"Arianna!"
The fuck. Sino na namang 'tong tumatawag sakin?
"Arianna Marie!"
Lumingon ako pero dahil malabo na ang mata ko gawa sa mga luha ay hindi ko na sya namukhaan. Agad na muli akong tumalikod sakanya.
Patuloy padin ako sa paglalakad at sa pagpahid ng luha ng biglang may humila sa braso ko na nakapagpaharap sakanya. "Damn. Ano ba?!"
Napakamot ang lalaki sa ulo nya. Lumingon lingon pa sya sa likod bago magsalita. "Ako yung nagpopost."
Bago pa muli sya magsalita ay lumagitik na ang palad ko sa pisngi nya. Kahit ako ay nagulat sa nagawa ko. Pero ngayon ko lang nalaman na masarap pala 'yun sa pakiramdam. Na pagod na pagod ka na at galit na galit ka sa hindi mo alam na dahilan at sa isang iglap parang nailabas mo na lahat 'yun. Pakiramdam ko ang lakas ko na.
Hawak padin ng lalaki ang pisngi nya na may bakat ng kamay ko. Napakagat ako ng labi dahil hindi ko alam nadala lang talaga ako kanina.
"Ang hirap kasi sayo wala kang tiwala sa sarili mo." Tinaasan ko sya ng kilay. Naghihintay pa ako na dugtungan nya ang sinabi nya pero bigo ako.
"Ano bang pake mo?" Paano ako magtitiwala sa sarili ko? Hindi ko nga alam kung dapat pa ako magtiwala. Nakakasawa na din. Ano bang gagawin ko?
"Maniwala ka sa sinasabi ko."
"Tigilan nyo ako sa mga laro nyo. I'm not a toy." Nagpumiglas ako sakanya at tumakbo palayo.
"How can you be so sure that I'm playing?" Sigaw nya na nakapagpatigil sakin. Sinubukan kong i-absorb ang mga sinasabi nya pero ni isa walang maproseso ang utak ko. Nilingon ko sya kasama nya sila Pat at Sun na mukhang sinundan din ako. Agad akong sumakay sa tric.
Ayoko pang umuwi dahil namamaga pa ang mata ko dahil sa pag-iyak. Ayokong mag-alala na naman sila papa, Ang alam nila ay ayos na ako. Ilang beses na ba ako nagpapalipat lipat ng school? Madami na pero sa bawat napupuntahan ko pinagpepyestahan nila ako. Parang hindi makukumpleto ang araw nila pag hindi nila ako nabubully o nasasaktan.
Ang archi na lalaking 'yun ay si Craig. Paano ako maniniwala sakanya? Usap usapang playboy ang lalaking 'yun. Tapos ako? Magiging crush nya ako? E wala nga ako sa kalingkingan ng mga nagugustuhan nya tapos ganun? Hindi nya ako maloloko. Fuck. He’s power tripping.
Wala pa akong nagiging boyfriend at alam ko na ignorante ako sa mga ganyan pero hindi naman ako tanga. Alam ko 'yung inuuto na ako at sa hindi.
"Where have you been Yana? Umorder lang ako nun tapos nawala ka na. Hindi ka din sumasagot sa tawag ko." Utas ni Janice.
Hindi ko alam bakit wala syang ideya sa nangyari nung Biyernes. Hindi ba nakwento ng mga kaibigan nya ang nangyari? Wala, ewan ko na. Wala ako sa mood para magpaliwanag sakanya. "Mamaya ko nalang sasabihin." sabay tingin ulit sa board para magsulat ng notes.
"Actually alam ko naman talaga e. Gusto ko lang na ikaw ang magkwento." Bulong nya padin habang nagdidiscuss si miss sa harap tungkol sa nalalapit naming midterm exam.
BINABASA MO ANG
Ignorance Is A Bliss
RomanceNot knowing something is often more comfortable than knowing it because sometimes, what you don't know won't hurt you...