Lilipad ba ang Saranggola sa Ulan?

2.8K 249 141
                                    

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Sino ba naman ang matinong tao na tatawag ng ganitong oras? Tss.

Kinuha ko na ang tumutunog kong cellphone upang makita kung sino ang tumatawag. Inis na inis ako. Ang ganda kasi ng tulog ko tapos biglang maiistorbo.

Pero yung inis na yun biglang naglaho.

Nung nakita ko ang pangalan mo.

 

Sasagutin ko ba? Aish. Malamang Kath. Yung mahal mo yung tumatawag oh.

“H-hello?” garalgal pa ang boses ko nung sinagot ko ang tawag mo.  Alas diyes na kasi ng gabi.

“Gandang gabi pangit.” Ang pang asar mong boses ang una kong narinig. Dapat mainis ako diba? Kasi tinatawag mo akong pangit.

Bat nga ba pangit? Madami namang nagsasabing maganda ako ah. Hindi nga ako maputi, pero maganda pa din naman.

Pero ikaw, bat hindi mo yun makita?

 

“Napatawag ka?” tanong ko sayo.

“Tara dito sa condo? May inuman.”

Inuman.

 

Inuman nanaman.

 

Bat ba ang tanga ko? Bat di ko naisip na iyon nga lang ang dahilan mo ng pagtawag mo sa akin sa ganitong oras? Ang tanga ko para isiping kaya ka tumawag dahil namimiss mo lang ako.

“Pass muna ako.” Sagot ko sayo.

“Tss. Ano ba namang bespren yan.” Ayan. Diyan ka magaling. Sa pagsumbat sa akin ng role na ginagampanan ko sa buhay mo sa tuwing tumatanggi ako.

Ako naman ‘tong si dakilang tanga, hindi ka matiis.

Natuto ng makuntento sa pagiging bespren mo.

Kahit na mahal kita ng higit pa sa kaibigan.

 

Ilang beses ko na bang sinubukan lumayo sayo at tumigil sa pagiging bestfriend mo? Kaso di ko kinakaya.

Sigaw ng puso ko, Okay na yun! Kesa sa wala.

 

“Daniel naman, alas diyes na oh.” Pagdadahilan ko. Kahit ngayon lang susubukan ko namang magmatigas sayo.

“Psh. Wala ka na nga nung inuman nung nakaraan eh.”

 

‘Gago. Nandun ako nun. Inalagaan kita.

 

Gusto kong isumbat sayo yan kaso para san pa diba? Di ka naman maniniwala. Kasi wala ka sa tamang pag-iisip mo nun. Kasi lasing ka.

Saranggola sa Ulan (KathNiel) (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon