Intro

64.8K 696 10
                                    

"Gosh mukha talaga siyang Korean! Ang cute cute niya talaga!"

Nakasilip si Cha-Cha sa bintana ng kanyang kwarto habang naglalaro ng basketball ang kanyang kuya Larry kasama ang mga kaibigan nito.

Sa edad na Katorse natutunan na ng kanyang puso ang humanga sa bestfriend ng kanyang kuya. Halos dalawang taon na niya itong hinahangaan.

Walang iba kundi si Kevin Justine Cortez. Napakagwapo nito sa lahat ng kaibigan ng kanyang kuya larry. Ito ang pinakamatangkad at pinakamagaling mag laro ng basketball.

Magaling din ito sa Academics dahil Student Council President ito sa kanilang Campus. MVP ng Basketball Varsity at higit sa lahat ito ang pinagkakaguluhan ng mga babae sa loob ng campus nila

Ngayong Sixteen years old na si Cha-Cha at first year college sa DeLumina College mas lalong lumalim ang kanyang pag hanga kay Kevin na kaklase ng kanyang kuya larry at 3rd year college na.

"Palagi mo nalang bang papanuodin mag basketball yan? Gwapo nga siya pero lahat naman ng babae kaagaw mo sakanya. Sasakit lang ang ulo at puso mo"

Napasimangot si Cha-Cha dahil sa komento ni Paulo ang kanyang bestfriend. Nasa loob din ito ng kanyang silid.

"Oo nga Cha! Ang sungit sungit pa niyan!" Sabat naman ni Hazel. Ang isa pa niyang kaibigan.

Tatlo sila ngayon sa kwarto niya dahil gumagawa sila ng Groupproject

"Wag nga kayong ganyan sa sweetheart ko! Ayaw niya lang ako pansinin dahil--"

"Dahil hindi ka niya gusto" Singit ni Paulo

"Hoy paulo sasapakin na kita.. Gusto ako ni Kevin nararamdaman ko yun no!" Napanguso siya

Umirap sa hangin si Hazel at paulo

"Halika na dito Cha cha gawin na natin yung project natin. Baka gabihin pa tayo dahil panay ang tingin mo diyan sa kevin na yan"

"Fine!" Sumulyap pa muna siya kay Kevin habang nag lalaro ito ng basketball

Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil nakatingin ito sakanya.

As usual nakakunot ang nuo nito.

Ngunit hindi nabawasan ang taglay na kagwapuhan nito. Singkit ang mata nito at matangos ang ilong. Ang labi nito ay mamula-mula. Kahit Nineteen years old palang ito maganda na ang hubog ng katawan nito dahil May Abs na ito hihihi

Napakaway siya at nag Flying kiss kay Kevin. Lalo naman kumunot ang nuo nito at nag iwas ng tingin.

Kinikilig siya humarap kila Paulo at Hazel na nasa likod niya pala

"Dinedma ka diba? Bakit kinikilig ka pa din?" Nakasimangot naman si Paulo at hazel

"Oo nga Cha! Napakasungit talaga! Dati crush ko siya pero nawala na dahil napakasama ng ugali niya grrrrr!"

Ngumiti lang siya dahil kinikilig pa din siya.

Buo na ang kanyang araw tuwing titingin si Kevin sakanya pakiramdam niya ang saya saya niya

"Wag kayong negative. Tara na gawa na tayo ng project"

Kina-umagahan maagang pumasok sa campus si Chacha. Kahit Pang hapon pa ang klase niya

hihi gusto ko kase makita araw araw si kevin. Pang umaga kase siya eh. Kaya araw araw inaagahan ko ang pagpasok para abangan si Kevin dito sa gate ng school.

Napapatingin si Chacha sa kanyang relo. Malapit na mag alas-otso ng umaga. Ibig sabihin paparating na si kevin. Nag lalakad lang kase ito tuwing papasok sa kanilang school

LOVING KEVIN (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon