nakalingon sa akin at kumakaway.
*Tapos ako raw kailangang mag-ignat...*

Kinawayan ko rin siya at pinanood ko siya hanggang lumiko siya papuntang bahay niya. Nagsimula na rin akong maglakad hanggang sa makauwi ako. Pagbukas ko ng pintuan, sinalubong ako ng nanay ko at mahigpit akong niyakap. Feeling ko mauubusan na ako ng hangin sa baga ko.

"O anak! Kamusta na ang pag-aaral mo?"

Bati sa akin ni nanay.

      "Ayos lang naman po."
      Sagot ko sakanya

"Sige, maligo ka na at magpahinga. Tatawagin nalang kita kung mag-didinner na tayo."
Utos niya sa akin.
Tumungo ako at sinunod ko agad ang utos niya.
Pagkatapos maligo, nagbihis na ako ng pajamas ko at humilata sa kama nung nag-ring ang cellphone ko. Binuksan ko ang phone ko at nakita ko ang wallpaper ko. Picture namin ng boyfriend kong si Anthony.

"Hi! kamusta araw mo?"

"Ayos lang naman. Ikaw?"

"Maganda. May gusto akong sabihin sayo.
Magkita tayo bukas sa bridge papuntang park."

"Sige. Anong oras?"

"Mga 4 PM."

"Sige, See you soon lance."

*Ano kayang meron? May gusto raw siyang sabihin sa akin.*

"Alex! Halika na at kumain na tayo."
Tawag ni nanay sa akin. Amoy hanggang kuwarto ang niluto ni Nay. Binilisan kong bumaba at hinulaan ko ang ulam. Adobo. Sabi nanga ba! Paboritong ulam ko ang adobo.

In Love With A Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon