Chapter four (he cares?)

17.4K 300 6
                                    

Chapter four

Nakasimangot si Chacha habang naglalakad siya sa corridor ng campus nila.

Inis na inis pa din kase siya sa dalawang babae sa loob ng restroom kanina

Paano naman nila masasabing magiging boyfriend niya si kevin? Kapal niya grrrr

Malalim ang kanyang iniisip kaya hindi niya napansin na makakasalubong niya si Kevin. Napanisin nitong malungkot siya kaya hinarangan nito ang dadaanan niya

She bump into his body

Doon palang tumingin si Chacha sa taong nakabanga niya

"Ay kabayo" Nagulat pa siya ng makitang si Kevin ang nabanga niya

"S..Sweetheart"

Namula agad ang pisngi niya dahil nagulat siya. At si Kevin pa talaga ang nasa harap niya ngayon

"Malalim ata iniisip mo?" Tanong nito

"A..Ah eh..Hindi naman masyado"

Tinignan lang nito ang kanyang mukha

"Saan ka pupunta? Wag mo sabihing mag cucuting classes ka nanaman?" Nakasimangot na tanong ni kevin sakanya

Napangiti siya

"Uy concern ang sweetheart ko? Mag mimiryenda lang ako sa cafeteria. Hindi po ako mag cucutting classes"

"Okay" iniwasan nitong mapatingin sakanya

"Nag miryenda ka na ba?" Tanong niya kay kevin bago ito tuluyan lumakad palayo.

Napatingin ito sakanya kaya Ngumiti siya ng matamis.

"Why?" Napakunot nuo nito.

"Bakit ba palaging nakasimangot ka sakin sweetheart?" Hindi mapigilan magtanong ni Charlene.

Ngumiti lalo siya dahil nag iwas ito ng tingin

"I..I just don't like your smile. So don't Smile often"

Nawala unti unti ang ngiti ni Chacha. Hindi niya inaasahan na sasabihin ni Kevin sakanya ang salitang iyon

P..panget ba akong ngumiti?

P..panget ba ako?

B..Buo naman at mapuputi ang ngipin ko..

Halos limang beses pa nga ako mag toothbrush...

Paano naging panget ang ngiti ko??

Natahimik siya sa sinabi ni Kevin.

"M..Mauna nako sayo"

Nag madali na si Kevin lumakad palayo sakanya.

Malungkot na napayuko si Chacha..

Haaay. Kahit anong gawin ko hindi mo pa din ako magustuhan kevin..

Malungkot siyang naglakad papunta sa Cafeteria na nasa likod ng Building one

Mag isa lang siya dahil hindi niya makita si Hazel at Paulo. Kaya naman sa pinakadulong table sa loob ng cafeteria niya naisipan pumwesto. Kaunti lang ng studuyante sa loob dahil umuulan sa labas

Nais niyang mag senti dahil sa sinabi ni Kevin sakanya.

Umulan nanaman? Siguro umiiyak ang langit kapag umiiyak ang puso ko?

Naisipan niyang tumingin sa labas ng cafeteria baka sakaling matanaw niya sila hazel at Paulo. Ngunit Malakas ang ulan kaya wala din siyang nakikitang kahit ano

hmm Grabe ang lakas ng ulan..

Habang nag iisip siya narinig niyang tumunog ang speakers sa buong Campus. Ito ay isang announcement na pinapauwi na lahat ng studyante dahil sa Bagyo.

Napangiti ang mga studyante sa loob ng cafeteria. Mukhang ang iba sa mga ito ay masaya

LOVING KEVIN (SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon