Triz Axen's Point Of View
Bang! Bang! Bang!
Sunod sunod na putok ng baril na galing sa isang may edad ng lalake.
Itinutok ito sa akin pero bago pa man niya iputok iyon may naramdam akong pumaibabaw sa akin kasabay nun ang paglabo ng mga mata ko at pagsigaw ko ng pagkalakas lakas. At pagkatapos ng ilang segundo, nawalan na ako ng malay.
"Aaaahhhhhh--"
Napamulat ang aking mata sabay ng pagtayo ko.
Fuck, it was just a dream ugh nightmare.
It wasn't clear, hindi ko maintindihan.
"Ouch!"
Napaupo ako sa sahig dahil sa pagkirot ng mga tuhod ko at dahil narin sa pagkahilo ko dulot kanina ng pagh--
What the F?
Pinagmasdan ko ang paligid ko at doon ko lang napansin na wala na pa lang tao. And isa pa, medyo madilim dilim na.
Ibig sabihin, hindi ako naka attend kanina ng mga klase ko at hindi rin ako nakapag lunch? Fuck.
Tatayo na sana ulit ako nang mapaupo ako ulit.
Naluha ako sa sakit na natamo ko.
Dahan dahan kong itinayo ang aking sarili, at paika ikang naglakad pababa sa dorm ng mga lalake.
Habang pasakay ako sa bike ko, naalala ko kanina ang tawa ng isang babae. First time ko siyang marinig pero parang ewan ko.
After 20 minutes, nakarating narin ako ng bahay.
It took some minutes before ako makarating dahil sa tuhod ko.
Kung sino ka man o kung sino kayo mang gumawa sa akin ng ganito. Mapalad kayo kasi hindi ko kayo nakita.
Kinapa ko ang ulo ko, doon sa likod. May maliit na bukol doon.
I sighed.
Mga walang kwenta.
Pasalamat talaga siya, sila at hindi ito malala. Kapag dugo nakapa ko, dugo din ang wakas mo, kung sino ka man.
Pumasok na ako ng bahay at inilock ang main door namin.
Pinagmasdan ko ang bahay.
Napangiti ako ng mapait nang maalala ko kung bakit naging ganito. Naging abo yung mga gamit namin dati.
Nakaramdam ako ng basa sa pisngi ko.
Hindi ko namalayang naluluha na pala ako.
Ang bilis ng oras, ng panahon.
6 years old ako nung last na umiyak ako dito. Pinagmamasdan ang bahay.
Mga masayang ala-ala namin dito kasama ang mga magulang ko, mga araw na nagkukulitan kami.
Napawi iyon nang dahil sa hindi ko maintindihang dahilan.
Basta ang alam ko, paggising ko 13 years ago, wala na ang mga magulang ko. Wala na sila sa tabi ko. Wala akong ideya kung sino ang mga gumawa at bakit nandoon ako mag-isa sa hospital nakalatag.
Wala na akong maalala sa nangyari. Wala ni kahit isang katiting maliban na lamang sa tawa ng isang babae.
Natauhan ang diwa ko nang maalala ang tawa kanina.
Hindi kaya siya?
Impossible.
Ilang taon na ang nakararaan. Baka naghahallucinate lang ako kanina. At isa pa, maraming klaseng tawa ata yung ganun di ba?
BINABASA MO ANG
MISERY PAST
General FictionBANG BANG BANG! Screams, Shouts, Loud voices of people, Siren sound of the ambulance, . . . . . Only thing you'll hear near the pedestrian lane. . . . Pedestrian lane where their story started.