Chapter 3

29 8 2
                                    

Johanne's POV

"REA!!"

"REA!!"

Sinalo ko siya at ipinatong sa may lap ko. Pinipilit ko syang ginigising pero hindi talaga nya iminumulat ang mga mata nya.

"REA!"
Ano kayang nangyari, ayos naman sya kanina........

May kinalaman kaya yon.......

(FLASHBACK)

"Ang babait naman pala ng mga estudyante rito......"

"Diba Johanne"

"Hmm" Tumingin ako sa kanya at tumango.
Siguro kailangan ko pang mas maging madaldal baka maboring siya sakin. Ano naman kaya ang sasabihin ko?

Napahawak ako sa may baba ko sa pag-iisip.......Maybe I'll try something cute
Uhhhhhmm..... Oo nga ang saya rito no?! Yey!

O kaya Something cool

Damn right! It's nice as hell!!( Sabay thumbs up)
Ugghh too extreme
Napahawak nalang ako sa noo ko kakaisip

Napatingin ako sa may rooftop at napansin kong may nanonood sa aming isang babae. At nakabaling lang ang atensyon nya sa aming dalawa. Parang kilala ko sya.......ahh oo nga pala palagi syang ipinapakita sa T.V at nagpopromote sa school na to...sya si-----

"Sali na po kayo sa club namin!"
Bigla nlang ako nahila palabas ng imahinasyon ko nang marinig ko ang pang aanyaya ng babae kay Rea.Nasa loob na pala kami ng campus.

"Sali na po kayo sa club namin" Napalingon ako ng may marinig akong babae na nagsalita sa may likuran ko. Nakahood sya at nakayuko kaya hindi ko makita ang mukha nya.

"Huh.. salamat" Yun nalang ang nasabi ko.

Bigla nya nalang hinawakan ang kamay ko at isinilid sa loob ang poster na hawak nya.

Sa sobrang pwersa nya ay nagkakusot kusot ang papel sa kamay ko. Itinikum nya ang kamay ko pero hindi pa rin sya bumibitaw.

Unti unti nyang iniangat ang ulo nya at tumingin sakin..... hindi ko maipaliwanag pero nabigla ako sa nakita ko. Magkaiba ang kulay ng mga mata nya.

Sa kaliwa ay gray at sa kanan ay blue. Sa may bandang kanan ng mata nya ay may peklat na pa vertical ang direksyon nakuha nya siguro yun sa isang aksidente.

Napako ang tingin ko sa kanya. Direkta syang nakatingin sa mga mata ko at ang ekspresyon ng mukha nya ay parang nangangamba at natatakot parang may gusto sya sakin sabihin.

" May gusto ka bang sabihi----" Bigla nalng nyang binitawan ang kamay ko at lumayo na.

Napunta na lang ang paningin ko sa kusot sa papel na binigay nya. Unti unti ko itong inunat at binuksan.

"HUWAG NA KAYONG TUMULOY!"

Nabigla ako sa nakasulat rito. Huwag ng tumuloy? Bakit? Biglang napalitan ang ekspresyon ng mukha ko at tumalim ang mga mata ko.

Dali dali akong lumingon at hinanap ang babae. Nasulyapan ko pa ang likuran nya pero mabilis syang nawala dahil sa karamihan ng tao.

Bumalik ang paningin ko sa poster na ibinigay nya. Hindi nga pala ito poster isa lang itong simpleng bond paper at may kulay pulang tinta at naglalakihang letra ang nakasulat rito.

Prank lang nga ba 'to?

"Anne ano yan?" Biglang nawala ako sa konsentrasyon ko. Napansin ko na lang na papalapit na pala si Rea. Dali dali kong itinago ang papel sa may likuran ko. At sumipol nalang para hindi sya makahalata.

School Year: 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon