"Tabi! Magsitabi kayo! Daraan ang prinsipe!" Sigaw ng isang mangangalak na humahangos ng takbo sukbit sa likod ang sako ng paminda.
"Na r'yan na ang prinsipe. Magsitago na tayo!!" Nahihintakutang sambit ng isang dalaga. Mabilis na hinila nito ang kasamang bata at tumakbo palayo. Nagtataka namang pinagmasdan ni Tarra ang mga taong hindi magkaundagaga sa pagtakbo. Ang iba'y nagtatago na sa loob ng kanilang tindahan.
Naguguluhan man sa nangyayari ay hinanap ng dalaga ang kanyang ina at kapatid.
Nagkakabungguan na ang mga tao. Ang iba'y nadadapa na at naaapakan.
"Magtago ka na iha kung ayaw mong maabutan ng prinsipe ng Sartoria." Aning matandang lalaki na nakabungguan niya. Puno ng takot ang boses nito.
"Bakit?" Tanong niya subalit hindi na siya pinansin nito at tumakbo na palayo.
Dinig na sa kabuoan ng bayan ang hiyawan ng mga tao at huni ng kabayo.
"Tarra! Bilisan mo at tumakbo ka na!" Sigaw ng matandang babae na tumawag sa kanya. Lumingon ang dalaga mula sa kanyang likuran subalit nanlaki ang kanyang mga mata. Nanginig ang kalamnan at halos hindi na makagalaw.
Matuling takbo ng kabayo sakay ang isang lalaki na may hawak na katana. Tumutulo ang dugo mula rito.
"Ina! Sora!" Sambit ng dalaga. Tumakbo papalapit si Tarra sa kanyang ina at kapatid subalit may humila sa kanya at nagtago sa ilalim ng kariton.
Tinakpan nito ang bibig ng dalaga.Hindi mapigil ang luha ni Tarra. Ang kanayang in at kapatid...
Pinakinggan ng isang babae ---na kasing edad niya--- ang yapak ng kabayo.
Nang wala nang marinig ay saka ito sumilip sa kanilang kinaroroonan. Ngunit ang prinsipe ay naroon pa rin.Bumaba ito sa kanyang kabayo at naglakad nang marahan. Kitang-kita ni Tarra ang dugong umaagos sa talim ng katana nito. Gustong sugurin ng dalaga ang prinsipe at patayin rin ito ngunit hindi niya magawa dahil hawak siya ng mahihpit ng kasama.
Ibinaligtad ng prinsipe ang mesa na puno ng paninda. Pinansadahan pa nito ang karitong pinagtataguan ng dalawa.
Nang wala nang makita ay saka rin umalis ang prinsipe.
"Magpapakamatay ka ba?" Singhal ng dalaga kay Tarra.
"Si Ina. Sandali si Ina. Kailangan ako ni Ina at Sora." Mabilis na hinawakan ng dalaga ang kamay ni Tarra upang pigilan ito. Iniharap niya ito sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat.
"Pagmasdan mo ang paligid mo. Lahat sila ay wala na. Patay na. Maging ang ina at kapatid mo ay wala na."
Pinunasan ng babae ang mukha ni Tarra."Ang prinsipe ng Sartoria ang pinakamalupit. Walang pinipili at walang sinasanto. Huwag mo nang tangkaing labanan pa siya." Dugtong nito. Pinagmasdan ni Tarra ang suot ng kaharap. Sa pananamit niya'y isa siyang maharlika. Galing sa mayamang pamilya.
"Bakit? Bakit mo ko niligtas? Bakit hindi mo ko hinayaang sumama sa aking ina."
Ngumiti ang babae sa kanya at saka siya niyakap.
"Malalaman mo kung sasama ka sa akin."
"Saan tayo pupunta?"
"Sa bayan ng Tartara. Ang bayan namin." Sagot ng dalaga na kaharap ni Tarra.
Parehong sakay ng karwahe. Maputik at lubak ang daang kanilang tinatahak.
Nakayuko at pinaglalaruan ni Tarra ang daliri. Wala na ang kanyang ina at kapatid. Wala na siyang matatakbuhan pa.Nilingon siya ng kaharap at hinawakan ang kanyang kamay. Inangat nito ang tingin sa huli.
"Ako nga pala si Adel." Basag niya sa katahimikan. "Madadaanan natin ang bayan mg Sartoria kaya't maghanda ka. Maaaring may makasalubong tayong kawal na naglilibot tuwing gabi." Sumilip sa labas ng bintana si Adel at pinagmasdan ang kadiliman.
Maririnig sa mula sa labas ang huni ng insekto. Ang paghampas ng dahon."Bakit ganooon ang prinsipe ng Sartoria?"
Napatingin si Adel sa kanya saka umayos ng upo at binaba ang harang sa bintana."Ang prinsipe ng Sartoria, Cullen Sartoria. Brutal at walang sinasanto kahit matanda o bata. Lahat nang humaharang sa kanyang dinaraanan ay kanyang kinikitil."
"Hindi makatwiran. Gusto kong makapasok sa palasyo."
Gulat na tinitigan siya ni Adel.
"Baliw ka ba?"
"Yun lang ang tanging paraan upang maipaghiganti ko sina ina."
"Isang malaking kahangalan ang iniisip mo." Hindi maipinta sa mukha ni Adel ang inis. "Mag-isip ka muna. Hindi madaling makapasok sa loob ng palasyo."
"Tutulungan mo naman ako hindi ba?"
Naiinis na turan ni Tarra. Nanliit ang mata ng kaharap.
"Para saan pa ang pagtulong mo sa akin kanina? Para saan pa ang pagsagip mo sa akin kanina? Para saan pa ang pagligtas mo sa akin kanina kung hindi mo rin lang ako matutulungan sa nais ko?" Bahagyang tumaas ang boses ni Tarra na ikinagulat ni Adel.Ipinikit nito ang mga mata at huminga ng malalim.
"Patawad hindi kita matutulungan sa nais mo."
"Pero.." hindi na umimik pa ang dalaga at agad na binuksan ang pintuan ng karwahe. Mabilis na tumayo sa bukana nito saka nilingon ang huli.
"Anong ginagawa mo?" Nanalalaki ang mga mata ng huli.
"Kung hindi mo ko matutulungan ako na ang gagawa ng paraan."
