"Hindi na kita mahal! Ang dali mo kasing maniwala. Naturingan kang matalino pero ang tanga at ang bobo mo pagdating sa'kin! Nakakatawa ka Phoebe, ang pathetic mo!"
2 months had passed
Pero hanggang ngayon ramdam ko pa'rin yung sakit
Naramdaman ko na naman na nangingilid yung luha ko
"Hayy Phoebe Phoebe Phoebe, wag kang iiyak. Papangit ka. Smile lang."
Hi! I'm Phoebe nga pala. 2 months nang BH pero NEVER umiyak
PRETENDER much eh. Kahit sobrang sakit na, hindi ako umiiyak. Lagi lang akong tumatawa at nakangiti kahit na deep down inside parang namamatay na ako sa sakit
Dinampot ko yung phone ko na kanina pa nagvibrate
Nagtext si Yuri, bestfriend ko
'BFF awayin mo nga 'tong lalaki na 'to kanina pa ko binubwisit eh 09*********'
"Sino ba 'to bff?'
'Dati kong admirer, barkada ni kuya. Awayin mo ah! Thanks BFF!'
Since wala naman akong magawa, tinext ko yung number na binigay nya
'Hi!'
'Hello Ms. Phoebe :)'
'Huh? How did you know me?'
'Nakitext kasi sa'kin dati si ex-crush. I saved your number'
'I see. May I know who are you?'
'I'm Drew nga pala. May I ask bakit ka nagtext?'
'Yuri asked me to text you. Awayin daw kita kasi you're annoying her daw'
'Aawayin mo ba ako?'
'Uhmm no. Wala ako sa mood maging meanie today eh. Pero wag mo nang asarin si Yuri, ako kasi kukulitin nun eh'
'Hmm sige :) Pero can we be friends?'
'Yeah sure :)'
That whole weekend, magkatext kami ni Drew
Ang sarap nya kausap, makulit at kalog eh
At after 2months of pretending to be happy, I finally had a real laugh and a real smile while talking to him
Close na agad kami
To the point na nagconfide na sya sa'kin ng problem nya with her gf
'Nakakairita na kasi mhie yung halos araw-araw nakabuntot sya sa'kin. Nung sinabihan ko naman, nagalit. Hanggang ngayon di ako kinikibo'
'Ayaw mo bang nakakasama sya?'
'Gusto ko mhie pero yung pati sekretarya ko aawayin nya dahil nagseselos daw sya? That's too much'
'Baka naman kasi may ginagawa kang hindi dapat with your secretary dhie'
'Good boy ako mhie, alam mo yan. Pumasok lang naman sa office ko yung secretary ko para ibigay sa'kin yung report na kailangan ko. Nagselos na sya'
'Ay OA much naman pala ng gf mo dhie. Suyuin mo nalang dhie'
'Sige na nga. Pupuntahan ko bukas'
Nga pala, etchos lang namin yung tawagan namin ah
Baka seryosohin nyo eh hihih :)
Days passed
Naging super duper close kami ni Drew
Nakalimutan ko na yung ex ko, with Drew's help
Until one day, I received an anonymous call
BINABASA MO ANG
I Love You Ms. Pretender
Historia CortaMasakit? Oo, sobra pa nga eh. Pero ipapakita ko pa ba sa lahat na nasasaktan ako? No way! Kaya nga naimbento ang salitang PRETEND di'ba?