CHAPTER 6

9 3 0
                                    

WINTER SAPHIRA GIOVANNIE POV

Bumangon ako at dumiretyo sa banyo dahil nakagown parin ako at naka make up,Lutang pa ang pakiramdam ko ngayon naparami ata yung alak na nainom ko kagabi

Pagkatapos kong maligo pumunta na ako sa kusina dahil mukhang nagluluto si Yeshua, Balak ko sanang pumasok kaso nung buksan ko yung pintuan nakalock

"Yeshua pweding pumasok?" Mahinahon kong tanong

"Hindi" tipid nyang sagot

"Please" Pacute ko pang sabi pero hindi parin nya binuksan kaya naman umupo nalang ako sa sofa na sakto namang paborito kong cartoon yung palabas hehe LARVA

sobrang nakakatawa talaga sila hehe,Nung halos mabaliw na ako sa kakatawa biglang sumulpot si Yeshua sa harap ko na naka cross arm at beast mood pa

Ano na naman kayang maling nagawa ko?Palagi nalang syang galit!Kainis na may halong kilig hehe ang cute nya kasi lalo

Teka!May pupuntahan ba sya?pansin ko lang na pormal ang outfit nya,Pupunta kaya uli sya ng party

"May pupuntahan ka?" Tanong ko sakanya at saka nya inabot yung isang mahabang listahan ng puro pagkain

"Inuutusan mo ba akong pumunta sa super market para bilhin lahat ito?" Gulat kong tanong sakanya habang binabasa ang pagkahaba habang listahan

"Wala kasi akong kasambahay e" Nakakalokong ngiti ang binato nya saakin,Kanina lang beast mood sya tapos ngayon ngingiti ngiti na,Sya na ata itong baliw

"Samahan mo nalang ako,Hindi kasi ako marunong" Paliwanag ko sakanya,Ikinagulat ko nalang ng bigla nyang tapikin kong likod ko at lumabas ng condo

WAAAAAHHHHHH!!!!!!!Tinapik nya yung likod ko hehe!Ang bango bango nya talaga!!!!Waaaahhhhh!!!!!Tumayo ako sa sofa at nagsisitalon talon na parang bata sa sobrang kilig

Ang sarap talaga ng feeling ng in love,Puro ka lang masaya puro positive ang nasaisip hanggang sapag karating ko sa super market nakangiti ako na parang anu mang oras ay pwedi na akong kunin ni Lord pero wag pa naman sana

Inumpisahan kong bumili ng mga prutas,gulay at mga karne,Pero hindi pa man ako nakakarating sa bilihan ng mga delata puno na kaagad yung tray ko,Ano ba kasing meron at pagkarami rami ng pinapabili nun!May infected ba bukas?May mga zombie ba?tsk!Mabuti nalang at kaunti lang ang tao ngayon

Dahil nga sa napuno yung tray ko kumuha uli ako ng bago huhuhu,Mukha na akong kawawa neto honestly first time kong pumunta sa super market para bumili ng mga ganito dahil hindi ko naman ito ginagawa sa bahay,So... Ang hirap pala ng kalagayan ng kasambahay namin tuwing namimili sya

Kahit malakas ang aircon nagatak parin ang pawis ko at inaamin kong ang baho ko na huhuhuh,Nagbayad na ako sa casher at saka naman ako Tinulungan nung mga employees ng supermarket na idala lahat ng ipinamili ko sa kotse,Gamit ko kasi kotse ni Yeshua dahil mas kailangan ko naman hahaha

FANGIRL DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon