Ride 4

8.6K 178 4
                                    

👠
~~~~~

Ambrosio. Saang baul galing ang pangalang iyon?
"Okay, Ambrosio," I said and laughed out loud inside.
"Nakakatawa ang pangalan ko, 'no? Flor?"
Natameme akong bigla. Alam kaya niyang kinokontrol ko ang pagtawa?
"H-Hindi naman. Ang pangalang Ambrosio ay historical. Gaya nina Ambrosio De Guzman at Ambrosio Rianzares Bautista. I remember my teacher in high school taught us about them." Wow, Mia! Mabuti na lang may alam ka pa sa History.
"Yes, tama ka. Hindi nga nakakatawa ang pangalan ko."
Napangiti ako ng tahimik. Kung alam lang niya.
"So Flor, let me answer your question. In return, you will also answer mine. Deal?"
Napairap ako sa hangin. Sige na, Mia. Sakyan mo na lang ang trip niya. At least hindi ka niya hina-harass. Just go with the flow.
"Deal, Ambrosio."
"Ahem," buwelo niya. "I went here for a meeting. I'm an Accountant and I worked abroad..." Tumaas ang kilay ko sa narinig. He's a professional. "Ayoko nang bumalik sa Bahrain and plan to stay here for good. Nakakasawa rin na wala ka sa sarili mong bansa. Nakaka-miss ng pamilya, ng mga kaibigan, ng mga pagkain. Kahit na okay naman sa Bahrain, hindi ko pa rin ipagpapalit ang Pilipinas."
Napangiti ako sa sinabi niya. I did want to work abroad. Nakakainis na rin kasi ang pagiging clerk lang ng isang matandang dalaga na abogado. Kaso nga lang, ayokong mawalay sa pamilya ko. 'Yon nga lang na nasa probinsiya sila ay miss na miss ko na sila. Ang masayahing ngiti ni Itay sa kabila ng pagod niya at ang kakulitan ng mga kapatid ko. How much more kung sa ibang bansa pa?
"Ikaw, Flor? What's your business here?" Siya naman ang nagtanong.
Napabuntonghininga ako. "I'm here to meet Mr. Tyago and I want to get my last pay. Nakakahiya man aminin pero natanggal ako sa trabaho kahapon."
"Now I believe that birds of the same feather flock together," pahayag niya.
"Bakit mo naman nasabi iyan?"
"Parehas tayong jobless. Parehas tayong stranded. We flock together, Flor." Tumango ako kahit hindi niya naman makikita. "Would you mine if I ask you why you got fired? Or you don't want to talk about it?" Napangisi ako sa tanong niya. He's curious yet he still asked.
"Sinigawan ko kasi ang boss ko," simula ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Araw-araw kasi niya akong sinisigawan." Natahimik siya. "For three years, I've been a good, loyal employee. I never took a leave or absence. Hindi ko na natiis kahapon kaya hayun, natapos ang tatlong taon ko ng ganoon na lang. Si Mr. Tyago raw ang kailangan kong hanapin." Although I've never really meet the old man. Naririnig ko lang siya kay Atty. Magno.
"I see," he retorted.
"Sabi mo, nagmamadali ka kanina. If you don't mind me asking why?"
"I was embarrassed when alm... Mr. Tyago told me I look like a freak." Nakagat ko ang labi ko. I told him that, too. Sa isip nga lang. "Maybe because of my piercings. Or because of the colour of my hair. Habang wala kasi akong trabaho, nagpa-part time ako sa isang piercing studio and I needed to show our customers how fine and safe it is to do this."
Puwede naman sa tainga lang. Bakit pati sa ilong at labi? "You can do different part time work. Why this kind?" Sa halip ay naitanong ko.
"Because it was my job before I passed the board exam."
Natahimik ako at napaisip. Kumikita ba talaga ang pagpapabutas ng balat? Ano ba ang sense na maglagay ka ng hikaw bukod sa tainga?
"My turn, Flor. Why come here on a rainy day with a discharged cell phone?"
Naramdaman ko ang pagpatak ng pawis sa aking leeg. Siguro naman, kung tatanggalin ko kahit mga butones lang ng suot kong blouse ay puwede kahit pa biglang magkakuryente. I can easily cover myself with my bag. That's right. Kaysa naman magtiis ako sa sobrang init na nararamdaman ko.
"I actually don't know. Fully-charged naman iyon kani-kanina lang," sagot ko habang unti-unting tinatanggal ang mga butones ng damit.
"That's not fair. Too short for an answer. Can I ask another question?"
"No. My turn, Ambrosio." I said and extended both of my feet on the floor. Nangangawit na rin kasi ako sa puwesto ko. "Bakit ayaw mo sanang magpakita ulit kay Mr. Tyago?" Although I already have the reason in my mind.
"Because I don't want to see his eyes judging me."
"Oh."
"Oh?"
"Oh. Judging your physical you, huh." I smiled and imagined him.
"Ikaw? Bakit ka sumugod sa gusaling ito kahit alam mong masama ang panahon?"
"Simple. I want my money."
Natahimik siya. Practical lang akong tao. Hindi ko kailangang magpatumpik-tumpik sa pagkuha ng perang pinaghirapan ko. Besides, magagamit ko iyon sa paghahanap ng panibagong trabaho.
I felt something on my side. He's moving towards me. The fact that I'm feeling warmer means he's just a few inches away.
"Here's your water," he whispered. I swallowed hard when I heard his voice. He's really near me now. Hindi ako gumalaw. "Flor?"
"Y-Yes?"
"I'm giving back your water."
Inangat ko ang kamay ko. Walang kahirap-hirap na nakapa ko agad siya. Nahawakan ko ang bote pati na ang mainit niyang kamay. I don't know why but what's this foreign feeling when I took the thing from him?
"Twenty-three?"
"Huh?"
"Your age is twenty-three, if my calculation is correct."
Yes. He's correct. How could he do that?
"Do I have to answer that?" balik-tanong ko sa kanya.
"No. Girls always hide their age." And it's rude to ask a girl about that. "I'm twenty-five, by the way. Single and in no relationship at all." Sino naman kasing matinong babae ang papatol ng seryoso sa kanya? He has to be presentable at least before wooing a lady. Without his pierces and all. "Can I say something?"
"Ano iyon?" tanong ko habang nilalaro ang leeg ng boteng hawak ko.
"I already removed my shirt. I'm now half naked, Flor."

| Vote and Comment |

Read and follow this novel at dreame.com for FREE
Just search One Night Ride or Mar Mojica

One Night RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon