Simula

174 10 0
                                    

Earl's Pov

Chandeliers, soft music, off-white motif of surrounding. People wearing designed gowns and tux screaming their wealths. Most of the people here are more older than me.

It's a grand opening of a hotel, its branch here in Manila. Kilala nila ang Perez pero ako, personally, hindi ko kilala ang nagpaparty o ang nagmamay-ari ng hotel na ito. Si Mr. Ionel Lomov. I don't think I know him.

Wala akong ka date, kasama ko si Kylier at Kenneth dahil maging sila ay naimbitahan. Kasama ni Kylier si Jillian at kasama naman ni Ken ang ka date niya na hindi ko kilala.


"You look intimidating, Earl. Loosen up! Wala kang kalaban dito." natatawang sabi ni Jillian. Looking stunning to her off-white bodycon dress. Nakapulupot ang braso sa braso ni Kylier. Tsk, love birds.

Naupo na kami sa table na binigay sa amin. Maraming media ang dumating at pumasok sa venue nang dumating ang tingin ko, ang may ari ng hotel na 'to. Naririnig ko ang pangalan niya.

"Fvck, is that Gabriella?" narinig kong sabi ni Kenneth. Napalingon agad ako sa pinagkakaguluhan ng media ngayon.

Nakayakap ang braso ni Gabriella sa braso ni Ionel. Nakangiti ang dalawa habang sinasagot ang tanong ng mga media.

"So, she left you for that guy?" narinig kong tanong ni Jillian pero hindi ko pinansin.

Nag-aalab ang galit ko nang nakikita kong may binubulong si Gabriella kay Ionel.

"Anong Gabriella? Guys, Leandra ang pangalan ng kasama ni Mr. Lomov. She's the girlfriend of Ionel Lomov. Hindi niyo ba siya kilala?" sabi ng ka date ni Kenneth.

"Leandra? Where the fvck that name came from? It's clear, si Gabriella yan! Ex-girlfriend ni Earl!" sabi ni Kenneth.

"So we heard na ikaw ang nag suggest ng party for grand opening sa bagong branch ni Mr. Ionel Lomov. And puro papuri ang naririnig ko sa naisip ninyong Off-White motif. Anong masasabi ninyo, Miss Leandra Abella?"

Narinig ko ang interviewer. At tinawag niyang Leandra si Gabriella?

"I am actually very nervous, kase it's my first time to arrange a party for my boyfriend. And usually kase diba, hindi naman off-white ang kadalasan na ginagamit na motif kase iba ang naiisip ng mga tao. But off-white motif is actually elegant for me. And I am very thankful kase sinunod ng halos lahat ng guest ang motif. Thank you very much! And thanks to my boyfriend, Ion, for letting me arrange his party for this grand opening. I hope all of you will enjoy!" masiglang sabi ni Gabriella... O Leandra.

I can recognize her voice. Nanikip ang dibdib ko. I know it's her voice.

It's been what... 4 years.
Since she disappear. The day I lost her.

And she's here, who's now named as Leandra. With her... Boyfriend, Ionel Lomov.

Wala ako sa sarili halos sa buong party. Nung pagkatapos ng speech ni Ionel Lomov ay nagpaalam na ako sa kanila.

"Where you going? The party is not yet finish!" sabi ni Jillian.

"I need to go." malamig kong sabi at lumabas na ng venue.

Kaagad na akong pumasok sa elevator papuntang basement.

May kasama akong dalawang babae sa loob, and all I heard was about that Lomov and Leandra.

"First time ko nakita si Miss Leandra, ang ganda niya no? Tas ang bait,"

"Yeah, na stalk ko siya sa IG, wala siyang halos pictures. Tignan mo, ten lang yung post niya. Gusto ko nga sundin yung style niya e. Ang sopistikada niya kase tignan."

They got out in second floor. Bago pa magsara ang elevator, nanatanaw ko ang mukha ng babaeng kinasusuklaman ko.

Siya ang dahilan kung bakit nangyari lahat ng ito. Si Gia.

Her face we're full shock when she saw me.

Nga naman oh, ilang mukha ba ni Gabriella ang nandito sa mundo?

There's Gabriella, then Gia, then now, Leandra? Really?

Nang magbukas sa basement, pagkalabas ng pagkalabas ko ay sumalubong agad sa akin ang mukha ni Gabriella o ni Leandra.

Nakangiti at may hawak na gift sa isang kamay at hawak ng isang kamay ang cellphone na nakatapat sa tenga niya.

"Yeah, pabalik na ako. May kinuha lang ako sa car, mahal. Yeah, I'll be quick. Love you!"

Pain and longing consumes the entire me. I never missed someone like this before. I never felt a pain like this na kahit titigan mo lang siyang nakangiti, malayo sa abot mo, malabo na mahawakan mo.... ulit, ramdam mo yung sakit.

How brave and strong my love is, to make me feel the pain that would cost a lifetime damage to me?

How brave my love is, na kahit sa loob ng apat na taon, na puro galit, sakit, poot, panghihinayang, pagsisisi, at pangungulila, ay nandito parin ang pagmamahal na na binubuo ko para sa babaeng una kong minahal.

Sa loob ng apat na taon, hindi man lang ito nawala, nabawasan o ano man. Mas lalo lang itong umaalab.

At sa katapangan ng pag-ibig na iyan, ang siyang dahilan din kung bakit ramdam ko bawat sulok ng aking katawan ang sakit.

"Gabriella..." I called her name, but my voice cracked that it almost became a whisper to me. Hindi niya ako naririnig.

Her wrist is shining because of the bracelet she wore. Right wrist, silver bracelet.

Nagbabadya ang luha sa mga mata ko, I can't clearly see her. I just know na napalingon siya sa akin at kumunot ang noo niya. Will she recognize me? Kilala naman niya ako diba?

I turned my back at her.

I can't let her see me vulnerable.

I heard her heels tapped and an elevator closed. Kahit hindi ko kita, alam kong iniwan niya ako. Iniwan niya na naman ako.

Brave Love Series #1: I'll Be ThereWhere stories live. Discover now