Kabakas

0 0 0
                                    

Kamusta ka na?
Tila yata nakalimot na
Nagbago, pakialaman mo'y naglaho.
Abot ng paningin, ngunit tila malayo ang isipin.
Nariyan sa malapit, ngunit manhid pa rin.

Naaalala mo pa ba, noong tayo'y mga bata?
Dati tayo ay magkasangga
Sa kalokohan sabay tayong tumatawa
Sa kalungkutan pareho ding lumuluha

Mga problema noo'y simple,
Sa isipang marami pang dapat madiskubre
Kung ngayo'y babalikan
Tila mga pagsubok natin dati'y madaling solusyonan
Dala lamang ng emosyon
Kaya nais magrebolusyon.
Ano ba namang malay natin noon
Kung ang abot ng pag intindi ay ganoon

Dati...
Magkasangga, magkasama
Dati...
Suportado ang isa't isa
Dati...
Alam natin ang kakayanan at kaibahan
Dati...
Ganoon pa man hindi hadlang
Upang tumatag ang samahan.

Lumipas ang maraming taon.
Magkaibang landas ang nataon.
May mga taong naging parte ng buhay
Patuloy sa pamumuhay...

Ngayon...
Magkaiba na ang landas
Ngayon...
May mataas na talampas...
Di ko na matatas...
Nasaan na ang dating pinamalas...
Di na kita kabakas

Siguro nga maraming nagbago,
Tumanda na rin tayo.
Sana malaman mong nasasaktan ako.
Sa pagiging insensitibo mo.
At kawalang kibo.

Di ko nais ibalik lahat ng dati.
Ang nais ko lang maramdamang muli.
Ang dati mong pakialam kahit walang sukli.

Mahirap bang isipin
Na nais kong maramdaman
Muli ang dating samahan?

Sa bagong landas na aking nais tahakin
Ramdam kong di mo ito gusto para sa akin
Pagtulong kelangan pang pilitin
Walang paki kung anong sapitin
Pero siguro ganoon talaga
Sapakat tayo'y di na rin bata.
Hindi na dapat asahang nariyan pa.
Landas na pinili, lalakaring mag-isa.

Siguro nga dati tayo ang magkakampi
Ngayon isa ka na lamang estrangherong may salapi
Hindi na tulad ng dati...
Di na tayo magkapareho ng ngiti...

RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon