Hindi Inaasahang Pagkakataon

0 0 0
                                    

Malakas yata ang sapak ng babae na to sa ulo at lintik ang inabot ko. Lord please naman ilayo mo tong babae na to sakin. Ayokong mamatay ng maaga alam ko namang may plano ka pa para sakin. Di ko alam kung bakit niyo ko pinaparusahan ng ganito. Marami namang iba jan please sila na lang ang pag tripan niyo.

"Anu pang tinatayo-tayo mo jan mag lakad ka na!" Sigaw ni Andeng sakin

"Ahmm Deng bakit tayo nasa roof top? Anung gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya napakamot pa tuloy ako sa ulo ko.

"Hoy, Joel marami ka ng kasalanan sakin! Wag ka nang maraming tanong! Sige lakad dun!"

Napaka bossy naman neto

"Eto na po" makautos wagas kala mo siya nagpapabaon sakin

"Mag hubad ka ng pantalon" malumanay niyang pagkakasabi sakin

"Ha?" napahinto tuloy ako sa paglalakad

"Basta gawin mo na lang!"

Napalagok tuloy ako ng wala namang iniinom eto pala yung feeling non kaya nila nagagawa yun

"Andeng please lang wag mo pairalin yang ka-asuhan mo dito. Please virgin pa ko"

"Pinagsasabi mo Joel? E kung ihulog kita jan nang mamatay ka ng virgin ha?"

Medyo napaisip din ako dun a

Ayokong mamatay ng virgin no malaking kahihiyan yon. Napaka gwapo ko hindi ako para mamatay ng virgin no way.

"Sige gusto mo to?! Pagbibigyan kita!" agad kong hinubad yung pantalon ko pero napansin kong si Andeng di nakatingin at may kinakalikot siya sa bag niya.

"Ano ka ba wag ka mag-alala meron akong baon dito no? Wag ka na mag hanap diyan huh boyscout yata to laging handa!"

"Ahmm ganon ba sige akin na yung pantalon mo pati yung sapatos mo, ako na maghuhubad ng polo mo."

"O ayan na! Ayan na, lahat sayo na!" Medyo excited na ko di ko akalain to dito pa sa school. Geez ang swerte ko naman kala ko puro kamalasan na lang ang mangyayari sakin.

"Handa ka na ba?!" pakindat niya pang sabi sakin.

Woah grabe nakikita ko na yung cleavage niya

"Gawin mo na, gawin mo na, Bilis!" pagmamadali ko sa kanya

"Pumikit ka muna"

"Ha? Bakit pa kailangan pumikit? Ah di bali na nga, eto na nakapikit na!"

"Itaas mo nang kaunti yung kanang paa mo"

"Ganito ba?"

"Oo yung kaliwa naman"

"Oh tapos?"

zip zip

"Ano yon Andeng? Naghuhubad ka na ba pwede na ba imulat ang mata?" curious kong tanong

"Hindi!" Sigaw niya sakin, ah baka nahihiya pa siya sige hayaan na lang.

"Dahil mabait kang bata eto ang regalo ko sayo"

"Ayan na, ayan na" excited kong bulong sa sarili

"Isuot mo to pang itaas mo bago mag simula ang kasiyahan"

"Sige na akin na yan nang masimulan na to!" hiyaw kong sobrang excited.

Pero napansin kong medyo masikip at maliit itong sinuot ko ano ba to?

"Isa pa pala wag mo kalimutan yung takong mo!"

"Ano daw? Takong?"

"Pwede mo na imulat yang mata mo!" sigaw niya sakin na parang natatawa pa

"Bakit naka damit ka pa din?" nakita ko siyang nakaupo at nagtatawa sakin

"Ang sikip sikip naman netong pinasuot mo sakin anu ba to?" Name Plate: Andrea Monica Iyaya

"Aba pangalan mo to a?" unti-unti kong napulot yung isip ko

"Sandali nga lang blouse, palda at takong?" tawang tawa siya lalo
"Andeng! Siraulo ka papatayin kita!" Galit na galit ko siyang sinugod

"Sino? Sinong papatayin mo ha? Sinong siraulo? Joel?"

"Ako yun, di ka naman mabiro" maamo kong sagot sa kanya. Uupakan ko na sana siya kahit babae siya pero may hawak na patalim e ano namang laban ko sa kanya?

"Ah Deng tapos na naman siguro ang biruan no? Baka pwedeng ibalik mo na yung damit ko?" pagmamakaawa ko

"Ah Joel damit mo pala yun? Akala ko basura e, ayun o" itinuro niya yung daliri niya sa baba ng building?"

"Patay na. Andeng tang ina patayin mo na lang ako please." mahinahon kong pagmamakaawa sa kanya.

"C'mon Joel nandun lang naman sa baba yun sige na kunin mo na." Nakangisi pa niyang sabi

Napaupo na lang tuloy ako sa may edge ng building nag aantay ng himala

makalipas ang 30 minuto

Wala ng pag asa, lord patawarin mo ko sa gagawin ko ha? Suko na talaga ko e. Tatalon na sana ko sa building biglang nakita ko si...

"Ssi ssi si Yumi yun a! Yumi! Yumi! Andito ko sa taas!"
sigaw ko, sa wakas may pag asa pa

"Dito sa taas ng building!"

"O anung ginagawa mo jan? Pftt at nakadamit pambabae ka pa?" hays kawawang Joel crush ko pa naman siya pero lapitin talaga siya disgrasya at kamalasan.

"Pakikuha naman yung damit ko o?! Please?! Nanjan lang sa may damuhan sa likuran mo!"

"Eto ba?" hm ang bango bango talaga ni Joel

"Yan nga! Thank you! Pakidala naman dito please?!"

"Sige, pero may kapalit to ha!"

"Sige kahit ano!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Totally Unchangeable Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon