Sa bawat pagpatak ng ulan
kakaiba ang nararamdaman
mga ala-alang pinipilit kalimutan
at sakit na dinulot ng sinumanLakas ng hangin ay iniinda
paghihinagpis nito ay di alintana
mapuntahan ka lamang at makita
makasama ka lalo ay sapat naInit ng araw sa mukha ay dinaramdam
kakaiba ang dulot nito sa pakiramdam
pano pa kaya ang init mo sa katawan
hinding hindi kana pakakawalanPaglagas ng mga dahon sa puno
ay katulad ng ala-alang mga nabuo
na pinipilit man nating itago
ay lalong kumakawala ang mga itoSa paglipas ng bawat panahon
tanging bakas na lamang ang naroon
lahat ng mga dumadaang unos
ay meron din namang pagtatapos...thank you for reading.... ;)
BINABASA MO ANG
Short Poem
Randommga maiiksing tula na sariling likha ng may akda... wala akong pakialam if no one can read my works ,i just wanna share this to make myself happy not for everyone happiness... thank you..