"Bakit parang ang lungkot mo?" Tanong ko kay Mark dahil kanina pa siyang parang di mapakali na parang may gustong sabihin.
"Ah wala 'to Megs, napagod lang ako sa pag-jogging namin kanina ng kapatid ko."
Tumingin ako sa mga ulap sa itaas habang nakahiga kami ni Mark dito sa damuhan sa aming backyard. Ibang-iba siya simula pa nung pumunta kami last week sa mall. Malakas ang kutob ko na may tinatago siya sa akin.
"Babe, Mahal mo ba ako?"
Out of nowhere bigla nalang siyang magtatanong ng ganyan? Ano bang meron at ganito ang pakikipagtungo niya sa akin?
"Syempre naman. Mark, may problema ba?"
"Wala naman. Nagtatanong lang, mahal din kasi kita." Sabi niya habang nakatingin parin sa ulap. Ano bang iniisip nito? Hindi na 'to basta basta.
Ilang segundo na ang nakalipas at walang umiimik. Kahit nakatingin lang ako sa ulap eh nakikita ko parin siya sa gilid ng aking mga mata. Nakikita ko sa mga mata niya na may mabigat siyang problemang dinadala. Hindi ganito ang boyfriend ko, lagi siyang masaya, kung meron man siyang problema ay sinasabi at pinag-uusapan namin.
Nagulat naman ako dahil bigla siyang nagsalita.
"Megs, alam mo namang mahal na mahal kita diba?" Tumigil siya sandali sa pagsasalita at umupo, dahilan rin ng pag-upo ko.
Tiningnan niya ako ng diretso sa mata at hinawakan ang mga pisngi ko.
"Kung ano man ang mangyari magtiwala ka lang sa akin. Para rin to sa iyong kabutihan."
"Mark, babe, anong probl---" Epal naman! Ba't ngayon pa may tumawag kay Mark. Kinakabahan ako, masama ang kutob ko. Ano ba kasi ang nangyayari? Iiwan niya ba ako?
"Megs, aalis muna ako ha, tumawag kasi yung kapatid ko, may importante raw kaming pupuntahan.
Lumapit siya sakin at matagal na tiningnan ang aking mukha at bigla ko nalang naramdaman na may dumampi sa labi ko.
"Bye Megs, I Love You."
~*~
Hi everyone!!! First Got7 fanfic ko po ito! Sana magiging maganda ang outcome nito and sana supportahan niyo 'tong story na to lalong lalo na yung mga co-IGOT7 ko. Guys, I need your comments, suggestions or clarifications. Hahahaha XD
Don't forget to VOTE and COMMENT! Kamsahamnida!
Date started: July 26 2014
Date finished:
2014(c)
All Rights Reserved
-purplixtix18
BINABASA MO ANG
Captured His Heart [GOT7]
FanfictionEnemies >>>>> Bestfriends >>>>> Lovers >>>>> Break Up >>>>> Awkward Friends >>>>> What do you think will happen next? (c) 2014 All Rights Reserved