CHAPTER 8

9 2 0
                                    

WINTER SAPHIRA GIOVANNIE POV

Pagkagising ko wala na si Yeshua at hindi ko alam kong saan sya ngayon dahil galing narin ako sa bar na pinuntahan nya kagabi at binayaran ko narin yung bill nya pero wala sya doon

Paulit ulit ko rin syang tinawagan pero hindi naman nya sinasagot natatakot ako na baka may mangyaring masama sakanya

Kahit na masakit saakin alam kong matatanggap ko naman na hindi para saakin si Yeshua pero mas masakit pa pala yung nakikita ko syang malungkot dahil sa babaeng nagpapasaya sakanya ng lubos

Ilan taon ko rin syang pinangarap pero gusto ko ng bumitaw dahil ayaw ko syang makitang nasasaktan

Araw ng mga patay ngayon pero wala naman akong dadalawin kaya dito nalang ako sa condo mahihintay na makabalik si Yeshua

Tulala akong kumakain dito sa sala ng bigla sumulpot si Yeshua na dahilan na mabilaukan ako at mapatakbo sa kusina para lang kumuha ng tubig

Inhale,Exhale, relax

Lumabas ako sa kusina at hinagis nya saakin yung paper bag na hindi ko naman sinalo

"BOBO" Poker face nyang sabi at saka ko naman pinilot yung paper bag

"Where have you been?" tanong ko sakanya at saka nya ako inirapan

"Isuot mo yan!pupunta tayong entertainment"

Halos lumabas na yung mata ko sa sobrang gulat,Seriously? WWWAAAAHHHH!!!!Isasama nya ako sa entertainment nya!!!!

Tumakbo ako sakanya at niyakap sya na parang bata at agad nya namang tinanggal yung pagkakayakap ko at saka sya umupo sa sala

"5 minutes"

"Ha!" Oorasan ba nya ako

"10 seconds left"

"Wait!"

Dali dali akong tumakbo sa kwarto at sinuot yung damit na ibinigay nya,Wow ang ganda napapangiti tuloy ako mag-isa,Nagpabango lang ako at binuhaghag yung buhok ko at saka ako lumabas ng kwarto at pagkabukas na pagkabukas ko sya na agad itong bumungad saakin na tinignan pa ako ulo hanggang paa

Umikot naman ako para mas romantic ang scene na ito pero pagkaharap ko sakanya palabas na sya ng pinto kaya naman hinabol ko sya at humawak sa braso nya pero tinggal nya din nginitian ko naman naman sya

Pagkarating namin hindi kami agad bumaba at nananatili lang muna sa kotse nya

Parang dati lang inaabangan ko sya dito kahit na umulan at sobrang init pero ngayon dadalhin pa nya ako sa loob

"Mahal mo ako diba?" Tanong nya saakin at kinilig naman ako at tumango

"Pero hindi kita mahal" agad akong napatingin sa mata nya

"Pe-pe-pero--" Nauutal kong sabi

Nagulat nalang ako ng bigla nyang ilapit yung mukha nya saakin kaya naman agad akong napalayo sakanya na ikinatawa

"Wag kang lilingon sa harap may camera" bulong nyang sabi

FANGIRL DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon