Chapter 6

3 0 0
                                    


*Knock knock*

"anak, mukhang may kumakatok, paki check naman please" utos ni mama habang nagtatype sa laptop niya...

"sure ma" tumayo ako at naglakad papuntang gate, ang aga aga sino naman kaya ito?? pag punta ko ng gate, shems mukhang alam ko na kung sino.

"Hey Good morning" nakangiti niyang bati sa akin, sino pa ba? edi walang iba kung hindi si tukmol!!slash jake!

tinaasan ko lang siya ng kilay at nag cross arms ako..

"Ano naman ang good sa morning ha? " inis kong tanong sa kaniya

tumikhim kang ito at ngumiti na parang aso, shemay, ang ganda ng mga ngipin niya. pang artista!

"Wala hahahaha i'm picking you up, bilisan mo" utos nito sa akin . oo nga pala sasabay ako sa kaniya ngayon..ang weird talaga ng jake na ito. sarap pektusan, hindi ko alam kung bipolar ito oh ano eh.

"Ayoko, bad ka" sabay irap sa kaniya

"Wag matigas ang ulo mo, isa pa, isusumbong na talaga kita sa mama mo" nag cross arms din ito at binabantaan ako..aba aba?napangiti naman ako..

"Aba! go ahead! gusto mo samahan pa kita! akala mo ba maniniwala yun say--- hey!!" naputol ako sa pagsasalita ng nakita ko siyang naglakad dire diretso sa loob hg bahay namin! ang rude talaga! sa sobrang bilis nito maglakad ay hindi ko na naabutan, shemay..pero pagka pasok ko sa loob mukhang huli na ako dahil nakita ko na kausap niya si mama.

"Tita, kunin ko na po si kylie ah? nagrereklamo po eh, ayaw sumabay sakin" pagsusumbong niya kay mama, at nginitian ako ng nakakaloko..anak naman ng tokwa!

"Anak ano ka ba naman?! si jake na nga ang nagmamagandang loob sayo, dahil hindi ka na masusundo ni amanda! bilisan mo na, diyan! naku jake, pasensya ka na sa anak ko ha? matigaas talaga ng ulo niyan" sabi ni mama

"But ma?" sigaw ko

"No more buts! kinausap ako ni jake kagabi kung pwede ka ba niyang ihatid sundo,tulog ka na kasi kagabi kaya hindi ko na nasabi sa iyo, at dahil hindi ka na madadaanan ni amanda, eh, siya na ang bahala sa iyo" sabi ni mama

napa buntong hininga na lang ako... hayysstt kaimbyerna talaga.

"Okay sige na nga, mauna na po kami ma"
Kinuha ko na ang bag ko at humalik na kay mama, inirapan ko lang si tukmol at sinundan na ako nito palabas

"sige po tita, mauna na po kami" ang kapal talaga, tita pa ang tawag kay mama..napaka feeling close talaga ng lalaking ito..

Nang makalabas na kami ay bubuksan ko na sana ang kotse niya kaya lang bigla siya na ang nagbukas ng pintuan..

"Ako na po ang magbubukas mahal na reyna" he said in sarcastic tone..but i just ignore him and went inside..as i expected ang lamig nanaman ng kotse niya.. Ang lakas pa naman maka ubos ng gas niyan...pero mukhang marami naman siyang datung eh. pautang nga? xD

Sumakay na rin siya sa loob ng kotse..

"Hey bakit ang tahimik mo?" he asked while driving

Ayaw ko siyang sagutin..nakakainis siya..sinabihan niya pa akong tanga kagabi..malay ko ba kase diyan sa bakuran thingy na iyan... tatlong araw ko pa lang nakikilala itong lalaki na ito eh parang pinanghihimasukan na ang buhay ko...

Unforgettable soundWhere stories live. Discover now