Magpatuloy

32 1 0
                                    


Magpatuloy

Limang taon,

Limang taon tayong magkasintahan,

Magkasama sa lungkot, sa saya, at kahirapan,

Pero iisang beses lang kitang sinabihan ng "Ayoko na. Pinapalaya na kita.

Ngunit ang iisang pagkakataon na 'yon ang dumurog sa akin,

Dahil walang pag-aalinlangan kang nag-empake at nagsabing "Salamat.

"Salamat? Salamat sa pagpapalaya ko sayo?

Salamat sa pagbibigay ko ng pagkakataon na magkasama na kayo?

Salamat at hindi mo na kailangan magtago upang kayo'y magtagpo ng palihim?

Paanong sa limang taon ng pagsasama nati'y kalahati noo'y may iba ka na palang kinakalantari?

Paano mo nagagawang titigan ako ng diretso sa aking mga mata habang sinasabihan mo ako ng mga katagang "Mahal na Mahal Kita."

Paano mo nagagawang yakapin ako ng may nakatutok na punyal sa likod ko at magpigil na itarak ito kung bawat sandali yakap mo ako'y siya ang nasa isip mo?

Paano mo nasisikmurang halikan ako gamit ang mga labi mong ginamit mo sa paghalik sa kanya?

Paano ka nakakatulog sa Gabi na alam mo na may niloloko kang tao na nagmamahal sayo ng tapat?

Hindi ko man malaman ang sagot sa mga katanungan ko ngunit ito lang ang alam ko,

Mahihirapan akong lumimot,

Mahihirapan akong gamutin ang mga sugat na dulot mo,

Pero magpapatuloy pa rin akong mabuhay kahit alam kong wala ka na,

At kung dumating ang panahon na ang mga sugat ko'y maghilom at handa na muli ang puso kong magmahal,

Hindi ko 'to pipigilan dahil alam kong parte ng umibig ang masaktan.


+Missen+

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now