chapter five (group work)

17.3K 644 20
                                    

Chapter five

"Huy chikiting gising!"

Niyuyugyog ng kanyang kuya larry ang kanyang balikat upang magising siya

"Grrr Ano ba kuya? Inaantok pa ako!" Nagtalukbong siya ng kumot inaantok pa kase siya. At Sabado ngayon kaya wala silang pasok

"Gising na! Darating mga kaklase ko may group project kami. Mag linis tayo tulungan mo ako. Umalis sila mommy at Daddy kaninang madaling araw bukas pa sila uuwi"

Napadilat siya sa sinabi ng kuya larry niya kaya bumangon agad siya

"Mga kaklase mo? Kasama ba si Kevin?"

"Tss Oo naman team leader namin yun eh. Kaya tulungan mo nako mag linis kahit sa first floor lang dahil nakakahiya sa mga kaklase ko kung magulo bahay natin"

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Napatakbo siya sa Cr upang maligo t mag toothbrush

"Huy saan ka pupunta? Maglilinis pa tayo!"

"Maglinis ka mag isa mo kuya! Magpapaganda pa ako!" sigaw niya. Agad niyang binuksan ang shower at naligo

"Hindi ka talaga maasahan" Sigaw ng kuya niya halatang badtrip ito

Nang matapos siya maligo nag bihis siya ng pink na short at white blouse. Napangiti siya dahil ang sexy niya

Inabutan niyang pawis na pawis ang kuya larry niya dahil naglinis ito. Kasalukuyan itong nag mop ng sahig

"Hoy kuya bakit ba nag lilinis ka ng husto? Dati naman nag group work na kayo dito pero di ka naman naglilinis e kahit nga may nakasampay pang brief mo wala kang pake eh. Bakit ngayon todo linis ka?"

Nagtatakang tanong niya sa kuya niya habang nagsusuklay siya ng kanyang buhok

"Ewan ko sayo. Di ka maasahan. Kababae mong tao di ka marunong maglinis ng bahay. Paano ka magugustuhan ni Kevin kung panay ganda lang?"

Napasimangot siya sa sinabi ng kuya niya

"Hoy hoy malinis naman kase ang bahay natin ha! Naglinis kami kagabi ni Mama!" Depensa niya

"Malinis na ba sainyo yun? Paano kung mapahiya ako kay hazel isipin nun madumi bahay ko--"

Napatigil ito sa pagsasalita ng marealize nito ang sinasabi

"Oh my God kuya! Hahahah Buking ka na! Kaya pala ang O.A mo maglinis dahil darating si Hazel! Hahaha Nako lagot ka kay Freya!"

Nataranta naman ang kuya niya

"H..Hoy hindi no! Kung ano ano pinagsasabi mo diyan tulungan mo nalang ako. Mag spray ka ng anti-odor dalian mo parating na sila"

Tawa siya ng tawa dahil ang pula ng pisngi ng kuya larry niya halatang nabuking niya ito sa tinatago nitong damdamin

"Mag order ka na din ng jolibee. Good for Five people. Apat lang kase kami tapos ikaw. Para pang almusal at tanghalian na yung orderin mo ha" Utos ng kuya niya

Napangiti siya ng husto

"Ayos hahaha Dati hindi mo man lang pinagmemeryenda mga kaklase mo. Ngayon purkit darating si Hazel mag papajolibee ka? Ayos talaga yan kuya ahaha"

Sumimangot lang ito at pinagpatuloy ang pag Mop

"Kuya ang baho mo na. Maligo kana!"

Nataranta naman ang kuya niya binitawan nito ng Mop at tumakbo sa Cr

Naku po. Mukhang inlove na kuya ko ah? hahaha

Pagkatapos tumawag ni Chacha sa Jolibee delivery hotline. Narinig niyang may kumatok sa pinto

LOVING KEVIN (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon