Chapter 1

6.5K 127 7
                                    

8:30 am.

"Tsk, late na naman ako!" I murmured to myself as I hurriedly walk to our class "Ano ba yan."

I was about to open the door and just burst inside saying, good morning po ma'am Natie, I'm sorry I'm late, but the doorknob is locked. Naku, baka ayaw na ni ma'am Nats na magpapasok sa room kasi 30 minutes na nga naman na akong late. I sighed.

I peered in the glass window of the room, hmm, bakit kaya walang tao? I checked my watch, 8:35, tama naman yung oras ko pero bakit walang tao dito? Then I checked my phone,

It's Tuesday. Wala nga pala kaming pasok! Arrrgh! I thought. Ang shunga ko lang kasi nagmadali talaga akong pumasok, nawala sa isip kong tuesday nga pala ngayon. I sighed.

"Ang lungkot mo naman." someone said, I turned to find the owner of the unfamiliar voice and nakita ko yung isang lalaking nakatayo sa bandang likuran ko, "Hi." he smiled

I offered a sly smile, hindi ko sya kilala but I know he's a 4th year college student here.

"Bakit ka ba malungkot, anong problema?" he inquired

"Wala kaming pasok." I answered quietly

"Wow, ngayon lang ako nakakita ng estudyanteng malungkot dahil walang pasok." he smiled

"Hindi. Hindi yun, wala talaga kaming pasok. Ang ibig ko lang sabihin... nakalimutan kong walang pasok. Pumasok ako kasi akala ko meron pero wala nga pala. Tuesday nga pala kasi." I murmured, looking down at my fingers as it started to fiddle

"Hmm. Ganun ba? Eh kumain ka na ba?" he asked, I shook my head "Tara, kain muna tayo?" he offered

I nodded my head. Pumayag ako kasi ayaw ko pa rin namang umuwi, parang gusto kong gumala muna. Sayang baon. Tapos pagtatawanan pa ako samin pag nalaman nilang nagmadali ako at nakalimutan kong walang pasok. And as for this guy, ang lakas ng aura nya, para syang gangster. But I didn't feel afraid of him, feeling ko pa nga safe ako kasi mukhang magaling sa pakikipagbakbakan 'tong isa na 'to.

"Saan mo gustong kumain?" tanong nya

"Kahit saan." sagot ko, I don't mind any fastfood chains, basta wag lang restaurant na super sossy at hindi ko yun afford

"Osige." he smiled "Sandali lang, may kukuhanin lang ako."

I nodded my head. After a few moments ay bumalik na syang sakay ng isang motor na kasing angas ng dating nya. Wow.

"Sakay na." he offered a hand, I hesitated, "Oh, bakit?"

"Feeling ko kasi dyan ako mamamatay eh." sagot ko

He laughed "Hindi, wag kang mag-alala, hindi naman kita hahayaang masaktan. Saka sa mall lang naman tayo pupunta eh, malapit lang." he smiled "Trust me."

"Sige, kahit hindi kita kilala." I murmured quietly, almost a whisper

"Drake." he gestured for a handshake

I took his offer "Vamp." I mumbled

"Wow, bampira. Hindi ka naman pala talaga mamamatay eh." he chuckled "Sakay ka na. Dito sa harapan ko."

"Ha? Sa harapan mo? Bakit, ayoko dyan. Sa likod mo na lang." I mumbled

"Ayoko. Gusto ko nakikita kita para alam kong hindi ka mapapahamak." he murmured in a serious tone, I felt a sudden urge to follow him "Sakay." he insisted

Then I did what he said, sumakay ako sa harapan ng upuan ng motor nyang nakakatakot "Wag mo na lang bibilisan ha, natatakot kasi ako." I said quietly

"Di kita hahayaang masaktan." he answered, I felt a strange protectiveness at his words and somehow, I felt safe

Sa mall.

Sabay kaming pumasok ng mall, dumaan kami sa inspection at nauna syang natapos dahil wala naman syang dalang bag.

The lady guard finished checking my bag and ako naman ang chineck nya, then I saw Drake, parang medyo may galit sa ekspresyon ng mukha nya habang nakatingin sya sa kamay nung lady guard na nagchi-check sa katawan ko. I felt uneasy. Grabe, super guard ba 'tong kasama ko at over sa pagbabantay? And he don't even know me, pangalan ko lang alam nya.

"Tara." he smiled a wry smile, took my bag from me and held my hand

Wow, boyfriend ko na ba 'to? Ang bilis huh? I thought. Hindi ako sanay ng hinahawakan yung kamay ko kasi hindi ko naman talaga pinapahawak kung kani-kanino yan, especially boys. But there's something about him that made me resist from pulling my hand away from him, I felt safe.

"Dun tayo." he pointed a fine dining restaurant

"Ha? Naku, wala akong pera eh. Hindi ko afford dyan." I said

"Eh ako naman yung magbabayad eh." he mumbled

"Ha? Bakit? Date ba 'to? Tayo ba?" I raised an eyebrow

"Oo. Date na 'to. Pero oo, hindi pa tayo kasi manliligaw pa lang ako sayo." he smiled

"Ha? Bugok! Ngayon mo lang ako nakilala noh!" sagot ko

"Gusto kita." he muttered, looking straight at me

"Ganun kabilis?" I snapped

"Hindi naman kasi napipigilan yung nararamdaman eh."

"Eh di kung makakita ka ngayon dyan ng kung sino-sino na lang, pwede mo rin silang magustuhan agad?"

"Hindi. Nung una pa lang kitang nakita, gusto na talaga kita. Kaya nga ginamit ko na 'tong pagkakataon na 'to para makasama't makausap kita."

I just stared at him, naghahanap ako ng signs kung nagsisinungaling ba sya o seryoso talaga.

"Bigyan mo naman ako ng pagkakataon para maipakita sayo at maparamdam lahat ng mga sinasabi ko."

"Ngayon lang tayo nagkakilala. Saka pano naman ako magtitiwala sayo agad?" sagot ko

"May tiwala ka na sakin. Eto tayo sa mall, sumama ka sakin, diba?" he grinned

I was speechless.

"Tara na." he smiled and grabbed my hand, I'm still speechless, "Wag kang mag-alala, mabait naman ako. Hindi kita hahayaang masaktan, pangako."

Na sa tapat na kami ng isang restaurant ay hindi pa rin ako kumikibo, "Uy, magsalita ka naman." he squeezed my hand gently

"Mag-bet tayo." I said, hindi ko kasi alam kung ano ba talaga ang gagawin ko, aalis ba ako o hindi? And the idea of a bet popped into my mind, dito ko na lang dadaanin yung sign kung ano yung dapat kong gawin. Help me God.

"Bet? Anong bet?" he asked

"Pag may nakita tayong baklang naka-gown dito ngayon, tutuloy tayo dyan at papayagan kitang mapatunayan sakin lahat ng mga sinabi mo kanina. Kapag wala, aalis na ko dito at kakalimutan na natin 'to lahat." I said, pinili ko yung baklang naka-gown dahil alam kong imposible yun at himala na lang kung magkakaroon, at kung magkaroon nga ay tatanggapin ko yun as a sign na dapat ko nga syang pagbigyan ng chance

"Ha? Dito sa mall?" he took a deep breath "Osige. Maghintay tayo dito ng 10 minutes."

We waited. 5 minutes na ay wala pa ring dumadaang bakla na naka-gown.

"Tara, samahan mo muna ako dun, bibili lang ako ng maiinom. Uhaw na kasi ako." he mumbled

"Sige." sagot ko

We were in a fresh fruit juice stall when I heard loud cheers not so far from us, papalapit sa direksyon namin yung mga maiingay "Congratulations!" sigaw nung isa. Then someone walked so gracely and proudly out of the cheering group...

"Anong tinitignan mo?" Drake asked as he looked to the direction I'm looking, he was speechless then he laughed.

Isang baklang naka-gown.

My Love and His Possessive Ways [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon