Chapter 2

4 0 0
                                    


•~•~Two months later~•~•

Dalawang buwan na ang nakaraan pakgatapos akong iwan ni Anthony. Matagal na  ngunit hindi ko parin siya makalimutan. Pero, isantabi na natin siya. Napublish ko na ang aking unang libro. Interesado akong makita kung ito ba'y magiging sikat.

Nag iisip ako nang biglang nahirapan akong huminga. Bigla nalang nandilim ang paningin ko.

Pagkatapos noon, dumilat ako at napaka-liwanag ng paligid.
Tatayo na sana ako nang may lumapit sa akin na liwanag. Kasing liwanag ng sinang ng araw. Ngunit sa mga ilang saglit, humina ang ilaw at nakita ko kung ano ang lumapit sa akin. Isang anghel. Napakaganda ng kanyang mga pakpak. Malalaki at malapad parang pakpak ng agila. Ang suot naman niyay napaka linis na puti.
Namatay na ba ako?

"Alexia Mangeliano, Binabati kita sa iyong pagrating ng ligtas rito sa langit. Halika, sumama ka sa akin at kilalanin mo ang iyong mga kapatid."
Sabi ng anghel. Alam ng anghel ang pangalan ko. Napakahinhin ng kanyang boses. Iniabot niya ang kanyang kamay at ito'y hinawakan ko. Napakalambot rin ng kanyang palad. Tumayo ako at sinundan ko siya.

Nakita ko ang napakaraming mga anghel. Mapabata o matanda, masaya silang naninirahan dito sa langit. Ngunit, ayaw ko pang manirahan dito.

"Alexia. May gustong I-handog na misyon ang panginood sa iyo."
Sabi ng anghel sa akin.

"Gusto mo bang mabuhay muli?"
Tanong niya sa akin.

Bigla akong nabuhayan ng loob. Para bang kandila na nasindihan muli.

"Opo! Kung maaari lang po, gusto kong mabuhay muli."
Sagot ko ng napakabilis sa anghel.

"Ikaw ay magiging guardian angel. Kailangan mong tulungan ang taong i-aatas sayo na mag-mahal muli."

*Magmahal?! Hindi palang ako naka get-over na iniwan talaga ako ni Anthony, tas ang iaatas sa akin ay tungkol sa pag-mamahal muli? Pero ito ang aking pagkakataon na mabuhay muli kaya, I'll give it a shot.*

"Ipag-mumukhang buhay ka pa para walang makakapansin na yumao ka na. Kung natapos na ang iyong misyon, mag a-adjust ang buhay mo sa lahat ng ginawa mo habang ikaw ay anghel palang."
Ipinaliwanag sa akin ng anghel.

"Ngunit, may isang kondisyon. Walang dapat makaka-alam na ikaw ay anghel kundi babalik ka agad dito sa langit ang maging anghel ng tuluyan at ipamumukhang yumao ka na."
Sabi ng anghel sa isang seryosong tono ng boses.

Kinabahan ako onti dahil alam kong maraming kapangyarihan ang mga anghel at dahil ngayon ko lang naranasan ang maging anghel, baka hindi ko ma-kontrol ang mga iyon.
Inipon ko lahat ng lakas ko at umoo ako.

"Sige. Maghanda ka na at tayo'y bababa sa lupa."

"Ako nga pala si Felix. Matagal na akong guardian angel mo."
Sabi niya.

Sa isang kislap mata, nasa lupa kami ulit.
Nasa Pilipinas parin kami.
Nasa harap ng isang College university . Mukhang pang mayaman.
Itinuro ni Felix and isang lalaki. Naka uniform siya kaya baka dito siya nag-aaral.
May itsura rin siya. Itim na buhok, pero may kakaiba. Unique ang kanyang mga mata. Asul sila. Kasing asul ng langit. Ano itong nararamdaman ko?
Nakikita namin ang mga tao ngunit hindi nila kami nakikita.

"Iyan si Matthew Rylance Williams. Top student ng PTS University. Marami na siyang karanasan sa pab-ibig ngunit may mga nangyari at hindi na siya umibig muli. Kung noon ay palakaibigan siya, ngayo'y naging malihim at patago na siya. Pati galang sa magulang, nawa narin. Ang tanging meron sa kanya ay ang kanyang mga grado at pag-aaral na lamang. Ang misyon mo ay turuan siyang umibig muli at dapat hindi niya malaman na anghel ka."

"Opo Felix. Gagawin ko po lahat ng magagawa ko para magawa ko ang misyon ko na ito.
Hindi ko po kayo bibigoin."
Sabi ko kay Felix na may pasaludo pa. Nginitian niya ako.

"Mag-ingat ka. Dahil ikaw ay anghel, maaaring ny mga masasamang espiritu ang pwedeng humabol sayo. Paalala ko, Isa kang anghel; Mas malakas ang iyong mga pandama. Makakarinig, makakakita, at makaka-amoy ka ng mga bagay na napakalayo. ay kakayahang kang mag-ayos ng mga bagay, pero may kakayahan ka na manira ang napakaraming bagay. Kung hindi ka mag-iingat, maaari kang pumatay ng milyon milyong tao sa iisang sandali. Maaari kang kumausa sa nga hayop at pwede kang mag-transfigure. Maaari mo ring kontrolin ang mga hayop, ibahin ang klima, at kontrolin ang isipan ng isang tao para hindi gumawa ng mali. At huli, kaya mong burahin ang memoriya ng isang tao kung kailan mo gusto. Pero hindi mo puwedeng gamitin ang mga kapangyarihang ito kay Rylance."
Ipinaliwanag ni Felix ang aking mga kapangyarihan. Maslalo akong kinabahan. Pero gaya nga ng sinabi ko, Gagawin ko ito para mabuhay muli.

"Aalalahanin ko po iyan Felix."

"Good luck sayo. Ang magiging pangalan mo ngayon ay Alexia Mariangela."

...Magsisimula na ngayon ang aking misyon sayo, Matthew Rylance Williams...

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Ito ang part 2 ng prologue ng story ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Love With A Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon