Mi Yeong's POV
"Yoora! Luna! Nasaan tayo?" kunot noo kong tanong sa kanila.
Sa tanong ko sa kanila ay bigla silang napahinto sa pag-aaway nila at tumingin sakin.
"Panong nasan tayo?" naguguluhang tanong sa akin ni Luna.
Hindi na ako sumagotsa tanong ni luna. Itinuro ko na lang sa kanya yung isang napakalaki at napakagandang gate sa harapan namin. Kulay gold ito at napapalibutan nang kung madaming mamahaling bato.
"What the fudge! Paano tayo napunta dito?" hindi makapaniwalang tanong ni Yoora sa amin. Parang katatanong ko lang din nun ah. In-english lang nya.
Sasagot na sana ako sa tanong ni Yoora nang maalala ko yung envelope. Tama! Yung envelope ang may kagagawan.
"Yung envelope!" sabay sabay naming sabi.
Dali dali kong tinignan kung may laman ba yung envelope at may nakita akong isang letter sa loob nito.
"Welcome to Magicus Academy Ms. Jong, Ms. Park and Ms. Geom." basa ko sa sulat. Pagkabasa na pagkabasa ko sa nakasulat ay biglang bumukas yung gate at may tatlong i.d na biglang lumitaw sa harapan namin nang nakalutang. (o__O)
"What the fudge? San nanggaling yang mga yan? Bakit biglang bumukas yung gate at saka anong magicus academy? Kelan pa tayo nagenroll doon?"sunod sunod na tanong ni Yoora.
"Magicus is a latin word from the greek adjective 'magikos' used in reference to the magical arts of the Persian Magicians." biglang sagot ni Luna sa tanong ni Yoora.
"Here comes the genius Luna." sarcastic kong sabi. "Seriously? Magic in 2nd century. Are you kidding me?" dugtong ko pa.
"Oo nga Luna. Imposible namang totoo yung magic magic na iyan." sang-ayon ni Yoora sa sinabi ko.
"Then how could you explain this?" tanong nya sa aming dalawa ni Yoora na ang tinutukoy ay yung mga nakalutang na i.d sa harap namin.
Naspeechless kaming dalawa ni Yoora sa tanong ni Luna dahil alam naman nating lahat na wala talaga kaming maipapaliwanag sa mga nangyayare ngayon.
"Oh ano wala kayong masabing dalawa noh. I'm going to find out if my hypothesis is really true." sabi niya sabay kuha nang i.d niya at pasok sa loob nang academy.
" Aish! Jinjjayo!"sabi ko saka ginaya yung ginawa ni Luna at patakbong sumunod dito. (Aish! For real!)
Pagkapasok na pagkapasok ko ay sinalubong kaagad ako nang isang malaki at magandang fountain. Take note, it's not an ordinary fountain dahil chocolate fountain sya. Omo! Pwede ko kayang i-take home ito.
"Wow!" sabi ko sabay patakbong pumunta sa chocolate fountain.
"Mi Yeong! Look!" tawag sa akin ni Yoora sabay turo sa may likuran ko pero dahil busy ako sa pagtanay sa iuuwi kong chocolate fountain eh hindi ko na lang sya pinansin.
"Hoy Mi Yeong!" tawag pa din sa akin ni Yoora pero hindi ko pa din siya pinapansin. Mi Yeong ignore lang. Pakafamous feel ka muna kahit saglit lang para sa chocolate fountain mo.
"MI YEONG! Tingin sabi ei." sabi ni Yoora at dahil sa mukang nagalit ko ata si Yoora ei siya na yung nanghatak sa akin para humarap sa tinuro niya kanina.
BINABASA MO ANG
Magicus Academy (OnGoing)
FanficSeriously? Magic in the 2nd century. Are you kidding me? ~ Mi Yeong Jong