Chapter 4: "Your Welcome"

22 3 0
                                    

Taeyeon's POV

"Okay eonnis. My surprise ako sa inyo." Sabi ni Seohyun na ngiting ngiti. May masamang kutob ako dito. Nasa bahay kami ni Seohyun ngayon dahil may sasabihin daw siya.

"Ano na naman ba to Seohyun? Niloloko mo na naman ba kami?" Tanong ni Hyoyeon dahil niloko kami ni Seohyun dati, nagyaya sya sa resort tas biglang nung nasa loob na kami ng room nilock kami. Akala namin mamamatay kami dun tas si Seohyun lang pala yun. Simula nang naging sila nung Chanyeol na yon, mahilig na sya mangloko ng ganon pero nilalagay niya parin sa lugar at mabait parin siya.

"Hinde eonni, seryoso to. Promise." Mukhang seryoso nga talaga siya kung titignan ang mukha niya at kung pano nya yun sabihin. Feeling ko totoo to.

"Ganito kasi yon. Napagusapan namin ni Cha-"

"Chanyeol! Chanyeol na naman." Sabay sabay na sabi namin.

"Oo nga. Sorry na. Basta ganito yon. Since weekend naman, lets try to enjoy. Lets go to an amusment park!" Sigaw niya at nagsimula na kaming magreact.

"Sure!"

"Masaya yon!"

"Dami ng pagkain and I'm ready to eat!"

"But Chanyeol and his friends will be with us." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ahh ganon ba." Sabi ni Jessica na nakasimangot.

"Sige wag na lng. Di na ako sasama." Sabi ko.

"Ako game parin! Maghahangout kami ng bespren ko! At syempre ang aking iniintay na pagkain!" Sigaw ni Yoona. Hayys sabagay nandun si Sehun para sa kanya.

"Come on eonnis. Ngayon lang naman yan eh." Sabi ni Seohyun na medyo malungkot ang mukha pagkatapos makita ang reaksyon namin.

"Taeyeon eonni sige na po oh. Humiwalay ka na lng kay Baekhyun oppa. Sumama ka na please." Naawa ako pero ayoko talaga sumama. Hindi ako mageenjoy kung nandun yung bwiset na yon. Pero for Seohyun sige na sasama na muna ako pero ngayon lang talaga to.

"Fine. I'll go." Sagot ko.

"Ikaw Sica eonni?" Tanong ni Seohyun kasi napansin nya rin kanina ang reaksyon ni Sica.

"Well, sasama na din ako wala naman akong kaaway dun." Napangiti si Seohyun dahil dun.

"So maaga pa naman. Anong oras ba tayo?" Tanong ni Sooyoung.

"Umm... mga hapon na siguro para di masyadong mainit. Mga 2:00 tayo aalis." Tumango kami at maya maya nagpaalam na din ako para makapahinga pa ng kaunti tas magaayos na ako.

Pagpasok ko ng bahay nakita ko si mama at papa na nanonood ng tv. Tutok na tutok sila siguro maganda yon.

"Uyy ma, pa, ano yan?" Walang lumingon sa kanila kaya umakyat nlng ako sa taas tas humiga ako sa kama.

---------

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Tumingin ako sa orasan ko at nagulat ako nang makita ko na 1:30 na. Lagot ako! Ano ba yan! Napasarap tulog ko.

Maya maya pagkatapos ko maligo, may narinig akong tunog ng kotse sa labas. Patay, nandyan na pala sila.

Binilisan ko na yung pagbihis buti na lang nakaligo na agad ako. Hindi na ako nagsuklay, sa kotse na lang. Pagkababa ko nakain sila mama.

"Taeyeon kumain ka na dito." Sabi ni mama.

"Di na ma aalis kami ehh. Di ko nasabi kanina kasi busy kayo sa panonood, sorry." Sabi ko at yun na din yung paalam ko.

"San ka naman pupunta ha? May kadate ka na ba?" Sabi ni papa na parang naghihinalang may kadate na talaga ako.

"Hahahhaha. Si ate may boyfriend na!" Sigaw ni Haeyeon ang aking kapatid na makulit.

Not My Enemy || BaekyeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon