Written by: Ragged Man
Huwebes, alas dose nang tanghali sa may kanto nang Paseo de Roxas sa
Makati, Siyudad nang Maynila.
"Mike let's go, twelve na it's breaktime na ano pa bang tinatayo mo diyan?" Sabi nang kaibigan at ka trabaho ni Mike na si Noel, pamilyado at nasa edad 30
nagtatrabaho bilang Call center agent sa isang kumpanya na pinamamasukan nila nang kaibigan niyang si Mike.
"Ewan basta parang kinukutuban ako pre." Sagot naman ni Mike,
Nasa edad 25, kaibigan at ka trabaho ni Noel. Ngunit may kakaibang kakayahan si Mike sa ibang ordinaryong tao, Nahuhulaan at nakukutuban niya ang mangyayari ilang oras bago ito maganap.
"Nagpapaniwala ka sa mga superstition na yan baka nalipasan ka lang nang gutom bro, tara dun tayo mag-lunch sa may bandang Salcedo, balita ko andun grupo ni Dianne pupunta ngayon haha." Sagot ni Noel na tila naging excited habang tinapik-tapik sa balikat ang kaibigan.
(Hindi eh, may malaking kaguluhan ang mangyayari bago matapos ang araw na
ito.) Isip ni Mike habang patuloy silang magkaibigan sa paglakad at patawid
papunta sa kabilang kalsada.
Matapos ang kinse minuto, nasa loob nang isang restaurant ang magkaibigan,
naka-upo at kumakain nang tanghalian.
"Wow naman, ang akala ko ba dito sila Dianne mag la-Lunch ngayon, mukhang na palpak yata ako sa info ko ah." Bigkas ni Noel habang malamyang sumubo nang kanin at ulam habang nakatitig sa labas nang restaurant.
"Sa may Ayala sila tumuloy bro, nagbago nang isip yung isa." Sabi ni Mike ha-bang mabilis ang pagsubo nang kanin at ulam sa kanyang bibig, ngunit tila ten-syonado at di mapalagay sa sarili.
"Ows talaga pano mo nalaman? kanina lang narinig ko habang coffee break kung san sila tutungo sa Lunch." Tanong nang kaibigang si Noel habang biglang
napatingin kay Mike.
"Wala lang hula ko lang naman pre. Ah bilisan mo pagkain at kailangan
magpakabusog ka ngayon." Sagot uli ni Mike habang nagmamadali sa pagsubo at paghigop nang sabaw sa kanyang mangkok.
"Masyado ka talagang OA Mike, napaka weird mo pa kaya tuloy iniiwasan ka nang ibang mga girl's sa company natin. Minsan nakatulala ka, kapag coffee break nag-iisa ka lang sa gilid naglalaro nang tablet. Grow up bro, di ka na col-lege boy."
Sagot naman ni Noel habang tila pinangaralan ang kaibigan, dahan-dahan sa
pagsubo nang kanyang pagkain at tila nadismaya dahil wala sa lugar ang kanyang crush bagamat siya ay isang pamilyadong tao na.
Hanggang sa natigilan si Mike sa pagsubo nang kanyang pagkain at biglang
naglagok nang isang basong tubig at nagsambit nang kataga.
"Nag-umpisa na."
"Huh? anong umpisa na bro, ayan ka na naman sa ka weirduhan mo, tumigil ka
nga hehe." Nakangiting tanong nang kaibigang si Noel habang mabagal na isin-ubo ang isang kutsarang kanin na may piraso nang ulam at pailing-iling pa.
May biglang dumaan na convoy nang mga pulis at swat sa kalye sa lugar na
kinakainan nang magkaibigan, mabibilis ang takbo at tila may pagmamadaling
makarating sa isang lugar.
Napatingin din sa labas nang salamin sa restaurant ang iba pang kumakain sa loob nang biglang binuksan nang isang crew ang isang T.V. sa bandang itaas na bahagi nakapuwesto sa loob nang restaurant. May isang flash new's na balita,

BINABASA MO ANG
Infected Manila
TerrorAng Maynila ay marami nang pinagdaanan sa paglipas nang panahon. Giyera, Sakuna, Kalamidad maging Delubyo, ngunit handa na ba ang siyudad para sa isang biglaang Zombie Apocalipsis na hindi inaasahan nang marami? tunghayan ang kuwento nang isang ordi...