Ride 2

10.9K 228 6
                                    

Announcement:
"Nais n'yo bang magtanong at makachikahan ang author na si Mar Mojica?
Sa loob ng isang oras, ang Wattpad Ambassador Philippines ay magbibigay ng pagkakataon upang makapagtanong kayo sa author ng aklat na ito. Abangan ngayong Mayo, 2020."
From WP Ambassador PH

Sundan ang FB Page:
https://m.facebook.com/WattpadAmbsPH/?tsid=0.7778590945892897&source=result

WARNING: R18 | SPGThis story contains sex and violence

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




WARNING: R18 | SPG
This story contains sex and violence. Please proceed with caution.
No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author or you will be punished by the law.
~~~~~

Steamy/ Mystery / Thriller

©️One Night Ride
PART 1
👠
~~~~~

MAGSASARA na ang natatanaw kong elevator. Kaya't nagmadali akong napatakbo upang makapasok. I don't care kung mukha na akong basahan dahil sa hitsura ko. Napakalakas ng ulan na sinugod ko pagbaba ng taxi papasok sa building na ito. It has been a very tough day for me. Kung puwede ko lang baguhin ang araw ko, ginawa ko na sana pagdilat pa lamang ng aking mga mata kaninang umaga.

Basang-basa ako dahil sa ulan. Alam kong masama ang panahon ngayon pero kailangan kong pumarito. Pumunta ako rito para hanapin si Mr. Tyago at kunin ang huling tseke ko. Yesterday was my last day of work. I was terminated pagkatapos kong sagutin ang walang hiyang boss ko na wala nang ginawa kundi murahin ako.

I recall all of my responsibilities. I'm staying with a friend and we shared paying the flat rental, utility bills at nagpapadala pa ako ng pera sa probinsiya para sa mga kapatid kong nagsisipag-aral. Pero hindi ko na kaya ang ginagawa sa akin ni Atty. Magno. I was a Personal Assistant and I did my job adequately. Nagtiis ako ng tatlong taon na nagsilbi sa matandang dalagang iyon na kung makaalipusta sa kapwa niya ay abot hanggang langit. And yesterday, I made a decision. I quit.

Nakita ko ang matangkad at nakayukong lalaki sa loob ng elevator na may pinindot upang makapasok ako. Nakatagilid siya kaya kalahati lang ng mukha niya ang aking nakita. I noticed he's wearing a silver, circular earring, mayroon din sa ilong pati na sa labi. And his hair was coloured cyan, purple and bright blue.

Kumunot ang noo ko. I always hated men wearing accessories na parang sa mga babae. At tingin ko sa mga lalaking may kakaibang kulay ng buhok ay mga addict. 'Yon bang mga walang magawa sa sarili at nagpapapansin.

Kakamadaling makapasok ay natisod pa ako sa hangganan ng elevator. Muntik pang mahulog ang cellphone na hawak ko.

"Easy miss," ani ng lalaking may mababang boses at agad akong nasalo. Naamoy ko ang cologne na panlalaki. His arm was firm when I touched it. At dahil gulo-gulo ang buhok ko ay hindi ko siya nagawang tingnan.

"T-Thanks," wika ko. Kahit na naiinis ako sa kanya dahil sa mga hikaw at kulay ng buhok niya, kahit na wala naman siyang ginagawa at tinulungan pa nga niya ako. Ewan ko ba, nabubuwisit talaga ako sa mga lalaking kagaya niya kahit pa mabango siya.

Nagsara ang pintuan ng elevator. Naramdaman ko ang pag-angat namin.

"What floor, miss?" tanong ng katabi ko.

"Eighteenth," sagot ko. Hindi ko siya tiningnan dahil pinagpag ko ang bag kong basang-basa rin pala.

Kukunin ko sana ang panyo sa bag na dala ko upang ipunas sa sarili nang biglang huminto ang elevator. Nakarinig din ako ng malakas na ugong at saka biglang tumigil. Kasabay ng pagkawala ng liwanag.

"Shit!" lumabas sa bibig ko.

"Damn! Seems the power got lost," sabi ng lalaki.

Now, this is the real pitch black. I couldn't see anything. At nakakabingi ang katahimikan. Ipinikit ko ang aking mga mata trying to get used of the darkness. But then when I opened my eyes, it's still black.

Huminga ako ng malalim. Siguro naman magkakakuryente rin ulit. Siguro naman, may power generator ang building na ito. And any moment from now, this freaking elevator will move and open for me to get out from here.

May mga kaluskos akong narinig.

"Tss!" I heard. "I tried to press all the buttons but nothing seems to be working," narinig kong sabi ng lalaki.

Bahagya akong umatras. Paano nga pala kung addict nga itong kasabay ko? Paano kung naka-high siya ngayon at gawan ako ng masama? Oh shit! Shit! Why all of these bad luck! Hindi na ba ako tatantanan ng kamalasan?

The cold wall behind encompassed me. Nagmadali akong kinapa ang cellphone ko mula sa loob ng aking bag. Pinindot ko iyon at naglikha ng munting liwanag. Ngunit bago ko pa mahagilap ang number ni Suzy, my flatmate, ay agad namang namatay ang phone. The shit! Low bat ako? In a time like this?

Napapikit ako. Ano ba ang nagawa ko sa past life ko? Bakit ako minamalas ng ganito? Hindi ko na nga alam kung paano ang gagawin ko dahil sa pagkatanggal ko sa trabaho. I couldn't even tell my family or my friend Suzy what had happened kasi mag-aalala lang sila at nahihiya ako. It was my fault I got fired. Mali nga yata na sinagot ko si Atty. Magno. Baka may lahing mangkukulam iyon at nagkakabisa na ang orasyon niya laban sa akin. Kaya mula pagbangon ko kaninang umaga, naligo sa ulan, tinamaan ng black out sa loob ng madilim na elevator katabi ng isang addict at ngayon wala pang baterya ang cellphone ko!

"I left my phone upstairs. Sorry miss." Tinig na naman ng lalaki.

Bakit? Tinatanong ko ba siya? Sana hindi na lang siya nagsalita. Wala rin naman siyang pakinabang 'di ba?

Ahhh! Ano ba, Mia? Wala naman ginagawa sa 'yo 'yong tao. You're not only stereotyping, you're also getting paranoid and foolish.

"Y-Yeah, sorry too." The hell? Bakit ako nagso-sorry?

"Guess we're stuck together, miss." May halong panunudyo ang boses niya.

"Hindi mo ba kayang buksan ang pinto?" hindi ko napigilang itanong. I know I also sounded sarcastic.

Natawa siya ng bahagya. "Even if I try, there's no sense. Walang liwanag at hindi natin alam kung nasaang palapag na tayo. We might be at the middle or in no proper place at all. Sayang lang ang pagod ko."

Napanguso ako. Hindi man lang ba niya susubukan? Ano pa at naging lalaki siya kung wala rin lang siyang gagawin? He has no balls, Mia!

"Alam ko ang iniisip mo, miss. That I have no guts to just even try. This building has been standing probably more than a decade. We don't know what will happen if I force to find and open the door. Baka mas lalo lamang tayong mapahamak." Umikot ang mga mata ko sa hangin. Excuses. "We just have to wait."

Wait? Hanggang ilang oras? Basang-basa pa ako! Kasama ang isang may pagkahambog na addict.

"Yeah. Wait." Iyon na lang ang nasabi ko.

Silence.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Nakasandal pa rin ako sa pader. Yakap ko na ang sarili ko. Kumakapit ang basa kong damit sa aking katawan. But then, umiinit ang pakiramdam ko. The fact na namatay ang exhaust fan, siguradong walang hangin na pumapasok ngayon dito. There's an urge for me to remove my clothes. Hindi rin naman ako makikita ng katabi ko. Pero paano kung bumukas bigla ang pintuan ng elevator na ito?

"Mukhang matatagalan pa tayo rito. Kaya hubarin mo muna ang damit mo, miss."

What did he just say?

~~~~~
| Vote and Comment |

Read and follow this novel at dreame.com for FREE
Just search One Night Ride or Mar Mojica

One Night RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon