Chapter Two
Aqueela's PoV
Pagkatapos kong ilagay ng maayos sa tray ang breakfast nina Sir Clint ay umakyat na ako sa second floor para ihatid ito sa kwarto ni Sir.
Tinuro na din naman na ni Manang kung saan banda and kwarto ni Sir kaya hindi na ako mahihirapan.
Pag-akyat ko sa second floor, mabilis along pumunta sa pinto ng kwarto ni Sir at kumatok
"Come in.." sabi ng baritonong boses sa loob
Pati boses ang hot! Pinihit ko ang seradura ng pinto at dahan-dahang pumasok and to my surprise naka-topless si Sir!
Sanay na akong makakita ng mga lalaking topless dahil uso yun sa lugar namin pero ngayon lang all nakakita ng ganito kagandang katawan. Dun sa amin mga patpatin o kaya bilbilin and mga lalaki pero jusme! Ito ang sinasabi nilang abs palang ulam na!
"Aqueela?" bumalik ako reyalidad dahil sa boses na iyon ni Sir Nakakahiya ka Aqueela! Ang landi mo!
"P-po?" nauutal pa ako
"I said put the tray on the bedside table" kunot noong sabi niya
"A-ah. S-sorry po"
Mabilis kong nilagay ang tray sa bedside table baka magalit pa si Sir Clint, kung hindi pa siya galit sa lagay na yan.
Pagkatapos ko ilagay ang tray mabilis na akong lumabas said kwarto ni Sir at patakbong bumaba sa hagdan.
Dalawang linggo na mula nang magtrabaho ako dito sa mansyon. Maayos naman ang pakikitungo sakin ng mga tao dito, mababait sila at masayang kasama.
Para silang isang pamilya dito at kahit bago palang nila along nakakasama pakiramdam ko at parte na ako ng pamilya nila— bagay na hindi ko naramdaman sa pamiya ng tiyahin ko. Doon kasi ay inaalila nila ako, konting pagkakamali nasasaktan na. Pinag-aral nga nila ako pero sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay lagi nalang nila yon sinubumbat sakin. At habang kumakain ako dinadaldalan pa ako kaya ang ending hindi ako nabubusog, ikaw na naman ang daldalan habang nakain ewan ko nalang kung malunok mo pa.
YOU ARE READING
His Downfall
RomanceClint Yvo Monasterio's life revolves around his company, friends and his five-years old angel- his son. He never open his heart after his first loves. He never welcome love as much as the heartbreak. And he won't let a woman be his downfall again. U...