CHAPITRE • UN

168 8 0
                                    

Mi Yeong's POV

"Luna bilisan mo nga dyan! Iiwanan ka na namin." sigaw ni Yoora sa tabi ko.

"Wait lang! Nagpapaalam pa ako kay Luhan baby ko." sigaw nya pabalik.

"Tama na nga yang kakakausap mo sa poster na yan. late na tayo!" sigaw ulit ni Yoora na mukang naiinis na.

"Eto na nga palabas na"

Nang makalabas na nang tuluyan si Luna ay patakbo kaming pumunta sa school. Late nanaman kami. Patay!

Before anything else. Bago ko nga pala makalimutan ang lahat. My name is Jong Mi Yeong. I grew up with my two bestfriends, Park Luna and Geom Yoora. Bata pa lang kami ay magkakasama na kaming tatlo. And since magbebestfriend naman kami ay napag-isipan naming tumira na lang sa iisang bahay. 

"Luna ppapalli! Baka mahuli pa tayo ni Maam Four Eyes." narinig kong bulong ni Yoora na ang tinutukoy ay yung principal nang school na pinapasukan namin ngayon.

"Hindi kaya ako mabagal. Baka ikaw." sabi pabalik ni Luna kay Yoora.

 "Shh! Quiet na lang." saway ko sa kanilang dalawa.

"Wala ba sa hallway si Four Eyes?" tanong sa akin ni Yoora dahil ako ang pinasilip nila kung nasa hallway ba at nagbabantay si Mrs. Icasiano, ang aming principal.

"The coast is clear. Wala sya ngayon sa hallway." sagot ko sa tanong ni Yoora.

"Ayos! Tara bilis. Baka dumating pa si Four Eyes." sabi sa'min ni Luna saka tumakbo papunta sa hallway pero sa kasamaang palad ay nabangga nya si Maam Icasiano na kalalabas lang nang office niya.

"Hehe. Hello po maam" bati ni Luna kay Ma'am Icasiano kahit nakasalampak pa sya sa hallway.

"Girls you're late again. In my office, Now!" sigaw nito sa aming tatlo na halatang naiinis sa nangyari.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Pano na yan expelled na naman tayo?" tanong sa'min ni Luna habang naglalakad kami pauwi.

Ilang beses na nga ba kami naexpelled. Isa, Dalawa o tatlo. Sa sobrang daming beses na naming naexpelled ay hindi ko na matandaan kung ilang beses na ba kaming tatlo naexpelled sa mga school na pinapasukan namin.

"Kasalanan mo yun ei. Lagi mo kasing kinakausap yung poster ni~ sino nga ulit yun?" paninisi at tanong ni Yoora kay Luna.

"Si Luhan yun at saka anung ako. Hindi lang naman tayo naexpelled dahil sa lagi tayong late ah." pagtatanggol ni Luna sa sarili niya.

"Pwede ba tama na ang sisihan." saway ko sa kanila. "Naexpelled tayo dahil lagi tayong late at dahil may dala daw tayong malas. Kung ayaw nila sa atin pwes mas ayaw natin sa kanila." dugtong ko sa sinabi ko.

Inexpelled lang naman kami ni Maam Icasiano dahil lagi kaming late and everytime daw na may nangyayaring kababalaghan sa school ay lagi kaming present. Ayaw niya nun complete attendance kami hindi pa late.

"Anung malas? Baka sila ang malas. Tch! Hindi naman natin kasalanan na nandun tayo nang biglang lumutang yung mga books sa library, nang sabay sabay nagbukas yunug lahat nang computers sa computer lab kahit hindi naman nakasaksak yung mga ito, nang biglang nagkabulutong lahat nang mga kaklase natin at nang nasunog yung buong canteen." sabi ni Yoora habang nagmamaktol pa din.

"Yoora nakalimutan mo na nandun din tayo nang biglang umulan nang palaka sa loob nang auditorium, nang biglang ayaw mabuksan nang pinto ng gymnasium kahit wala naman itong lock at doorknob, nang biglang namatay lahat nang halaman sa garden ni Mrs. Icasiano at nang biglang binagyo ang west building kahit hindi naman naulan sa ibang parte nang school." dagdag ni Luna sa mga sinabi ni yoora kanina.

"Dinagdagan mo lang yung sama nang loob ko ei. Mi Yeong oh." sumbong sa'kin ni Yoora. Mga isip bata talaga kahit kailan.

 "Maiba tayo. Bakit ang tahimik mo ata ngayon Mi Yeong?" tanong sakin ni Luna. Great! Now the hot seat is mine. Tch!

"Meron yan ngayon kaya tahimik. Alam mo na, yung pulang dagat." sagot ni Yoora sa tanong ni Luna. Yung totoo, sya na ba ang bagong Mi Yeong ngayon. Ako yun ah.

Tinignan ko lang nang masama si Yoora para tumahimik pero wa epek ata yung glare ko kasi kaysa matakot ei nginitian pa ako nang nakakaloko nang bruha. Haist!

"Aargh! Bahala na nga kayo diyan" sabi ko sa kanila saka nauna nang pumasok sa loob nang bahay dahil nasa tapat nanaman kami nang bahay namin. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang nang bahay ay napansin ko na kaagad yung envelop na nakapatong sa dining table namin.

"Ano ito?" sabi ko sabay kuha dun sa envelope na nakapatong sa table.

"Ui ano yan?" tanong sakin ni Yoora pagkapasok na pagkapasok nilang dalawa ni Luna.

"Bubuksan ko pa nga lang diba? Nakita ko lang ito dito sa table nakapatong." sagot ko sa tanong nya.

"Buksan mo na bilis. Im a so exoited"sabi sa akin ni Luna.

"Eto na nga eh. Hindi makapaghintay? Bubuksan na nga diba?Excited lang. Yung totoo?" sabi ko kay luna.

"Sabi ko nga." sabi nnya nang nakapout. Kung ipahalik ko kaya ito sa aso. Tch!

Pagkatapos noon ay binuksan ko na yung envelope. Pagkabukas na pagkabukas ko nung envelope ay may ilaw na lumabas galing sa loob nito na nakasilaw sa aming tatlo.

"Pesti! Ano yun? My beautiful eyes." sabi ni Yoora habang kinukusot pa yung mga mata niya.

"Hindi ako yung may kagagawan nun." defensive na sabi ni Luna.

"Kung hindi ikaw eh bakit defensive ka?" tanong dito ni Yoora.

Aawatin ko na dapat silang dalawa nang may mapansin akong kakaiba. Wala na kami sa loob nang bahay namin!

"Yoora! Luna! nasan tayo?" nakakunot noo kong tanong sa kanilang dalawa.

Magicus Academy (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon