" Lyrle " malambing na sabi ni Bage
Lumingon ako kaagad kasi nagulat talaga ako.
Unti unti syang lumalapit saakin . At ako naman ay parang naka pako na ang akong mga paa sa aking kinakatayuan.O TO THE M TO THE G , OMG
Papalapit ng papalapit ang mukha nya sakin
Ayan na ayan na maghahalikan na kami ni Bage......
"LYRLE ,GUMISING KANA ,TANGHALI NA!!!!!!" ani mama ,habang ginigising ako
"Ma naman eh , malapit na oh" sabi ko ,habang nagkakamot ng ulo at aandang susugudin si mama .
"Anong malapit na? " tanong nya
"Wala ma ,char lang yon" palusot ko
"Hala sige , mag hilamos kana at bumaba para tayo'y makakain na" utas nya
Naglalakad ako papunta ng banyo ng naalala ko ang nangyare kagabi...
"Lyrle, I LOVE YOU " sabi ni Heryl ,
yung manliligaw kong patay na patay sakin tumatawa ako na parang baliw , at biglang hinalikan si Heryl. Nagulat si Heryl sa ginawa ko , at bigla akong sumuka sakanya
Si Heryl Magco , ay isa sa MGA manliligaw ko , yeah Heryl is a good man, habulin ng mga babae ,gwapo ,matalino,matangkad , and very very gentleman. He is also a grade 9 student ... nasa kanya na ang lahat ,ewan ko bakit wala akong pagtingin sakanya....Okay back to the story
Dumiretso ako ng banyo habang pinapalo ang aking ulo dahil sa kabaliwan nanaman na nagawa ko kagabi ...to inform you all hindi lang kagabi ko nagawa sakanya yun ,actually madaming beses na ,thank god kinakaya nya pa ako, for sure nagtitimpi lang sakin yon.
Habang naglalakad ako papasok ng school ay nakita ko si Bage ,yung crush kong paasa , kasama ang girlfriend nyang ayaw ko kasi nga ang MALDITA!!!!! Dumaan sila sa harap ko , actually hindi alam ni Bage na crush ko sya HOHOHOHOHO I'm safe ..... and ayon nakakairita kasi nga PDA sila!!!!!! HHWW pa eh ...
Papalapit na ako sa aking mga kaibigan na todo support sakinSi Millerya Veder , isa syang juding ,pero kahit ganyan sya tanggap namin sya ,nakakainis nga lang sya minsan. Nanay namin
Si Elayza Casmeto , kaagaw ko sa mga crush ko HAHEHIHOHU , pero duuhhhh share share kami magkakaibigan sa crush namin. Single yung crush nya , swerte pero walang pag-asa
Si Meya Asuncion , pinaka kaagaw ko sa mga asawa ko lalo na sa wattpad, HYPE sya mga beh ... Laging andyan para sakin , sya yung todo support sakin .kaagaw ko rin sa mga crush ko ay namin pala HAHAHAHHA. Madaming crush toh
Si Beanca Sanbinetez , Ka size ko HHEHEHE , mas mataba sya sakin ng mga 2 kilos lang naman HAHAHHAHA , FYI kaya nya akong buhatin .... May girlfriend na din yung crush nya kaya hanggang asa nalang huhuhu.
Si Tina Argenza , yung pinakamaliit samin magbabarkada , may sarili syang airport ,wala daw syang crush.pero meron naman
BACK....Habang papalapit ako sakanila ,nakikita kona yung mga C.A.T na nag-tetraining ,tas nakita ko dun yung isa kong crush , actually hindi si Bage ang real crush ko ,
Si Led kasi talaga , isa sya sa mga Batt. Com. (Battalion Commander) grade 10 sya , pati si Bage grade 10 rin ,at ako grade 9.
Ay oo pala , may I introduce to ya'll my 3rd crush , Ryxe Martin , grade 9 rin , ka-age ko. Feel ko eto yung kaporeber ko eh....ano sa tingin nyo?"Lyrle , nagawa mo yung ass.? " tanong ni meya
" Kakadating ko lang yan agad tatanungin? " pabiro kong sinabi
"Ay sorry na po , Madam Lyrle , nag jojoke lang naman po eh " ani nya sabay irap.
