Chapter 2- Airport/Flashback

731 25 6
                                    

Megan's POV.

Nasa airport kami ngayon, naka-upo sa waiting area, 8am pa ang flight pero kaninang 6:45 pa kami nandito. Mas mabuting maaga kesa sa maiwan ng eroplano.

Time check, 7:45 am.

Hayy, 15 minutes pa, ang gulo-gulo pa naman dito sa waiting area.

~15 minutes later~

"Pam mag-seatbelt kana at i-off mo na ang cellphone mo dahil lilipad na tayo."

"Wow ha! May pakpak na pala tayo para lumipad." -________-

"Common sense na lang po."

~*~

~After 4 hours~

Nandito na kami sa Japan!!!! OMG! Dream Come true!! ㅅ.ㅅ kanina pa ako na-eexcite! Kyaaa grabe!

Bago pa man kami makalabas sa airport ay may narinig kaming nagsisigawan, hindi naman gaanong kalakasan, tama lang na marinig ng konting tao rito.

"Pam, bakit ang ingay sa may bandang doon?" Tinuro ko sa kanya. "Tingnan mo nga kung anong meron."

Bale, lumapit siya doon at ako naman ay inaantay ang mga bagahe namin.

Ilang minuto ang nakalipas bago siya bumalik. Mabilis na tumakbo si Pam sa akin.

"Megan!!! OMG I think I saw someone! I saw them! Waaaaa!" Nagha-hyperventilate siya. Hala anong nangyari?

"Anong meron doon? Sinong nakita mo?" Tiningnan ko ulit kung anong nangyayari sa may bandang doon at napansin kong maraming nagpi-picture. Inilabas ni pam ang kanyang cellphone.

"Megan, tingnan mo 'to oh!" Binigay niya sakin ang cellphone na hawak niya.

Habang tinitingnan ko ang mga shots niya, wala akong naging reaction dahil ang nakikita ko lang naman ay mga lalaking naka suot ng itim na damit at leather jacket, glasses, at yung iba naka suot ng kalo.

"Ano ka ba Megan! Got7 yan! Nandito sila sa airport! Waaaahhh my gosh! Dream come true, di ako makapaniwalana nakita ko na sila!" Ay, yun lang naman pala, not interested sorry. Ibang Pam yata ang kasama ko ngayon.

Tiningnan ko ulit yung mga shots niya, ang nakakuha ng atensiyon ko ay yung taong red and buhok na naka kalo. Hindi ko lang maklaro dahil naka side view ito. Tapos halos karamihan ng nakuhang shots ni Pam ay itong taong naka leather jacket with hat, parang may kamukha siya...

Tiningnan ko ng mabuti at nahalata naman 'yon ni Pam.

"Si Jackson Wang yan, gwapo noh? Wag mong kukunin yan dahil akin siya." Kung maka sabi naman ng 'akin', kala mo yung pag-aari niya talaga si Jackson. Aishh! Bakit ba ako nagiging bitter!? Tama na nga ito!

Wait, Jackson Wang? Diba...diba siya yung fencer sa Hong Kong? Siya ba talaga 'to?

"Bakit natulala ka diyan?" Tanong ni Pam habang wini-wave ang kamay niya sa mukha ko.

"Si Jackson....nakita ko na siya nung nasa Hong Kong ako."

"WHAT?! Bakit ngayon mo lang sinabi sakin? Diba 1 week ka sa Hong Kong dati? Naging close ba kayo?!? Mag-kwento ka nga sak--" hindi ko na siya pinatapos at umoo na lang ako.

"Pam, tara na, marami pa tayong gagawin, magpapahinga muna tayo sa hotel."

~*~

Paglabas namin ng airport ay may isang Japanese na lalaki ang lumapit sa amin.

"Are you Megan Cortes and Pam Hernandez?" Tanong nito sa amin. Wow, alam niya pangalan namin! Haha

"Yes, we are."

"Oh, I'm your personal tour guide, Selene instructed me already to where you both are going."

Ahh so tour guide pala namin to, wow ha, ang hot niya. Aishh ano ba yan Megan! Erase erase! >.<

So, sumakay kami ng taxi papunta sa hotel. Habang nasa taxi kami ay may sinasabi yung tour guide sa amin pero ako ay nakatingin lang ako sa mga lugar na dinadaanan namin. Waaaa ang ganda talaga ng Japan, nakaka-amazed, nae-excite tuloy ako.

