Title Your Story Part

1 0 0
                                    


Alam mo hindi ko ba alam kung bakit ba ang lakas manlait ng ibang tao.

Nakakasama lang ng loob na makita lang iba, lalaitin na lang at pagsasalitaan ng kung ano-ano.

Kaya hindi umaangat ang bansang ito dahil sa mga taong ganiyan.

Muka at kayamanan ang basihan sa buhay. Bakit hindi nila umulat ang kanilang mga mata?

Baliktarin kaya natin ang sitwasyon?

Ako na nilalait mo ang manglalait sayo ng mas masakit pa sa suntok na ibinabato mo sa akin.

Tama nerd at masungit ako. Masabihin mo na rin na maramot ako sa mga gamit ko. Pero ang tanong ko lang. Tanong lang.

Hindi naman ako lumapit sayo hindi ba?

At sino ka nga ba ulit? Pasensya ka na hindi ko kasi inaalala yung pangalan ng hindi ko nakikitaan ng interes. Pasensya ka ha? Hindi ko naman alam na problema ko pa na wala kang gamit.

Yung mga ganiyan bang salita ang gusto kong sabihin pero pinipigilan ko ang aking sarili. Para na rin kasi akong tanga kung papatulan ko pa ang mas tanga sa akin.

Totoo yan. Suguro hindi mo na uunawaan yung mga pinagdadaanan naming mga loner. Kasi wala ka sa sitwasyo namin.

Hindi dahil loner ako ay boring na akong kasama. Totoo naman akong kaibigan kaysa diyan sa iba diyan. Mabait naman ako at sobrang masiyahin.

Lagi nilang sinasabi na magbago na ako. Pero paano naman ako magbabago eh ganito na ako?

Ah! May naalala ako hindi nga pala ako introvert or extrovert. Ambivert ako. Gitna lang. Tama lang. Mahilig makisalamuha pero hindi matagal tulad ng iba. Gusto ko rin naman mapag-isa.

Note bookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon