Dis-oras na ng gabi.
Tanging ang sumisipol na tunog lamang ng umiihip na hangin ang maririnig.
Hangin na nakakapanindig-balahibo at nagbibigay kilabot hanggang sa kaibuturan ng puso.
Hangin na nagbabadya...
Nagbabadya na may mangyayaring masama.
"La la la la la..."
Marahang humihimig ang isang babae na nakaupo sa bubong ng isang clock tower. Matatanaw mula sa posisyon n'ya ang tila mga alitaptap na ilaw sa siyudad. Kung titingin ka sa kanyang ilalim ay mahihilo ka sa taas ng kanyang kinalalagyan, pero hindi n'ya iyon pinapansin.
Sumasabay sa hangin ang mahaba at itim n'yang buhok, at hindi naman s'ya nilalamig kahit ang suot n'ya lang ay isang simpleng bestida. Kapansin-pansin din ang hawak n'yang isang school yearbook.
Matama n'yang minamasdan ang bawat pahina nito habang isinisipa ang dalawang paa na nakalaylay lamang sa dulo ng kanyang kinauupuan.
Napatigil s'ya nang matapat ang paningin sa mga litrato ng mga estudyante noong School Year 1978-1979.
"School Year '78-'79. The time when it all started." Ang malamig n'yang boses ay nadala na lamang ng umiihip na hangin.
"They were given a chance but they wasted it." Mababakas ang inis sa tono ng pananalita n'ya.
Binuklat n'ya na muli ang album at nagpatuloy sa paghahanap.
"After that, nothing special happens..."
Muli s'yang napatigil. Kaharap naman n'ya ngayon ang pahina ng School Year 1998-1999.
"After 20 years, humanity was given a chance once again. At first... I thought it was gonna be okay."
"Humans! Do you want to change your destiny? You can even change your whole life if you wish to!"
"We'll take the challenge!"
"Then... let the games begin!"
"But no one can withstand the challenge and they were devoured by their own greed."
"Aaahhh!!"
"Tulong! Tulungan mo kami! H-hindi na namin kaya!"
"The bravery and determination they once showed was drained from them and was replaced by despair and suffering."
"Didn't you want this?"
"N-No... No!"
"Tama na!"
"Make it stop!"
"Stupid."
Sa sobrang inis ay binilisan n'ya ang pagbuklat sa album hanggang makarating s'ya sa pahina ng School Year 2018-2019 na wala pang nakasulat.
"Twenty years has passed again and the game hasn't come to an end yet." Biglang gumuhit ang malapad at nakakakilabot na ngiti sa mukha n'ya.
"Once again, blood will spill..."
"Secrets will be exposed.."
"And friendships will be broken..."
"Tang! Tang! Tang!"
Ang mahahaba at malalalim na tunog ng clock tower ang umalingawngaw sa paligid, nagpapahiwatig na alas-dose na ng hatinggabi.
"I never thought that this year is going to be too fun..."
"And I never had any idea that I would be part of this game that I made myself."
"Tang!"
~
~~
A/N: Hi guys! Binago ko na po itong prologue sana magustuhan nyo. And please tell me what you think about the story.
At mention ko lang po si heiji_niichan na napakagaling at talented na manunulat. Tinulungan nya po akong ayusin ang prologue na ito. At sya na nga ang editor ng story ko. So you should check out some of his amazing books especially his book "Lost".
BINABASA MO ANG
School Year: 2018
Mystery / ThrillerTwo high school girls goes to a new school. What could go wrong?!