Dare me!!

68 5 5
                                    

"ATE!!!!"

   Nagulat ako sa pag sigaw ni cindy kaya natigil ako sa pag lalakad, muntik pakong masubsob sa gulat.

"Ano ba?!!!! Nag iisip ako e..!!"

  Sabi ko at nag patuloy sa pag lalakad.

"Ate nahihilo nako sayo, naka upo lang ako pero ako napapagod sayo kakabalik balik mo!!!"

   Reklamo nya, napahinga ako ng malalim at rumigil sa pag babalik balik, umupo sa tabi nya sa sofa,

   Naka uwi na nga pala kami galing hospital mga tatlong araw na ang nakakaraan katapos ko ring mag pregnancy test.

"Wala akong maisip e.. baka kasi....."

Hindi kopa natatapos ang sinasabi ko ng takpalin nya ko.

"Ate! Mahal ka ni kuya kaya feeling ko tanggap nya!"

Mapakas na sabi nya,

"Pwedi wag kang sumigaw!"

Balik ko naman sakanya,

"Ikaw kaya napaka OA mo!"

Pero parang kusamg napagod kaming dalawa, huminga ng malalim at sabay binagsak ang sarili sa sofa.

Tumitig lang kami sa kisame, walang nag salita na parang parehas kami ng iniisip.

"Ate?"

Basag nya sa katahimikan sa siryosong tono,

"Mmmmm??"

Tanong ko,

"Pano kung puntahan mona kaya si kuya ngayon?"

Napaupo naman ako, sya naka higa paren.

"Wala naman problema sa pag punta e.... Ang problema pano ko sasabihin?"

Problemado na talaga ako,

Bigla naman din syang tumayo.
Pero bigla naman akong sinapok

"Aray!! Bakit moko sinapok !!"

"Kasi buntis kana lahat lahat parang isip bata ka paren!!!!!"

"Ano? Ako? Isip bata? Bakit???"

"Kasi nga sasabihin mo lang sakanya na najumjum kanya hindi mopa magawa!"

"Baliw kaba????? Hah? Sayo kasi madali lang kasi wala ka sa kalagayan ko!!"

Sisigawan pa sana nya ko ng.........

"ETO KUTCHILYO!!! MAG PATAYAN NA KAYO!"

Sigaw ni mama sa pinto ng kusina,

Sabay pa nga kaming tumingin at napa atras ni cindy ng bahagya ng makita si mamang may dalang dalawang kutchilyo.

"ISANG SIGAW NYO PA DYAN PAPALUIN KONA KAYO!"

At bigla ulit syang pumasok sa kusina

"Hahahahahahahaha"

Sabay kaming natawa ni cindy....
Ewan ba parang na miss ko yung ganito, yung nag aaway kami lagi at taga awat si mama

"Nakita mo yung itchura ni mama? Hahahahahahahaha"

Sabi ni cindy na ginagaya pa ung itchura ni mama.

Natawa naman kami pareho.

"Oo, tapos yung ETO KUTCHILYO MAG PATAYAN NA KAYO ahhahahahahahahahahahahahaha"

"Hahahahahha kala ko nga trulalu e... hhhahahahhhhhhhhhahahahahah"

sa mga sandaling ito nakalimutan ko ang problema ko, problema sa puso at sa buhay.


My Love "I Will" [Ex Battalion Lover] (Archie Dela Cruz "Flow-G")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon