How can?

37 2 3
                                    

     Mag iisang bwan na mula ng hindi kona sya nakita o naramdaman man lang, alam ko naman na nag hihintay lang kaming dalawa para sa isa't isa.

      Nakahiga parin ako sa kama, nandito ngayon ako sa bahay namin sa pampanga,

 

    Hindi pa kami nag kakasundo ni mama o nag uusapn ng matino pero sinusubukan kong buksan muli ang isip at puso ko para sa aming dalawa,

  Para sa kapatid ko na kailangan ngayon ng isang buong pamilya, nalaman ko din na alam na pala nya ang totoo na iba ang ama nya pero nag kausap sila ni papa na kahit daw iba ng ama nito sya parin ang papa nya, ako nalang pala ang nag iisang matigas ng puso,

    Kaya pinilit ako ni tita lyka na umuwi at makipag ayus at pakinggan ang mga paliwanag ng mama kong matagal ng kinikimkim ang mga kasalanan nya.

   Minsan iniisip ko na mahal lang talaga nya kami ni cindy kaya nagawa nya yon.

     Kaya mas madalali para sakin na tanggapin ang lahat pag ganon.

    Natigilan ako ng maramdaman muli ang pag kalam at pag sakit ng sikmura ko, napa tayo ako sa kama at napilitang tumayo patakbo sa banyo, parang gusto muling mag labas ng kung ano sa tyan ko.

   Pag pasok sa banyo ay nag duduwal ako, ansakit ng sikmura ko na parang gustong sumabog sa sobrang saket!!!

"Juskooo naman sikmura sumasabay kapa sa katigasan ng ulo ko!!!"

       Singhal ko sa sikmura ko, maya maya ay naduduwal nanaman ako, uma umaga nalang ganito ang takbo ko sa loob ng isang bwan!!!

      Nakayuko ako sa bawl ng inuduro ng banyo ng maramdaman ko ang bahagyang pag dantay ng isang kamay sa likod ko,

"Lagi ka nalang ganyan, anak!"

      Sabi ni mama, nagulat ako sa sinabi nya... Ibigsabihin alam nya pala na ganito ako uma umaga.

  

"Hindi sa pinangungunahan kita pero...."

   Hindi na nya tinapos pa dahil alam kona ang susunod na sasabihin nya, na baka buntis ako na hindi naman malayong mangyari dahil kada mag niniig kami ni archie ay....

    Sa naisip ay bigla kong natabig ang kamay ni mama mula sa bahagyang pag hagod nya sa likod ko.

"Ayos lang po ako"

Malamig na sabi ko at tumayo na,

Gusto koman ilabas ang meron sa tyan ko wala naman akong mailabas,

Nauna nakong lumabas sakanya ng hindi man sya tinatapunan ng tingin, alam kong pambabastos man yon pero sa tuwing kinakausap at tinitignan ko naaalala at nananariwa ang sakit sakit, lalo na ngayon na sa isip ko may nabuhuhay nga sa sinapupunan ko

Humiga ulit ako sa kama at nag talukbong patalikod sa dereksyon ng banyo dahil lumabas na rin si mama don.

Maya maya ay naramdaman ko na umupo sya sa paanan ko sa kama,

"Anak, galit kaparin ba?"

Tanong ni mama,

Biglang naginit ang mga mata ko ng marinig ko ang boses nya,

Ang pag tawag nya sakin ng anak ang nag pakabog bigla sa puso ko,

Hindi ako nag salita.

"Anak sorry, anak hindi ko ginusto ito... Kung hahayaan molang akong mag paliwanag, anak maiintindihan moko"

Umiiyak na sabi nya,

Ayokong mag dramahan pa kaming dalawa, pero nasa tagpo ako ng buhay ko ngayon na hindi basta laro.

My Love "I Will" [Ex Battalion Lover] (Archie Dela Cruz "Flow-G")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon