7

43 5 0
                                    

Chapter Seven: Forget Her???

Gabriella's POV

Ang akala ko ay hindi niya sineryoso ang sinabi niya. Pero ang kaharap si Kylier ngayon ay ang patunay na, oo, tinotoo niya ang sinabi niya.

Nababaliw na nga siya.

Hindi na ako halos makatingin kay Kylier dahil sa iniisip na baka galit ito ngayon dahil na abala ko siya. Eh hindi naman ako ang may pakana nito e!

Hiyang-hiya ako sa kanya!

"Sorry." sabi ko. 

Dahil duon napalingon sa akin si Kylier.

"What are you sorry for?" tanong niya. 

"Baka naabala ka ni Earl, alam ko namang maraming kang ginagawa. But I swear Kylier, hindi ako ang may pakana nito." I explained. Unti-unti namang sumilay sa labi niya ang isang ngiti. Napatulala ako. 

"So it's true?" ang angas ng ngisi niya. Lakas maka pogi!!

"Ha??" Hindi ko maintindihan. 

Napabuntong-hininga siya at humilig sa kanyang upuan. Iniwas ang tingin sa akin pero anduon parin ang ngiti niyang napakabagay sa kanya. 

"Na gusto mo raw ako?" sabi niya.

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Parang nakalimutan ko atang huminga. HO!! ANG INIT!!!

Hindi ako nakatugon na dahilan kung bakit siya humagikgik. HELP!! NAKAKAHIYAAAA!!

"I'll take your silence as yes." nagpatuloy pa siya sa pag hagikgik nang makita ang gulat ko namang mukha. 

Gustong-gusto kong umapila pero para saan pa, totoo naman. Huhuhuh!

"But I wonder why Earl is doing this." sabi niya. 

"Ikaw ang gusto non e." dugtong niya pa. Lalo na akong nanigas sa sinabi niya. Ba't alam niya?!

"Gabriella, don't deny it. Alam kong alam mo na may gusto si Earl sa 'yo. And yet, ako ang gusto mo. And it's like, we're stuck in a love triangle situation." sabi niya. Mas lalo na akong hindi makatingin sa kanya. 

I shouldn't have to be in the picture. Alam ko, dahil yun sa akin. 

"But I can't blame you. it's not you, it's not me and Earl either. It's the inevitable feelings we have for a specific person." sabi niya. Duon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na titigan siya. Ngumiti siya sa akin. 

Nagkatitigan pa kami bago siya umiwas ng tingin at tumayo na agad. He's tall, at ang sobrang bagay sa kanya ang jeans and yellow unbuttoned shirt with white t-shirt underneath. Ang buhok niyang naka wipsy style. Parang ayaw ko nang tanggalin yung tingin ko sa kanya.

"Kanina ka pa tulala. Are you okay?" tanong niya. Bilang nabalik ako sa sarili at tumayo rin bigla. Iniwas ko ang tingin sa kanya at nanahimik pa rin. 

Narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Okay, I get it. If you think na galit ako, I am not. Pumunta ako dito because my friend told me to meet you. You know, I could just reject it and hindi na sumipot, but no. I came here because he's stupid, stupid na ireto ka sa akin kahit ikaw ang gusto niya. It's not your fault. He's just stupid. At hindi ako galit sayo, sa kanya siguro, oo." sabi niya at lumapit sa akin. 

"I'll talk to him." sabi niya.

Hindi ko na rin alam kung ano bang dapat maramdaman.

Dapat ba akong maging masaya dahil sa wakas ay may nagdudugtong na rin sa akin kay Kylier? o dapat bang madismaya dahil nireto ako ng lalaking sinasabing gusto ako, sa gusto ko?

Brave Love Series #1: I'll Be ThereWhere stories live. Discover now