Sa tuwing pinagmamasdan mo siya,
Ako'y nakadarama labis na sakit sa aking puso.
Luha'y lumalabas, Kilig ko'y nawawala
Di ko alam kung bakit siya at siya ang lagi mong tinitingnan.
Puro ngalan niya ang bukang bibig mo.
Ano bang meron sa kanya na wala sa akin?
Minahal naman kita ng buo at mas matagal kaysa sa kanya.
Pero, siya parin ang iyong pipiliin at iibiigin.
Anong magagawa ko? Kung siya ang iyong buong mundo.
Siguro ko nga para lang ako dumi sa iyong paningin.
Na dapat ay, di na nabuhay sa simula palang...
