"Ikaw bata ka! Hinahanap kita kung saan saan " Sabi nung nanay ni Adrian na may halong inis at pinagtutulak ito ng hindi gaano kalakas
At pumasok na sila sa kanilang tahanan
" Nay! Sayang hindi niyo nakita,may nailigtas ako sa ilog na batang nalulunod" masaya si Adrian kasi kahit bulag siya ay kaya niya pala magligtas
"Paano kung ikaw ang nalunod?"sabi ng nanay niya sabay lapit Kay Adrian dala dala ang twalya at pinunasan ito
"Ikaw bata ka pagod na pagod na ako sayo,buong buhay ko nagaalaga nalang ako sayo"sinasabi ito habang pinupunasan ang kanyang anak at pagkatapos ay bumalik na sa pagtitiklop ng mga damit
" Nay sorry na po" halos mangiyak si Adrian
Tapos ang kanyang inay naman ay tila napahinto sa pagtitiklop ng damit dahil sa pag sosorry ng anak at napaluha ito.
"Mama may nagligtas sakin sa ilog kanina isang batang bulag pangalan niya po eh adrian"sabi ni Jennifer sa mama niya
"Nalunod ka?!!"gulat na sabi ng mama ni Jennifer
"Opo nay" bakas sa itsura niya ang pagkalungkot
"Sa susubod jen magingat ka,pasalamat tayo meron si Adrian na nagligtas sayo" sabi ng kanyang ninong al
"Pasaway po kasi tong si jen eh" sabi ni shirly ito ,kaya napalo ito ni Jennifer
"Pasensya na po,magiingat na ako sa susunod" sabi nito Sabay yakap sa mama niya at sa ninong niya
"Anak dalhin mo rito yung batang yun para makapag pasalamat kami sa kanya sa pagliligtas ng buhay mo" sabi niya Kay Jennifer
"Nay,ninong alis na kami ni Shirly para po mahanap namin si Adrian" paalam nito at umalis na sila agad upang hanapin si adrian
At may dala silang tig isang ting ting HAHA
Sa paghahanap nila Shirly at jennifer may naririnig silang bata na tinutukso na bulag kaya agad sila tumakbo
"AH BULAG!" Sabay tapon ngmaliit na bato
"Aray ! Tama na" pag mamakaawa niya sa mga batang nanunukso sakanya
" Bulag! Bulag bulag!"Sabay tulak nila Kay Adrian sa putikan at napaupo naman so adrian sa pagkatulak sakanya
" Aray!tama na" patuloy parin itong tinutukso at pinagbabato
Hanggang sa dumating ang dalawang babae na may dalang ting ting
"HOYYY!!! TANTANAN NIYO NGA SI ADRIAN" galit na sabi ni Jennifer sa mga batang lalaki
"Nagpapakasuper hero oh HAHAHA!" sabi nung bata at nagsitawanan sila
Hanggang sa hindi sila nakapag pigil pinagpapalo nila ito ng ting ting hanggang sa umalis na ang mga iyon
Tinayo nila si Adrian ,at basang basa siya dahil sa pagkatumba niya sa putik
"Okay ka lang ba ?" Sabi ni Shirly na may halong pagaalala
"Ayos lang"sabi naman nito
"Thankyou nga pala Jennifer at Shirly sa pagliligtas sakin" sabi ni na may ngiti sa labi
"Wala yun" sabi nilang dalawa
"Ako nga dapat magpasalamat adrian eh utang ko ang buhay ko sayo"Sabi ni Jennifer
"Ako dapat ang magpasalamat,dahil kahit bulag ako eh kaya ko pala maglitas ng buhay" Masaya si adrian
"Tara na gusto kasi magpasalamat ni mama sayo eh,pero magpalit ka muna" sabi ni Jennifer at umalis na silang tatlo upang makapag ayos muna si adrian bago pumunta sa mama ni Jennifer.

BINABASA MO ANG
Sa Piling Mo
RomancePaano kung dumating ang araw na matagal silang pinaghiwalay ng tadhana? magkakatuluyan pa ba sila despite sa lahat ng Mga nangyayari?