"Ano bang sinasabi mo?" nagpunas ako ng luha at tinignan sya ng may pagtataka.
Inabutan nya ako ng panyo pero agad ko itong tinanggihan.
Dati hindi ako sanay na may nagpapatahan sakin sa tuwing nabubully ako, na may kumakausap sakin sa tuwing pakiramdam ko walang may gusto. Pakiramdam ko lahat ng tao sasaktan lang at pagtatawanan ako palagi.
Natatakot ako kaya minsan ayoko nalang pumasok. Thank God I met Janice and her friends. Sumaya ako kahit papaano. Nagtiwala ako kahit mahirap.
Pero ngayon? Hindi ko alam na meron pa palang tao na mag aaksaya ng oras para sakin. Sya 'yung tao na nagtanggol sakin pero sya din ang dahilan kung bakit ako napag iinitan ng mga kaibigan nya, kung bakit ako nasasaktan ngayon. Kung bakit ako umiiyak ngayon.
"Pwede ba tigilan nyo na ako? Wala ba talaga kayong magawa?"
Nanglaki ang mga mata nya. "Sorry."
"Don't be sorry. Ang gusto ko tigilan mo na 'yang kalokohan mo. Wag ako, pwede?"
Hindi ko alam paano patitigilin ang mga luha ko. Lumipat na nga ako ng school pero hindi ko alam na ganito padin ang kalalabasan. Nakakapagod na, sobra.
"Ihahatid kita sainyo."
"Ano?"
"Hindi mo ba ako narinig?"
"Hindi ba sinabi ko na tigilan mo na? Pag nakita na naman nila ako, kawawa na naman ako sakanila."
"I'll talk to them."
"Hindi na. Ayokong magkaroon ng utang na loob."
Tumayo ako sa kinauupuan namin at isinukbit sa balikat ang malaking bag na puno ng libro. Ramdam ko ang mga buhok ko na kumakawala sa mataas kong ipit. Sumasadsad sa maputik na lupa ang flat kong sapatos at halos matalapsikan na nito ang mahaba kong palda.
Sa ngayong pagkakataon, walang sumigaw ng pangalan ko para patigilin ako sa paglalakad palayo.
Tahimik akong nakauwi. Pinilit kong humarap ng maayos kila papa dahil ayoko silang mag-alala at mag-isip na may hindi magandang nangyayari na naman sakin sa school.
Sa bawat pag mulat ng mata ko para pumasok, iniisip ko nalang na konting panahon nalang ang kailangan ko at matatapos din 'to. Konting tiis nalang at makakatakas na din ako dito.
Dahan dahan kong pinupunasan ang salamin ko habang naglalakad papunta sa room namin. Hinipan ko ito saka pinunasan ulit. Napangiti ako ng makitang malinaw na ulit ng biglang dumulas ito sa kamay ko dahil sa lakas ng pagkakadapa ko sa sahig.
Dahil doon ay nakuha ko ang atensyon ng iilan pang naglalakad sa corridor. Dahil sa pinagtitinginan na nila ako ay wala na akong nagawa kung hindi tumungo nalang. Pinipigilan ko ang mga luha ko na tumulo pero sadyang automatic na yata sila lalo pa at naririnig ko ang mumunting tawanan ng mga babaeng pumatid sakin.
Tumayo ako at iniayos ang nagusot kong uniporme. Ramdam ko na masakit ang bandang tuhod ko. Hindi na ako magtataka kung may gasgas na don ngayon.
Hinanap ko ang dumulas na salamin sa kamay ko kanina. Nang makita ko na, kagaya nito nadurog din ang puso ko. Matagal ko ng iniingatan ang salamin na 'to dahil ito na ang huling regalo sakin ni mama bago sya mawala noon. Binalingan ko ang mga babaeng natatawa tawa padin. Tinago ko sa bulsa ang salamin at nilagpasan nalang sila. Ginala ko ang paningin ko at nakikita ko ang mga pagsulyap sakin ng iba pang estudyante.
"Jill! I thought we've already talked about this!?"
"Sorry Craig. It's just that... She's blocking our way. We were supposed to go back inside the room already but..."
BINABASA MO ANG
Ignorance Is A Bliss
RomanceNot knowing something is often more comfortable than knowing it because sometimes, what you don't know won't hurt you...