Okay class, before you go, check your seats and bags. Nga pala class, one month na lang ang ipapasok niyo at makakapagbakasyon na kayo, make sure that your projects will be submitted on time. Your portfolio, envelop and journal notebook must be submitted next week. Okay? That's it, when you're done, you may go.
"Yes mam!" Sigaw halos ng lahat.
"Bye mam see you tomorrow!" Geez eto na yata ang pinaka magandang balita na narinig ko sa talang buhay ko. Thank you lord, I love you.
"Woooohoooooo!"
"Yes! Yes!"
Parang baliw ako sa corridor pero wala kong paki, ganito ko pag masaya.
Isang buwan, just one freaking month. Excited na excited na ko, sa wakas matatapos na rin ang bagyo, ang super typhoon na si Andeng. Isang buwan na lang at makakahinga na ko. Matatapos na rin ang paghihirap ko. Wala nang manggugulo, wala nang mang-iistorbo, wala nang hahadlang sa mga gusto kong gawin, wala nang bully at ginagawa akong utus-utosan. Makakaen na ko sa oras, makakapag-basa na ko ng kahit anong oras at wala nang nakakairita.
"Yes!" sigaw ko pa.
"Hi pogi! Mukang ang saya-saya mo a." Masayang bati sakin nung chikabebe sa tapat ng locker.
"Oo syempre magbabakasyon na e"
"So, ah, ide-date mo na ba ko ha? Pogi?"
"Syempre naman miss beautiful" nakangiting sabi ko at effective dahil ngumiti pa siya sakin. Gwapong gwapo siguro tong babae na to sakin, well di maitatanggi, gwapo naman talaga ako di sa pagmamayabang pero ako yata ang heart-throb ng school na to kung di niyo lang naitatanong.
"So" sabi ko pa habang pasandal sa may locker gamit ang siko.
"So!" galit na galit na boses ng babae mula likuran.
"Ahhh! Aray! Aray!" sigaw ko dahil biglang may pumingot at hinila ako papalayo sa kausap ko.
"Call me baby! wait lang" hiyaw ko pa sa kausap kong babae.
Pilit naming pinagaabot ang mga kamay namin pero masyadong mabilis ang mga pangyayari.
"Ano ba?! Bitawan mo nga yung tenga ko!" Pagalit kong sabi dahil masakit na talaga ang pagkakahila niya. Pero di siya umiimik at patuloy parin siya sa paghila ng tenga ko, di ko alam kung san kami pupunta.
"Ano bang problema mo?! Ha?!" pero wala pa rin siyang imik. So ang ginawa ko tinulak ko yung likuran niya pero...
Di ko naman sinasadyang mahawakan yung pwetan niya. Pero atleast napatigil ko siya at binitiwan niya yung tenga ko.
"Sorry, sorry ikaw kasi e di ko sadya ahh maraming patawad" sabay takbo ko na sana. Kaso...
Headlocked
yan ang inabot ko"Mr. san ka pupunta ha?"
Teka lang pamilyar yung boses na yun a. Mali, mali di siya pumasok ngayon e.
"Ano call me baby? Ha?" eto pala ang mga kalokohan mo pag wala ako.
"Ah Andeng?! Ikaw ba yan?" hinipo hipo ko pa yung braso at hita niya. Hmm mamuscle-muscle? Pilit kong sinilip ang muka niya. "Si Andeng Nga! Ahhhh!" takot kong hiyaw na parang nagulat sa horror. Kumawag kawag pa ako kahit alam ko di ako makakawala. Ayun lalo niya pang hinigpitan pero in fairness ha malambot tong nasa likuran ko. A class meat wala na kong iba pang masasabi.
"Saglit lang, saglit lang magpapaliwanag ako ha, ano kasi siya naman yung nanguna e tinawag niya kong pogi e alam mo namang pag pogi ako yun diba? Di ko lang maiwasang makipag usap sa mga fans ko kaya ayun, sumakit kasi paa ko kaya napasandal ako sa locker yun lang naman yun deng! Aray! Aray!" lalo niya pang hinigpitan yung pagkakaipit sa ulo ko.
"wahhh deng deng di ako makahinga" ipit na ipit kong boses. Akala ko katapusan ko na. "Alam mo namang ikaw lang ang babae ko!" ayun sa wakas binitawan niya na rin ako, yun lang...
High spin kick
pak!"Ahhh! para san naman yun?!" nanggagalaite kong sabi sa kanya dahil sobrang sakit naman talaga nun akala ko mababali yung leeg ko.
"Sa paghawak mo sa pwet ko siraulo ka!"
"Kasalanan mo naman yun e, you leave me no choice!" sigaw ko habang nakahawak pa rin sa leeg kong parang bali na nga, medyo nahilo hilo din ako.
"Umakyat ka!" sabay binatukan niya pa ko
"Aray! Ano bang problema mo?! Ha?!" Medyo naiirita na talaga ko masyado siyang abuso sa pagkalalaki ko.
Kikibo pa sana ko kaso bigla niya kong pinandilatan kaya di ko na lang ginawa, takot ako e.