Chapter 1- Another Country

955 25 2
                                    

APRIL 1, 2014

Megan's POV

"Ma'am nandito na po yung mga shots ko para sa issue ng May." Binigay ko kay ma'am Selene, Editor in Chief namin, ang flashdrive ko kung saan ko sini-save ang mga shots ko para sa magazine.

"Salamat Megan."

Megan Cortes ang pangalan ko, isa akong photographer sa isang sikat na magazine dito sa Pilipinas. Mag tatatlong taon ko narin itong trabaho, ayos naman dahil pangarap ko talaga ito simula pa nung 15 years old palang ako. Kaya masasabi ko na meant to be talaga kami ng mga camera hahaha.

Aalis na sana ako ng tawagin ako ni ma'am Selene.

"Ah Megan, may ipapagawa nga pala sayo yung Managing Editor natin."

"Ano po iyon?" Magalang kong tanong.

"Pupunta kayo ni Pam sa Japan ngayong April 3, idadagdag raw yung mga foods and temples ng Japan sa Issue ng May, nagpa-book na kami ng flight niyo, 8am."

Wahhh! Japan! Pangarap ko pa namang pumunta sa Japan at ito na yun! Si Pam nga pala ay pinsan ko, Pam Hernandez, photographer at writer siya.

"Yes ma'am! Sisiguraduhin ko pong hinding hindi po kayo magsisisi sa mga shots ko. Ilang days po kami doon?

"5 days, kaya pwede pa kayong mag-shopping or anything you want to do. That's a good thing to know Megan."

Pagkatapos ay tuluyan na akong umalis sa opisina ni ma'am.

~*~

Free time ko ngayon kaya pinuntahan ko agad si Pam sa bahay nila, kapit-bahay ko lang naman yung madaldal na yun eh!

"Pam! Pam! Buksan mo 'to!! Bilis!" Sigaw ko sabay sunod sunod na pinipindot ang doorbell.

"Teka lang naman oh! Nambubulabog ka ng tao! Sino yan?!" Inis na sabi ni Pam habang papunta sa gate.

"Si Megan 'to!"

"Uy! Megan! Ikaw pala yan, anong chika mo?" Oh sabi sa inyo eh. Madaldal talaga.

"Pwede pasok muna tayo sa loob ha?"

"Sige sige."

Umupo kami sa sofa at tiningnan ako ni Pam na para bang interesado sa sasabihin ko sa kanya. Dahil April 1 lang din naman ngayon ay lolokohin ko muna siya. April Fools!!!

"Ohhhh alam ko na yang tingin na yan Pam. Okay, sabi ni ma'am Selene pupunta daw tayo sa Seoul ngayong April 3, idadagdag daw yung mga foods and temples doon, hindi ka ba masaya!?"

Seoul ang sinabi ko sa kanya dahil obsessed na obsessed siya sa mga Koreanong yan! Ewan ko kung anong meron sa mga taong yan na na-aadik sila. Hindi naman ako hater at hindi rin naman ako fan, wala lang, hindi ko lang feel na maging Kpop fan, hindi ko rin naman na-iintindihan mga inaawit nila.

"Jinjja!!?? Kyaaahh!! Eotokkhe!?!? Oppa neomu Saranghaeyooo!" Ano daw!? Anong sinabi nitong si Pam? Hayy, eto talaga ang epekto ng mga koreanong yan. -___-

Dahil sa sinabi ko ay tuloy tuloy parin ang pagsigaw niya at lundag ng lundag na parang lilindol na sa bigat niya. Hindi ko naman alam na ito pala ang mangyayari sa isang Kpop fan kapag pupunta sa Seoul.

"Oy! Oy! Tama na yan!" Sigaw ko sa kanya habang hinahablot ko ang damit niya para tumigil, kaso wala eh.

Sinigawan ko siya malapit sa tenga, "April Fools!!!"

Nanahimik ang mundo at dahan dahan siyang tumingin sakin na medyo naiiyak na.

"H-hindi tayo pupunta sa Seoul?" Malapit nang tumulo ang luha niya.

"Hindi! Hahaha April Fools! Ahahaha!" Pinalo niya ako sa braso.

"Aray naman! Pero wag ka ng mag-emote jan, sa Japan tayo pupunta hindi sa Seoul. 5 days tayo doon."

"Japan?! Omg! Nasa Japan ang GOT7 sa April 4! May showcase sila doon! Omg!!! Kyaaaahhh! Bias ko si Jackson! Ang gwapo nun! Kyahhh!"

GOT7? Sigurado ako na isa nanaman yung Kpop group ,atsaka yung si Jackson na sinasabi niya parang narinig ko na yan nung nasa Hong Kong ako. Baka siya yung sinasabi ni Pam? Ah hindi! Fencer pala yun.

"Sana makita natin sila doon kahit anino man lang!" Grabe ha!

"Tama na nga yang fangirl moment mo!" Sabi ko kay Pam

"Pfft. Sabagay hindi mo pa naranasan maging kpop fangirl." K. Fine. Whatever.

Kung hindi lang talaga mas matanda ng isang taon sakin 'tong si Pam ay kanina ko pa ito tinadyakan.

Hayy, mas interesado pa si Pam sa Got7 na yan kesa sa trabaho namin.

Sino ba yang Got7? I-search ko kaya? Wag nalang, tinatamad ako.

~~~~~

(A/n:) Ayan na ang Chapter 1! I hope you liked it ^^ Please support this story!

Medyo matagal tagal ko pa ipo-post ang Chapter 2, kapag may nagbabasa na nito at I need your comments kung anong masasabi niyo sa Prologue and Chapter 1. Kaya please read this everyone ^^

Vote

Comment

Share

Captured His Heart [GOT7]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon