PROLOGUE

20 3 0
                                    

Her Point Of View

"Ano ba naman yan Alyssa! Ang pangit parin ng lasa! Itapon mo na!"

Busy na nga ang tao, ganya pa magtimpla ng kape ang secretary ko. Pang ilang tikim ko na yan, pangit parin ng lasa taena.

"Sorry po madam. Gagawa ako uli--"

Nagkalat ang mga bubog ng mug nang ihagis ko ito sa sahig. Nagulat naman ang secretary ko at pati ako nagulat rin sa inasta ko. Kakaiba na nga ako kumpara sa mga nakaraang taon.

"Sabi ko ng itapon mo eh!"

Nakatunganga parin sa akin ang secretary ko. Nanginginig ang mga kamay.

"Ano pang ginagawa mo? Just do what I've told you!"

Nagising ang diwa niya ng sigawan ko siya kaya dahan dahan siyang umupo para pulutin ang mga bobog sa floor.
Nagmumukha tuloy siyang maid.

Ginulo ko ang buhok ko at umupo para tulungan siyang pulutin ang mga bobog. Pinigilan pa nga niya ako pero tiningnan ko lang siya ng masama. Hindi din pala kakayanin ng konsensya ko, nababaliw na ata ako.

"Ouch!"

Napaaray ako sa sakit dahil natamaan ako ng bubog, sa hinlalaki ko bandang kanan ng kamay ko.

"Halla madam, teka lang po kukunin ko lang ang first aid kit"

Inayos at lininis niya muna ang floor bago tumakbo palabas ng office ko.

Patuloy parin ang pagdugo ng kamay ko. Napapikit ako dahil ayokong nakikitang may dugo ang kamay ko, bumabalik ang lahat.

"Madam eto na po, gamutin na natin"

Dapat sana galit ito sa akin eh. Pero bakit ganoon, nagawa parin niyang mag-alala sa akin at gamutin ang sugat ko.

"Just stop. You should be angry"

Tinigil ni Alyssa ang ginagawa niya at tumingin sa mga mata ko.

"Madam, kahit ano pong gawin ninyo sa akin, ok lang po lahat ng iyon. Alam ko namang hindi kayo masamang tao eh at alam kong mabuti kang tao. Siguro pagod lang kayo kaya kayo nagkakaganyan."

After niyang sabihin iyon, pinagpatuloy niya ulit ang paggamot sa kamay ko. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siyang gamutin ang kamay ko.

Matagal na kasi siyang nandito bilang secretary ko since simula pa lang ng work ko dito. Aaminin ko marami akong mga masasamang salitang ibinato sa kanya pero ni kahit minsan wala siyang reklamo.

"Tapos na po madam, aalis na po ako"

Tumango naman ako at nginitian siya bago siya tumalikod paalis ng office ko.

Pumunta ako sa upuan ko at pinagpatuloy ang ginagawa. And then suddenly, nagring ang cellphone ko.

Coming from an Unknown number?

Tumayo ako't pumunta sa may bintana sa likod ng table ko at tska sinagot ang tawag. Nakailang hello na ako pero wala paring sumasagot. Puputulin ko na sana nang may nagsalita.

"Axen"

Nabitawan ko ang cellphone ko pagkarinig ko palang ang boses na iyon and the way he said my first name. Iisa lang ang tumatawag sa akin ng ganyan. No way!

No! This can't be.

And then suddenly, may yumakap sa likod ko. Very familiar. His voice kanina, his smell, his dark aura everytime na magkasama kami.

No way!

Humarap ako sa kanya and as I have expected, siya nga!

Tiningnan ko ang mga mata niya at bumalik lahat ng mga nangyari, mga ala-ala namin,

6 years ago.

---------------
Hai everyone. Just remind you na ang mga characters ko dito ay mga magagaling magmura. Pinapaalam ko lang total simula pa lang naman ng story. By the way guys
this is my first time to write a story.
I'm only a lassie so please do not expect too much in my story.
Just enjoy reading. I am not pleasing you to read my story, if you are not interested, the back or exit button is free for you to click.Thank you. Love yah!💋
-daintyjam

MISERY PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon