This is based from my experience.

15 0 0
                                    

Opening na ng classes! Wow! Totoo ba 'to? 1st year college na ako?! Classmate ko yung kabatch ko sa Highschool. Si Christian.

Si Christian ay gwapo. Andaming nagkakacrush sa kanyana. Pati pa ngang mga bakla nagkakagusto sa kanya. Well, Ako nga pala si Mariah. Diko inakala na magkaparehas kami ng course ni Christian. Marketing Management pala course niya. Actually, ngayong college lang kami nagkakilala although nakikita namin ang isa't-isa sa school. Bale wala lang siya sa akin. kase nga bat pa ako magkakacrush sa lalaking napakarami ang nagkakagusto sa kanya diba? Pero perception ko lang yan. Depende na sa tao.

4 kaming magkakaparehas ang school na magkakaclassmate. Si Noel, Estef, Christian at ako. Si Noel at Estef ay magsyota. Sila lang yung kaclose ko kasi si Noel, barkada ng boyfriend ko tapos since 2nd year Highschool ko pa kakilala si Estef. Nagkagusto ako kay Christian kase talagang gwapo siya at cute. *Insert Inlove emoji*

Ayan! Uwian na. Actually siya yung unang nagapproach sakin. "Mariah!" sigaw niya sa akin. "Huh?" Lumingon ako. "Bakit?" bigkas ko. "Saan ka pupunta?" tugon ni Christian. "Sa office ni Mama sa City Hall" sagot ko. "Pwede bang sabay na tayo?" tanong niya. Ako naman since crush ko e di na ako nagpakipot pa. ayun! nakatabi ko na siya sa tricycle. Napaka awkward noong una kase hindi kami nagpapansinan sa loob ng sasakyan pero sa school parang wala lang. Para nga kaming magsyota noon sabi ng mga classmates namin kaso di nila kayang tanungin noon kase nahihiya sila. Kase naman kahit yung cellphone niya, pinapahawak niya sakin pag may gagawin siya or kapag wala siyang bag pinapabag niya binder niya. Pag wala siyang ballpen humiram siya sa akin. Tapos kapag papasok kami sa tricycle kapag uuwi na e ako yung nauuna. So, talagang parang magsyota kami. Feel na feel ko. Hahaha! Hiniram ko cp niya. Ayun! May nagtext! "??????" and nakalagay na contact name ng nagtext tapos yung sabi "Babe bla bla bla" Nagring na yung bell. "Class dismissed" sabi ng professor namin sa Natural Sciences. Lalabas na kami. "Babe!" Lumingon si Christian. "Oh. bat lumingon ka? bat ganyan ka makatingin sa akin? :D" sabi ko "Wala lang :D" Alam kase nyang nabasa ko yun e.

Naka uwi na rin ako. hays! kakapagod mag-aral. *New Message* "Sino kaya yan?" sabay kuha ng cellphone *Christian* "Huh?!". "Gawa mo?" text ni Christian. Bat nagtext siya tapos ganito ang tatanungin niya?! To think na hindi naman talaga siya magtetext kung magtatanong lang sa mga school works. "Bat ka nagtxt? E tinetext mo lang ako kapag may tatanungin ka about sa school?" reply ko. "Bawal ba kitang katext?" "Hindi naman. kaso naninibago lang ako." reply ko. "Gusto ko lang naman mafeel kung paano ka katext. Dahil di ko pa naranasan na katext ka. Kapag nagtatanong lang naman ako."  Wow ah! haha. Pero nakakakilig naman. Kapag katext ko si Christian lagi kong binibiro. Ang tawagan namin noon e "Babe" Lahat ng text namin may ganyan. Kapag magtatanong kung anong gagawin sa school tomorrow or kapag nagPPM siya sa akin na tintanong kung anong ginagawa ko. At this time, Talagang mas lalo pa akong nafall sa kanya.

Until.... Dumating na yung time. Meron siyang gustong babae na classmate namin. Siya si Ann. Maputi Half chinese. Magaling naman. Maganda? Dala lang ng puti niya kaya siya maganda. LOL. Kinuha niya number niya sa akin kaya ayun ako namang tanga ibinigay ko. hay! Tapos ayun until nagdedate sila. Tapos tinanong ni Christian kung ano sila? Kung bakit ganito na nagdedate sila e di pa sila magsyota. Until tinanong na ni Christian. Tayo na ba? Si Ann naman. pakipot pa kahit naman nagwagwapohan kay Christian. "E. Sge na." sabi ni Ann. "Tayo na?!" tanong ni Christian sabay hawak sa kamay ni Ann. "Oo!" Oh ayan. Kaya ko alam yang scenario na yan dahil kwinento ni Ann sa aming magbabarkada. Well, alam niyang crush ko si Christian pero before niya sinabi sa amin, sinabi niya munang, "Mariah, wag kang magagalit ha? Sorry! alam kong crush mo si Christian pero.. Ganito yun..." Tinuloy na niyang ikwinento.

Masakit ano? After all, tinatawag niya din akong babe kapag katext niya ako. Pero para sa akin biro lang mga yun. Walang malisya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon