"gutoooooooom!" yan nalang ang nasabi ni Kate bago siya nahimatay. Di kasi siya kumain kaninang umaga tapos di rin siya kumain ng tanglahian.
"Lintik na babae to!" patagong sabi ni Gino para di siya marinig ni Shean na nagpapaypay kay Kate.
"buti nalang di siya napano. Sobrang gutom lang daw yun tapos kailangan niya lang daw ng pahinga"
nang magising si Kate, napansin niyang hindi pamilyar ang kwarto na kinahihigaan niya. tumayo siya sa may bintana at nakita niya si Shean at Gino na nag uusap sa labas. nasa Clinic kasi sila ni Dr. Millitante.