Minsan talaga ang sarap sabunutan tong meya na toh eh..Habang nag-uusap kami biglang nag ring ang bell ng school namen ,sign para pumunta na sa sari sariling linya...Naglalakad ako ng nakasalubong ko si Led , shit ang gwapoooooooooooooo ...... D naman sa OA pero ang gwapoooooooooo talaga ihhhhhhhh , LED NAMERN KASI!!!!!!
Nagulat ako ng nakita kong sya pala ang magtataas ng flag ,edi ang saya ko pero dahan dahan lang sa pagtingin kasi nasa gilid lang namin yung line ng girlfriend nyang MAGANDA , yes ,maganda yung girlfriend nya ,matalino ,may pagkamaldita.....
Tapos nung nasa harap na sya bigla syang nag lick ng lips nya oh shittttttt , i can't do this anymore ,i think i'm going to die...... pagkatapos ng flag ceremony may mga in-announce pa ..."Ang saya saya ni Lyrle ngayon kasi si Led yung nag taas ng flag " mapang asar na sinabi nung EPAL ko na classmate ....
Yung feeling na akala mo sya yung teacher , tas katabi ko pa... pero okay din naman kasi magaling din tulong tulong kami sa pagsagot hahehihohu.....(LUNCH)
Lumabas na ako kasama ang mga kaibigan ko para kumain......Habang kumakan kami nakita ko yung pinsan ko kasama yung mga barkada nya , and uyy mga besh may crush ako sa isa sa mga barkada nya.......ang dami kong crush noh..........
*BELL RINGS*
Habang isa isang umaakyat ang bawat section ay nandto kami naiwan sa baba kasi nga wala pa yung subject teacher namin........Mrs.Orange is our subject teacher na hinihintay namin kasi ang tagal tagal , matanda na kasi eh HAHAHAHAH ..... kung nagtatanong kayo bakit Mrs. Orange , kasi naman lagi laging orange ang mga suot at gamit , ewan ko lang kung pati kulay ng bahay nila orange.......
~5:00 PM (CLVE TIME) ~
Habang nag lelesson kami narinig ko ang mga C.A.T na sumisigaw , hudyat na nag prapractice na sila kaya dali dali akong nagpaalam sa teacher,
" Sir may I go out for my neccesity". tumango lang siya........
Habang naglalakad ako pasulyap sulyap ako sa may labas para makita ang mga C.A.T ,
" Shiiiiiiiiiiiiiiiit, ang gwapo ni Led", mahinang sabi ko , pero deep inside nagpaparty ang mga laman loob ko
Nakatingin lang ako kay Led habang sinasabi ang " SHIT" , nang biglang may nakabangga akong isang lalake na malaki ang katawan , and OWEMJIIII IT'S KUPAL ESTE KAEDEN , tinignan ko siya pero linagpasan niya lang ako GRABE ang sunget.............Pagbalik ko sa room namin ay dismissal na pala, kinuha ko na ang mga gamit at bag ko para sumunod na sa mga kaibigan ko.
~DISMISSAL TIME~
Habang papalabas ako ng classroom ay biglang sumigaw si Elayza ,
" Lyrle, Si Led nasa labas , NAKA-POLOOOOOOOOO , ang gwapooo nyaaaa " , sigaw nya habang tatalon talon kaya naman binatukan ko siya ,
"wag ka ngang maingay" inis na sabi ko sakanya at sabay lagay ng hintuturo ko sa labi niya
"Nakita ko na siya kanina pa" nakangiti kong sabi sakanya
"Sabi ko na nga eh kaya ka dali daling lumabas kanina para makita siya" sabi ni Elayza,
"Halika na sundan na natin sila Millerya at mag meryenda muna tayo sa labas" sabi ko
"okay" sabi niya.
Habang nag lalakad kami pasulyap sulyap ako sa gawi nila Led,
"Wag mo masyadong titigan teh baka matunay yan hehehehe" rinig kong sabi ni Meya, napabuntong hininga nalang ako at nag tuloy sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita
FanfictionSi Lyrle Sarvero ang babaeng puno ng pangarap ang isipan . Lagi nalang syang nangangarap , tulad ng magiging sila pa kaya ng mga hinahangaan nya? Makikita nya pa kaya ng mga taong iniidolo nya? Matutupad ba lahat ng mga pangarap nya? o Magbabago ang...