Habang ako'y nabibighani sa mga nakikita ko ngayon ay hindi ko namalayang nagde-daydrem na pala ako at thanks to Pam nagising ako sa reality.

"Huy! Megan! Kinakausap ka ng tour guide natin!"

"Oh oh sorry, what was it?" Tumingin ako sa tour guide namin. Ang cute niya kasi eh, singkit! ^^

"My name is Katsunori Hiromitsu." Ang Cute ng Eye smile niya!

"Hai." Sagot ko sa kanya, he chuckled.

~*~

Nakarating na kami sa hotel at bago pa man kami makalabas sa taxi ay may binigay na papel si Katsunori sa amin.

"That's my phone number, call me anytime when you two need me, ok?"

"Hai, Arigatou!"

Pagkatapos naming mag check-in ay dumiretso agad kami sa room namin.

Binuksan na ni Pam ang pintuan at mga ilaw habang ako naman ay binuksan ko na ang aircon at nilagay ang mga bagahe namin sa tamang lugar. Wow grabe ang ganda ng hotel nila.

Humiga ako agad sa kama dahil pagod na pagod pa ako sa biyahe, glad to say na hindi na ako masyadong naje-jetlag.

Habang nakahiga ako at nakatingin sa ceiling at naalala ko na naman si Jackson, naalala ko nung nasa Hong Kong ako nung 2010

~FLASHBACK~

August 2010

Nandito ako ngayon sa Hong Kong. Mayroong kasing Summer Youth Olympics and ako ang naka-assign na photographer para sa event na 'to, maraming athletes dito pero sabi ng Managing Editor namin kailangan ko daw mag-focus dun sa Fencer ng Hong Kong sa Junior division na si Jack... Jackson Wang ba yun? Basta yun na yun.

(A/n: guys, originally sa Singapore na held ang Olympics, hindi sa Hong Kong, pero fiction lang ito kaya ito na. ^^)

Tuloy tuloy ang pagpicture ko sa mga athletes and at the same time sinusulat ko kung sino ang magkalaban at kung sino ang nanalo dahil wala akong kasamang writer, tapos kapag babalik na ako sa Pilipinas ay ibibigay ko na sa kanya at siya na bahala dun.

At ayan na! Ayan na si Jackson! Malapit nang magsimula ang fight nila at nire-ready ko na ang camera ko. Eto ngayon nage-exercise siya *click* yon ibang posisyon naman! *click*.

Nagsisimula na ang game, picture parin ako ng picture, in the middle of the game lagi silang nagta-tie pero ang nanalo parin ay si Jackson! Sa may bandang likuran ko ay may mga babaeng nagche-cheer ng Jackson! Jackson! Jackson! Infairness, may fangirls pala itong jackson na 'to ! Yeah! In the end, si Jackson parin ang nanalo! Pinicturan ko siya habang sinusuotan siya ng medal. Tumitingin siya sa lahat ng taong may camera at pinipicturan siya, at...at... Tumingin siya sakin, hindi ko lang alam kung sa akin ba talaga, basta sa direksyon ko. Medyo matagal tagal rin siya tumingin sa direksyon ko, baka nagugustuhan na niya ako, hahaha assuming naman ako. XD

Wow grabe ang galing niya talaga, teen palang siya Asia's best na.

Fencing pala ang last game, tapos na at bumaba na ako para lalabas na ako sa stadium.

Pang 4 na araw ko na dito sa Hong Kong at ang ginawa ko in the past few days ay pumunta sa mga tourist spots dito at sa Disney Land~! Hahaha ang ganda dun pramis, kahit 20-30 years old ay mage-enjoy!

Total, malapit ng mag 6pm, pupunta nalang muna ako sa pinakamalapit na mall dito para maghapunan bago umuwi sa hotel.

~*~

(A/n:) Ayan na ang Chapter 2! May kasunod pa ang flashback, nasa chapter na 3 kasi mahaba yun eh ^^

Excited na ba kayong malaman kung anong magiging reaction ni Megan at Mark nung nagkita ulit sila? ^^

Vote

Comment

Be Active and Share ^^

Captured His Heart [GOT7]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon