Chapter 4

490 7 1
                                    


Chapter4

at dahil malapit na ang pananghalian ay nagluto na si Nick habang hinihintay niya ang pagdating Brix.

Naluto na ni Nick ang kanin at pinapakuluan nalang niya ang adobong baboy ng may nag door bell at alam niyang si Brix nito kaya dali-dali siyang pumunta sa pinto upang pagbuksaan si Brix.

Pagbukas niya ng pintuan ay bumugad sa kanya ang nakapagwapong si Brix at mukhang kaliligo pa lang ng binata.

"Pasok na" masayang sabi ni Nick sa binata

Pagpasok palang ni Brix ay agad na niyang niyakap ang dalaga at wala namang angal si nick dahil sa pamamalagi ni Brix sa dubai at kahit noon magbestfriend palang sila ay talagang hilig na ng binata ang yakapin siya ng mahigpit kaya naman hinahayan nalang ng dalaga si Brix

"Namiss talaga kita Love" sabi ng binata habang naka yakap padin ito sa dalaga at natawa naman ang dalaga sa pumasok sa isip niya

"Nanliligaw ka palang ganyan kana ka Clingy pano nalang pagtayo" natatawang saad ni Nick sa kanya

"Edi pagtayo na mas magiging clingy ako sayo" sabi naman nito kaya napa iling iling nalang siya

"sige bitaw na baka masunog yung niluluto ko at wala tayong uulamin yung paborito mong adobo pa naman yun" natatawang sabi ni Nick sa binata dahil alam niyang paborito nito ang adobo kaya alam niya bibitaw agad ito

napipilitang bumitaw ang binata sa pagkakayakap niya sa dalaga at sinundan niya ito patungo sa kusina

Hinahalo ni Nick ang niluluto niyang adobo na makita niyang sinundan siya ng binata sa kusina at nilapag nito ang celllphone niya sa hapag kainan at pumunta sa dereksyon niya ... pinapatuloy lang ng dalaga ang pag halo ng nilukuto niyang may biglang yumakap sa likod niya at di na niya kailangan lingunin pa dahil amoy palang alam niyang ang lalaking pinakamamahal niya ang yumakap sa kanya

"Love mamimiss kita ng sobra-sobra" malungkot na saad ng binata

kahit siya alam niya mamimiss niya din ito dahil di niya alam kung kailan ulit sila magkikita o kung makikita pa ba sila?

"Kaya nga ako nagleave para lahat ng oras ko ay maibigay ko lahat sayo.. para magkasama tayo sa kahit konting panahon na lang dahil di man natin alam kung kailan ulit tayo magkikita o magkikita pa ba tayo" saad ng dalaga

pinatay na muna niya ang niluluto niya bago humarap sa binata

"alam ko pagbalik ko sa america ay magkikita pa tayo at nakakasigurado ako dun diko naman hahayaan na di kita makita baka naman mabaliw ako... sa isang oras nga na di kita makita para nakong mababaliw pano ba kaya ang mas matagal sa isang oras?"

"Sana nga" malungkot na saad ni Nick dahil alam naman niya na baka malabo na ang magkita ulit sila baka hanggang Videocall at chat nalang sila magkausap

"Love papayag ka ba kung sakaling dalhin kita sa america?" tanong ni Brix pero dahil alam ni Nick na malabong mangyari ang tanong ng binata sa kanya ay sinagot nalang niya ito bawas lungkot nadin

"Oo naman pero alam naman natin kung gaano kahirap ang maglakad ng papeles kaya posible ang gusto nating mangyare"

"Pero sabi mo oo basta wala ng bawian ha? kung sakaling yayain kita papunta sa america bawal ka nang tumanggi dahil naka oo ka na ok Love?"

"Oo na po" nakangiting sagot niya pero alam niyang malabo kaya ayaw na niyang umasa pa.

"Kumain na nga lang tayo at baka lumamig na yung mga niluto ko tara"

tumango naman ang binata at nagsalo nga silang kumain

masaya silang kumakain ng biglang tumunog ang cellphone ni Brix at hindi nakaligtas ang pangalan ng Caller kay Nick at napairap naman siyang ng babae ang tumatawag at 'alexa' ang nakapangalan sa cellphone ng binata at agad naman nagexcuse ang binata at lumayo sa hapag kainan. ang binata upang sagutin ang tumatawag sa kanya

Bestfriend To LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon