Chapter 2

1.4K 21 0
                                    


"Okay, class. Please copy all the writings on the board. These will be the coverage for your exam next week. I'll end here, goodbye class."

Diba ansaya ng buhay? Bago panga natapos yung acquaintance, exam na agad. AYYYAAWW KOO NNNAA!!

Niligpit ko na yung mga notebooks ko. San ba sina Cess?? Matawagan nga.

"Hoy, gaga! Ba't ka tumawag nandito lang naman ako likod mo!"

"Ayy, sorry, nakalimutan ko."

"Hoy, bes! Halatang halata ka."- sabi ni Ez sakin. Teka, di ko gets. Anong halatang halata ako?

"Gaga, preoccupied nanaman ba utak mo dahil sa nangyari nung aque?"- tong babaeng to parang gusto akong ipagtulak kay Rinn.

"Duh! How many times do I have to tell you na AYAW. KO. SA. KANYA. Kung gusto nyo samaplin ko sya sa harap nyo. Hmp!"

"KUNG KAYA MO!"- sabay pa talaga sila! Tangik ba't ko ba sinabi yun. Patay mapapahamak naman yata ako nito huhuhuhuhu!

"Tara, canteen tayo. Gutom na ko tapos inaabuso tayo ng todo. Alam nyo bang di ko na kayang mabuhay?! Uuggghh!"- kahit kailan ang ingay talaga nitong babaeng toh. Sana pala nagdala ako ng earphones. Tsk tsk.

"Hoy, Ezra. Pwede ba? Kahit isang araw lang, please."- Isa naman tong si Cess. For sure mag sasagutan nanaman yan. Hayysstt.

"Jill!"- nakita ko si Ann kumakaway sakin. Tagal ko na yatang di nakita tong sila Dale.

So, bale, si Ann at si Dale palaging magkasama. At first, nag expect na akong magkasintahan sila, but surprisingly, they aren't. Sina Cess and Ezra naman, sila kadalasan kasama ko. Yung kambal na opposite. Si Ez, matabil at kayumanggi, si Cess naman, tahimik at maputi.

"Uyy! Kamusta? Matagal tagal tayong di nakapag usap ahh."- magkatabi lang kami ng room pero di namin sila nakikita masyado dahil marami silang inaasikaso.

"Oo nga ehh. Tara, sabay nalang tayo kumain."- sabi ni Ann ng naka ngiti.

Dumiretso na kami sa loob at naghanap ng table. Medyo nahirapan kaming maghanap. Anraming tao.

Sina Dale at Ann na yung pumila. Diba, kahit sa pagpila,  sila parin magkasama. Tsk tsk. Duda na talaga ako sa kanila. Okay rin naman sakin na sila magkatuluyan. Bagay sila ahihihihihi!

Matatagalan siguro sila dahil anlayo pa nila sa dulo kung saan yung counter.

"Uyy, laro tayo! Antagal  nila ehh."- tong gaga-ng to, gutom na nga, may nalalaman pang laro.

"Anong laro?"- walang ganang sagot ni Cess. Walang ganang sumasagot pero at least.

"Truth or dare!"- excited pa talaga siya. Minsan nga, mapapatanong ko nalang saking sarili kung pano ko naging kaibigan si Ezra. Di rin naman ako matabil so there's no way na mag kakasundo kami.

"Sige sige."- sabi namin sabay hikab ni Cess. Wala eh, pagod dahil sa sunod sunod na activities plus may upcoming exam pa.

Pinulot nya yung boteng nakalagay sa gilid ng aming table at pinaikot sa gitna. Tumutok ito sa kay Cess.

"Gusto mo ba si Mikee or hindi? YUNG TOTOO."- diretsong tanong ni Ez.

Umiling lang sya. Medyo di pa sure si Ez kung tatanggapin nya yung sagot pero after, parang nakuntento naman sya.

Pinaikot nya ulit yung bote at tumutok ito sa kanya.

"Truth."

"Anong pipiliin mo. Sex or Chocolates? WAHAHAHAHAH!"- sarreh! La akong maisip.

"Syempre BOTH!"- sabi nya sabay lip bite. Kadiri!

Pinaikot na nya naman yung bote at tumutok ito sakin. Tumingin agad sila sakin at nag evil smile. Naman oh!  Mapapahamak nanaman yata ako nito!

"Ano?"- sabi ko sabay tingin pababalik balik sa kanila.

"GAWIN MO YUNG SINABI MO KANINA."- Sabay pa! Teka, ano bang sinabi ko sakanila kanina?

Hmm.... Ano ba sinabi ko kanina. Tinuro ni Ez yung likod ko. Lumingon ako sa likod. Ano nga sinabi ko kani----

AYY SHIT! LECHE! SHIT!!!!

"Teka, teka! Joke lang yon kanina. Iba nalang please?  Please? Sige naahh."- sana naman kahit ngayon lang please?!

Sabay silang umiling. Naaahhh!! Ayaw ko!! Mapapahiya ako nito!!

"Walang bawian. May parusa pag ipapachange yung dare."- sabi ni Ez with her lecheng evil smile on her face.

"Ano naman yun?"- sana kahit ito lang, magagawa ko ng maayos at makalma.

"Sabihin mo sa buong campus na kayo na ni Rinn."- OH NICE I NEED TO BREATHE!

"Kailan deadline?"- Binubwiset nako sa dalawang to!

"Mamayang uwian."- Nag eenjoy sila oh! Sayang saya sila. Habang ako, GUSTO KO SILANG PAGUNTUGGGGIINN!!










The More You Hate, The More You Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon